Chapter 3: He Loves Me?

5.8K 109 1
                                    

Kailley's POV

It's another normal day for me. Walang bago. Nauna na naman si Nathan na pumasok at hindi rin kami sabay nagbreakfast. Kailan ba iyon sasabay sakin? Siguro pag sumabog na ang earth.

Nandito ako ngayon sa cafeteria nang mag- vibrate ang cellphone ko. Sinagot ko ito baka emergency.

"Hi mommy bakit ka po napatawag" masiglang bati ko kay Mommy.

[Hello my dear, Pakisabi kay Nathan na maaga kayong umuwi kasi nandito kami sa bahay niyo. Kasama ko  ang daddy mo pati na rin ang  parents ni Nathan]

"Bakit mommy ano po ang okasyon" takang tanong ko. May ganap ba mamaya?

[Malalaman niyo rin mamaya anak. Seems like you're excited]

"Mom--" I wasn't able to finish what I'm going to say when my mom ended the call. Bakit ba ang hilig ng mga taong mamutol sa tawag ngayon?

Wala akong nagawa kundi hanapin si Natha. Pumunta ako sa court dahil baka nagpapractice siya ng basketball. Malapit na din kasi ang laban nila. Nathan is the captain of the team. For sure, madali niya nakuha ang posisyon na iyon because of his skills and yung fact na sila ang may-ari ng school na ito.

Nakita ko si Nathan na nagpapahinga sa bench. Lumapit ako sa kanya para sabihin ang pinasasabi na mommy. Luminga-linga ako sa paligid at pansin ko namang busy ang ibang mga members sa pagtipa sa kanilang mga cellphone.

"Nathan, pinapasabi pala ni Mommy na sabay na tayong umuwi. Nasa bahay daw sila pati ang parents mo" nagmamadaling sabi ko sa kanya. Napatingin siya sakin at binigyan ako ng blangkong tingin.

" We're not heading at home together. Mauna ka kung gusto mo. I don't want to be with you" he said in a cold tone. Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Ganyan na ba talaga ang pagkamuhi niya sa'kin? Bumuga ako ng hangin at pumikit saglit para ikalma ang sarili at muli akong tumingin sa kanya.

"Pero kailangan daw na nand---'' himdi ko pa tapos ang sasabihin ko dahil umalis na lang siya bigla. Napasapo na lang ako sa noo. Ano pa bang aasahan ko kay Nathan?

"Hanggang saan kaya ako magtitiis?" bulong ko sa sarili at napag-isipan kong pumasok na ng classroom dahil malapit na magsimula ang klase.

Pagkapasok ko ng classroom ay nakita ko si Nathan na nakaupo na. Tumingin ako sa kanya at binigyan niya lang ako ng malamig na tingin. Dumiretso na lang ako sa upuan ko at dumating na rin ang professor namin kaya nagsimula na ang klase.

After class ay pumunta kami ni Vella sa isang bench malapit sa court para makapagpahinga saglit. Nag-aayos ako ng mga notes nang magsalita si Vella kaya itinigil ko muna ang ginagawa ko.

"Girl may napapansin ako" sabi ni Vella sa akin habang nagbabasa ng fairy tales.  Hays isip bata talaga yan eh.

"Ano naman yon?" takang tanong ko.

"Yung classmate natin na si Micth parang sila na nung hubby mo" sabi niya at patuloy pa rin ng pagbabasa.

"Ah okay. And so? I don't mind" sabi ko pero ito na naman yung feeling na kumirot yung puso ko.

"Girl, anong okay?  Nathan is your husband. Don't let any woman take him away from you. May karapatan ka okay? " bigla naman siyang tumitig sa akin. Kilalang kilala talaga ako nitong bestfriend ko.

My Cold Husband Is A Bad Boy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon