"Oh" sabi ko at inabot sakanya yung handkerchief ko kasi naman todo pawis nya, hindi naman ganun kainet. Jusko.

Hindi sya nagsalita pero kinuha nya parin yun at pinunasan yung ulo nya.

"Ano ba kasing pumasok dyan sa kokote mo at ginawa mo yun?"

"Aish! Yan nanaman yung topic? Eh diba nga sinabi ko na sainyo na HINDI. KO. SINASADYA. Mahirap ba paniwalaan yun?!" tinignan ko lang sya after what she talked.

Ngayon ko lang nakitang bumulyaw si Cherry, yung pagalit madalas kai sumisigaw sya dahil masaya sya at pag galit naman sya tahimik lang sa isang tabi.

Nakakapanibago..

"Chill ka lang para kang mangangain sa facial expression mo eh" Kumalma muna sya at tumingin ulit saakin pero nakakunot na yung noo. Anong klaseng kalma yun?!

"Hindi ko sinasadya" sabi nya ng may pagkadiin. Tumahimik lang ako at nakipagtitigan sakanya pero ilang minuto pa ang nakalipas bigla syang tumalikod tapos pumasok na sa kotse nya. "Kung ayaw mong maniwala edi wag. Sya naman palagi mong pinaniniwalaan eh"

Narinig kong sabi nya at napapunta ako sa side ng kotse nya.

"Hoy Cherry! BABA! Magusap nga tayo!" sabi ko sabay hampas ng dun sa bintana. Tumabi muna ako ng maramdaman kong lalabas sya sa kotse nya.

"Ano nanaman?"

"Ano bang kinakaputok ng butsi mo? At pinagiinitan mo ngayon si Vanessa?!" sigaw ko sakanya at dun na sya unti unting lumuha pero nakakunot parin yung noo nya.

"Tinatanong mo kung anong kinakaputok ng butsi ko dun sa babaeng yun. Ha?! Ha?! DAHIL INAAGAW NYA SAAKIN YUNG BESTFRIEND KO! YUNG BESTFRIEND KONG SINABI NYA PAGNAKITA NA DAW NYA YUNG MAHAL NYA WALANG MAGBABAGO, HINDI NYA PA RIN AKO PAGPAPALIT! PERO ANO NANGYARI?! KABALIGTARAN,BAL! MYGOODNESS!"

"Cher--"

"Masakit Kiel. Umasa akong walang magbabago. Naging kampante ako kaya hinayaan kitang mahalin sya kasi alam kong hindi mo parin pababayaan yung friendship natin. Hindi mo parin ako pababayaan but it turned out that I was wrong. You lied. You didn't keep your promise" sabi nya at pumasok na ulit sa kotse nya mabilis itong pinaandar paalis. Ako naman naiwan dito na napatulala.

Ganun na ba ako kasamang kaibigan? Na pati bestfriend ko nasasaktan sa ginagawa ko.

Pagkapasok ko sa bahay si Kath naman yung nakatingin saakin na may kahulugan.

"Bakit?"

"First time ah. Si Ate Cherry yung nagwalk out hindi ikaw" sabi nya at napairap nalang ako sa sinabi ng kapatid ko. Kasi naman every time nagaaway kami ni Cherry, calm lang sya pero paiyak na at dahil dun magwawalkout ako kasi ayokong nakikita syang umiiyak "Dati si Ma'am Vanessa yung kaaway mo ngayon si Ate Cherry naman. Nako nako kuya, two timer ka talaga"

"Kumain ka nalang dyan Kath"

"Sabi ko nga kakain nalang ako" sabi ni Kath at sumubo na ng pagkain. "Ay nga pala kuya, kanino yung paperbag na yun? Para saakin ba yun?" at tinuro yung paper bag na nasa may upuan sa sala.

"Hindi"

"Ayy sayang naman. Edi para kanino?" 

"Basta"

Kinabukasan. Maaga akong gumising para maabutan ko pa si Vanessa sa bahay nila at exakto!!

BEEEEEPP

"Vanessa!" hingal kong tawag sakanya dito habang nakaharang sa kotse nya na hingal na hingal.

Paano ba naman tinakbo ko lang toh mula dun sa entrance ng subdivision nila hanggang dito bahay nya. Eh wala kasi akong pambayad sa taxi ngayon eh, kailangan magtipid atsaka good for the healt na rin toh noh!

She's my brat boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now