CHAPTER 1

8.2K 138 0
                                    

Kailley's POV

"You may now kiss the bride" unti-unti siyang lumapit sa akin then he kissed me quickly on my cheek. Bigla na lang akong natulala sa ginawa niya at ang hiyawan ng mga tao ang nakapagbalik sa akin sa reyalidad.

Sinabihan kami ng photographer na lumapit lalo para makuhanan kami ng magandang litrato. Napasinghap ako ng hinawakan nito ang bewang ko sabay tingin sa camera. Napitlag ako sa biglang pagclick ng camera. Hindi man lang ako naging ready sa picture namin.

"Tss" narining ko ang mahinang pagsinghal niya sabay tingin sa malayo. Tinanggal niya na rin ang kamay niya sa bewang ko at lumayo sa akin ng kaunti. Parang nandidiri siya na magdikit ang aming balat.

"Arte naman nito" bulong ko sa sarili sabay buntong hininga.

Maya-maya pa ay nagsilapitan na rin ang mga magulang namin upang sumama sa pictorial. Ngumiti ako sabay ng pagflash ng camera.

Alam kong hindi niya rin ginusto ang kasal na naganap at pareho lang kami. We're married because my parents and his parents were bestfriends kaya nangyari itong lahat. Wala naman akong magagawa kung hindi sumunod na lang sa gusto nila. I want my mom and dad to be happy. Kahit sa ganitong paraan lang.


-RECEPTION AREA -

"Dear, you and Nathan will be living under the same roof. Don't worry naayos na namin ang lahat" mommy said while hugging me.

Nasa reception na kami ngayon at hindi ko alam bakit kinakain ako ng kalungkutan lalo na sa sinabi ni Mommy. I know na hindi magiging maayos ang pagsasama namin ni Nathan. Sana makaya ko iyon. Sana nga.

"Okay mom" I said in a sad tone. Hindi ko talaga ginusto ito pero kailangan ko silang sundin.

"Huwag ka ng maging malungkot anak. I want you to be happy because this is for your own good. For sure, having a husband will be a pleasant experience for you.'' I sighed. How come na magugustuhan ko ang magiging buhay ko pagkatapos nitong kasal namin? Ang bata pa namin para ikasal.

" I hope so" walang gana kong sabi. Ngumiti na lang ang aking ina at lumingon-lingon sa paligid.

"Where is your husband? He is supposed to be here at your side" my mom asked while looking at me. Nagkibit balikat na lang ako at tumayo upang hanapin ang asawa ko. Napatapik na lang ako sa noo. Scratch that. Nathan lang hindi asawa dahil sigurado namang hindi ako itinuturing na asawa non.

Ilang sandali pa ay nakita ko siya sa isang sulok habang umiinom ng alak. Sabi ko na nga ba magpapakalasing na naman siya. Ganyan na siya simula nung naengaged kami. Lagi na lang lasing. Hindi ko naman siya mapigilan dahil nagagalit siya sakin.

Lumapit ako sa kanya at mahinang tinapik ang kanyang balikat ngunit hindi niya ito pinansin. Pumunta ako sa harap niya at nilapit ako ang aking mukha.

"Nathan tama na yan'' concern kong sabi pero tinignan niya lang ako ng masama kaya napatayo ang ng matuwid. Heto na naman tayo. Galit na naman ito panigurado.

"Who are you to tell me what should I do? Get out of my way." he said while glaring at me. Tinataboy na naman niya ako. Mainit lagi ang ulo niya pagdating sakin. Tila bang maramdaman niya na ang presensya ko ay kusang kumukulo ang dugo niya.

"Would you please stop drinking, Nathan. It's not healthy" sabi ko sa mahinahong tono.

Bigla syang tumayo at tinulak ako kaya napaupo ako sa sahig. Nagsimula nang manubig ang mga mata ko. Here we go. Iiyak na naman ako.

Dahan-dahan akong tumingala para di tuluyang umiyak at hindi ko ininda ang sakit ng pagkakatulak niya sa akin. Matiim akong tumingin sa kanya . Narinig ko na lang ang mga yabag ng mga tao papunta sa amin.

"Nathan! What the hell are you doing to your wife?" tanong ng mommy ni Nathan at tinulungan akong tumayo.

"Are you okay iha?" nag-aalalang tanong nito sakin. Dahan-dahan akong tumango bilang pagtugon.

"I don't care to that woman" sabi ni Nathan. Naramdaman ko ang kirot sa aking puso at ilang sandali pa aylaking gulat ko nang bigla siyang sinuntok ng daddy niya.

"Hindi kita tinuruan na manakit ng babae Nathan lalong lalo na ng asawa mo. You're such a big disappointnent" galit na galit na saad ng daddy niya. Lumapit ang mommy ni Nathan sa asawa nito at pilit na pinapakalma.

Umalis na lang si Nathan sa reception at hindi na bumalik.

Lumingon ako sa paligid at kita ko ang gulat sa mukha ng mga tao. Dali-dali komg inayos ang sarili ko at tumakbo papuntang banyo. Tumingin ako sa aking repleksyon sa salamin habang unti-unti nagsisilandas ang mga luhang pigil kong inilabas kanina.

Heto ako ngayon umiiyak at nagmumukmok. Sana tanggapin niya rin ako kasi hindi ko rin naman ginuso ito. Sino ba namang babae ang gustong ikasal sa taong di ka man lang kayang itratong tao?

When I was a child, I am dreaming for a prince charming. I want a romatic wedding but hindi ang mga iyon ang nangyayari ngayon. Lahat ng pangarap ko sa aking makakasama sa buhay hindi sa paraang ninanais ko.

"I don't know kung hanggang kailan kita kayang tiisin Nathan" saad ko at hinayaang patuloy na ibuhos ang aking mga luha habang hinihilamusan ang aking mga mukha.


Ms_CupcakeLover





My Cold Husband Is A Bad Boy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon