Prologue

409 5 4
                                    

RACHEL TORRES

"Rachel! Rachel! Rachel!"

Nakita ko yung bestfriend ko na si Anne. Tumatakbo sa corridor papunta sakin. Aba umagang umaga punong puno siya ng energy.

"Anne!" Kinawayan ko siya hanggang sa makarating siya sakin at niyakap niya ko ng bonggang bongga.

"Namiss mo ko no? Grabe ka Anne!"

"Oo. Dalawang linggo kaya kitang hindi nakita at nakasama. Lokaret ka. Di mo ko namiss?" May kasama pa yan na hampas habang nagsasalita. Bestfriend ko nga to.

"Ewan ko sayo. Namiss kita oo na. Tara na nga. Punta tayo sa labas ng faculty. Tingin tayo ng announcements." Eto na nga niyaya ko na siya pumunta ng faculty sa ground floor ng school. Exercise din to. Para mawala fats ko.

Nagkwekwentuhan lang kami ng kung ano ano tungkol sa Christmas vacation namin. Teka, bago nga pala ang lahat papakilala muna ako. Syempre introduction muna. Ganon naman palagi diba?

Oh well, ako nga pala si Rachel Torres. Maganda, dyosa, maganda, dyosa at maganda talaga e. De joke lang. Di ako maganda. I'm just a normal girl in short- simple lang. May dalawa akong kapatid. Pareho silang lalaki pero ako yung pangalawa and syempre only girl kaya ingat na ingat.

Si Anne naman ang nag iisa ko na bestfriend. Yes, I have friends. Actually madami sila. But Anne is the only one na sobrang mapagkakatiwalaan ko. For 4 years siya lang ang sinasabihan ko ng lahat. She's pretty. Not like me. Pero proud ako sa aming dalawa kasi nageexcel kami pareho sa studies. Dito kami nag aaral sa Eastwood Crest University. Kakaiba right? Naamaze din ako sa name ng school na to kaya go na agad ako dito. Wait. Wala naman ako masyadong secrets kaya hanggang diyan nalang muna basahin ko lang announcements sa bulletin board.

Announcements

Welcome Back Dear Students!

All Juniors and Seniors: No transitions of classes today. Your teachers will make some announcements for your JS Promenade to be held on February 14, 2016. Kindly stay inside your rooms and wait for your advisers.

All Grade 7 and Grade 8 students: Regular Classes

-Faculty and Staffs

"Omg Rachel! Is this true? Wala tayong klase! tama ba nababasa ko?" Halatang excited na excited itong kaibigan ko na to kung makatalon sa tuwa.

"Oo Anne. It's true. At isa pa na nakakagulat. May prom daw? Akala ko ba last na yung prom last year? Meron ulit ngayon?" Kasi naman. Sabi last year last na daw. Di ko talaga gets yung school namin minsan e. Pero gusto ko to. Magiging babae ulit ako for a night.

Pero itong bestfriend ko hinigit ako agad. Di pa ko tapos magmuni muni e hinigit ba naman ako agad. Hyper na to.

"Tara na bes. Leggo na sa room. Baka andun na si Sir Troy. Nabitin ako diyan sa announcements. Kainis. Taraaaa bilisan mo!"

Eto na nga binilisan na namin pag akyat sa 4th floor sa room namin. Ewan ko ba dito hinigit ako sa stairs imbis na sa elevator. Akala ko ba nagmamadali siya at excited? Minsan talaga tinotopak to e no. Ayy ako din pala. Palagi rin akong tinotopak. Exercise ata ang gusto.

"Teka lang Anne. Pagod na ko. Wait bagalan mo naman."

"No Rachel. Andun na si Sir sa Room nakita ko na siya pumasok sa room. Dali dalawang room nalang madadaanan natin tapos room na natin!"

Kaya ayun. Binilisan nga talaga namin. Sakto. Kakarating lang din ni Sir Troy, yung adviser namin. Kaclose namin siya.

Mabait siya. And gusto ko yung subject na tinuturo niya which is Math. My favoritest subject. Wanna know why favoritest yung ginamit ko na word? Wala lang. Para unique. Para kakaiba.

"Sir Troy! Kamusta po vacation niyo? Magma-math na ba ulit tayo Sir?"

"Nako ka, Rachel. Math ka agad ha? Sige bukas mag-Math tayo. Well, masaya naman vacation ko. Nagplano lang ako para sa prom niyo. So maupo na kayo ni Anne para masimulan ko na announcements."

Umupo na kami ni Anne sa likod. Magkatabi kami syempre dahil sure ako na bukas papalitan ni Sir Troy seating arrangement namin.

"Okay guys. Alam ko na nabasa niyo na yung announcements sa bulletin board. it's true. Lahat ng nabasa niyo dun. First, walang klase ngayon. Second, may prom kayo."

Nagbulungan at napatalon yung iba ko na kaklase. Actually, halos lahat. Hindi lang yung girls. Pati yung boys. For what I know excited lang silang magsayaw ng girls. Hay nako.

"Okay guys kalma muna tayo. Chill lang. May bukas pa. O eto na nga. Every Tuesdays and Thursdays lang tayo magprapractice. Ano? Tuwa pa kayo? Syempre kailangan niyo mag aral no?"

Sanay na kami ni Anne sa ganto. Syempre di naman pwede na pabayaan lang ng school studies namin. Mawawalan lang talaga ng klase kapag one week before ng mismong day kaya di kami masyadong nagrereact ni Anne. Focus lang kami sa sinasabi ni Sir Troy.

"So, yan muna sasabihin ko. Make yourselves busy. Gagawa lang ako ng iba pa na plan for your prom. I bet na madami pa kayong gagawin na requirements. Wag kayo maingay."

Nakita namin si Sir Troy na naglalabas na ng notebook and laptop. He's probably making steps for our cotillion.

"Hey Rachel. Naeexcite ako sa prom. One month nalang February na. Sino kaya magsasayaw satin no?" Nakita ko na nalungkot siya bigla. Aba etong babae na to. Ganda ganda niya kaya.

"Alam mo kung walang magsasayaw sayo, ako magsasayaw sayo. Hello? Bawal na ba magsayaw ang magbestfriend. Alam mo naman na sawi tayo sa lovelife. At wala tayong balak sa ganyan. Tayo lang magdadamayan dun. Kakain nga lang ako dun e." Natawa nalang ako sa sinabi ko kasi totoo naman.

"Halu. Bitter ang bestfriend ko. Porket last year sinayaw ka ni-"

Pinigilan ko agad siya kasi ayoko na maalala yung prom last year. Nakakawalang gana lang kasi pag usapan. Pero ayoko masira mood ko dun.

"Sorry Rachel. Peace na tayo. I'm sorry okay?"

"Nukaba. Bestfriend nga talaga kita. Ayaw mo ko mawala kaya ka nagsosorry. Pero okay lang. Tapos na yun."

Nagpatuloy lang kwentuhan namin buong araw. At tinutulungan din namin si Sir Troy at pinapatawa kasi ang dami niyang ginagawa. Bilib talaga ako sa kanya.

Prom huh? Sounds good. Magiging babae ulit ako for a night. Pero senior na ko. Kaya I'll just enjoy the night and kakain lang ako. I'll enjoy everything. Makikipag usap lang ako sa iba. Hindi ako mag-eenjoy sa panonood ng mga nagsasayaw ang naglalambingan na couples ng school at hinding hindi sa pagsasayaw ng kung sino sino.

----------------------------------------------------------

Hello po! Annyeong! Ito po pinakauna ko na story so sana magustuhan niyo. Hugot na hugot talaga itong story na to ganon. 

Characters:
Sujeong of Lovelyz as RACHEL
Kei of Lovelyz as ANNE

Wait for more characters and happenings! It'll be an exciting story. I'm not going to promise po pero I'll do my best! :)

Awtor-idad hahahahaha

My Unexpected Love Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ