Kabanata III : Avenida (2/3)

Start from the beginning
                                    

May sampung metro na ang nalakad nila. Kakalagpas pa lang nila sa mga istanteng tindahan na nakapwesto sa bangketa. Ang layo ng una sa tatlong nakahilerang jeep ay nasa mahigit doble ng kinatatayuan nila ngayon. May kalabuan na rin ang ilaw na naaabot doon. Hindi namin ito inaasahan. Kung magpapatuloy silang lumayo, tiyak na hindi na namin matatanaw ang kahit ano.

"Medyo hindi namin makita Rudy!" sigaw ni Hesus. "Tutok mo maigi!"

"Hindi na ata abot!" sagot nito "Masyadong malayo. Hindi na abot ng ilaw!"

Nakita naming huminto yung dalawa. Nagusap. Tila pinaguusapan nila kung magpapatuloy ba sila o babalik dito sa tindahan. Hindi rin namin masyadong marinig dahil may kalayuan ang kinatatayuan nila. Matapos nilang magusap, mabilis silang naglakad pabalik sa amin.

Pagkapasok ng dalawa ay isinara ko agad ang pinto.

"Dadalhin namin yan" si Penny, ang tinutukoy nito ay yung flashlight "Kung nasa amin yan, kahit san kami pumunta, kita namin ang daan" may pagkapaos nitong sabi.

Agad namang binigay ni Rudy ang hawak na flashlight. Pinagmasdan ko si Penny. Kapansin pansin sa mukha nito ang takot. pawis na pawis sa maikling oras ng pagtapak nito sa labas. Si Hesus ay ganun din. Malalalim na hinga ang mga binibitawan nito. Parang ang daling napagod. Hapong hapong umupo sa pinakamalapit na upuan.

"Anong pakiramdam sa labas?" usisa ko sa dalawa.

Tumingin sa kin si Hesus. Isang makahulugang tingin ang ipinukol sa akin. Pinunasan ang pawis at sumagot. "Hindi ko alam" huminga ito ng malalim "Hindi ko alam pero parang may kakaiba. Parang may humihila sa akin pababa. Parang ang bigat ng mga paa ko..."

"Oo nga, akala ko ako lang nakakaramdam nun. Hindi naman siguro dahil nangangatog tong mga paa ko. Parang may humihila nga pababa." dugtong ni Penny

"Napansin ko rin, parang nung naguusap tayo...," bumaling si Hesus sa kasama "...parang pag nagsasalita ka o ako, ...parang nasa loob tayo ng kahon. Di ba? Parang walang echo."

"Yun nga rin" pagtataka ni Penny.

"Panong walang echo?" pasok ni Annabelle

"Pag nagsasalita tayo di ba naririnig natin boses natin? Kapag nagsasalita tayo, napapakinggan natin sarili natin di ba? Sa labas hindi. Parang nabibingi ako eh... "

"Yung sigaw ba ni Rudy dinig nyo?" tanong ko sa gwardya

"Ako dinig ko, malinaw naman pero parang ganun din. Pagkadinig ko, parang biglang mabilis na tatahimik."

"Parang walang laman?"

"Parang ganun nga. Parang pagkarinig ko, biglang tahimik. Parang nakalublob ako sa ilog. Hindi ko masyadong maintindihan kung may tumatawag ba sa akin."

Masasabi kong lahat ng bagay sa labas ay di pangkaraniwan. Yung hamog, itong walang echo na boses, at yung sinasabi rin nilang humihila daw sa kanila pababa - obvious hindi normal yun. Nahihikayat akong maniwala na kaming walo ngayon, ay nasa isang ibang mundo.

Isang mahabang katahimikan ang pumaibabaw sa aming lahat. Makikita sa mga mata ng bawat isa ang lalim ng kanilang iniisip. Tulad ko, na ngayon ay nawawala sa sarili sa layo ng naisip. At malamang ay tulad din nitong sila Penny at Hesus na siguradong may kaba na sa dibdib at malamang ay nagdadalawang isip nang magpatuloy pumuntang muli sa labas.

Isang oras din kaming tahimik. Batid naming lahat na maaaring may mangyari sa sinumang lalabas. Kung totoo nga yung mga naramdaman nung dalawa, paano pa kung lumayo sila o magtagal sa labas. Paano kung pagkalagpas nila ng sampung metro ay tuluyan na silang hindi magkarinigan. Nakapanood na ako ng ganun sa isang pelikula. Yung sinasabi ni Hesus na parang kahon. Magkatapat lang yung naguusap pero dahil parang may invisible barrier sa gitna nila ay hindi sila magkarinigan. Paano kung ganoon nga rin ang mangyari sa sinumang lalabas?

Saan Kami Pupunta?Where stories live. Discover now