Chapter 33: Please! Don't Leave Me

2.6K 33 0
                                    


IMPORTANT NOTE: May trailer po ako na inilagay sa prologue :) watch it if you want




Kailley's Pov

Iminulat ko ang mga mata ko. Sino ang mag akyat sakin dito?.

Tumayo ako at lumabas na ng kwarto ko. Habang pababa ako may naririnig akong mga boses. Tumapat ako sa pintuan ng kwarto ni Nathan. Nakaawang ng konti ang pinto.

"Ano mo ba siya huh?" sambit ng boses ng isang babae. Umusog pa ulit ako ng konti para makita ko silang dalawa. Maganda ang babae, maputi ito at wait... Medyo kahawig ko siya. Nakasideview silang dalawa.

"She's my wife. Our parents wants this marriage to unite the business of Foroe's and Frenierr's" sabi naman ni Nathan. Bakit niya sinasabi yun sa babae? Sino ba siya?

"You can left her and come with me right" umiiyak na sabi ng babae. Tama ba ang narinig ko? No! Sabi ni Nathan mahal niya ako. Di niya ako iiwan.

Nakaupo na sa kama ang babae at sa harap nito ay si Nathan. Niyakap siya ni Nathan. Parang may pumiga ng puso ko. Bakit niya niyayakap ang babaeng yan?

"I-I'm sorry. My parents get mad at me. They will do what ever they want to make our lives miserable. I want you to be happy" Sa sinabi ni Nathan napahawak ako sa dibdib ko. No! Hindi! Hindi niya yun sinabi.

"Please come with me. I know you still love me like before. Let's fight for us Nathan. I don't care if we live miserable. The important is you are here with me, fighting for us and we will live happy with our children" humahagulgol na ang babae. Hindi. Hindi pwede to. Sakin si Nathan. Ako ang asawa ni Nathan. Ako ang magiging ina ng mga anak ni Nathan.

" Yes, I will fight for us but how about Kailley? I will hurt her"

"Just tell her that you love me. Just leave her. Its easy Nathan. Why are you worried at her? Do you love her?" kinakabahan ako sa sasagutin ni Nathan. Alam ko.. Alam ko mahal niya ako.

Hinalikan ni Nathan ang babae ng matagal. Napapikit ako. Pinipiga, tinatapakan,tinutusok at pinapatay ang puso ko sa nakikita ko. Pinipigilan kong humagulgol ng iyak.

" I love her but... But not the way I love you" No! Hindi sabi mo ako lang. Ako lang ang mahal mo di ba Nathan. Ako lang di ba.

"I love you so much TanTan" sabi nung babae at hinalikan si Nathan. No! It can be.

"I love you more than everything... My VenVen" Nooo! It can be! Sabi ni Nathan patay na siya. Baka nagpapanggap lang yang babaeng yan.

Nakatingin pa rin ako sa kanila. Napaupo ako sa nakikita ko. They are kissing. Sinuntok ko ng paulit ulit ang dibdib ko. Napapikit ako sa sakit na ginawa nila sakin. Hindi! Hindi to nangyayari.

Hinawakan ko ang bibig ko para di nila marinig ang iyak ko. Pero nasagi ko ang pintuan at lumikha ito ng ingay.

Ako! Ako ang mahal ni Nathan. Napatawa na lang ako ng mapakla. Oo nga pala first love siya ni Nathan. Eh ako? Ako lang naman tong pinakasal sa kanya ng mga magulang namin para sa business. At ako lang din to na pinagpipilitan ang sarili sa kanya. Sobrang sakit sobra.

Ganito siguro pag nagmamahal, kahit nasasaktan ka na patuloy ka pa rin umaasa sa isang bagay. Isang bagay na walang kasiguraduhan kung mahal niya ba ako at handang ipaglaban o sadyang pinapaasa niya lang ako sa mga salita niya at ako namang si t*ng* umasa.

My Cold Husband Is A Bad Boy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon