"And Oh y God talaga mga friend! Binigyan sya ng gold bracelet ni Kyd." ani Flexi sabay taas ng kamay ko. Kanina pa sya dumadaldal,walang humpay,sobrang nahihiya na kasi ako eh.

"Sana sa ako din may magbigay." ang tila ba nangangarap na sabi ni Kim at pinagsalikop pa ang mga kamay.

Pero yung tatlo,tulad ng dati,pokerface. Parang hindi sila masaya para sa akin.

"Kaya din namin bumili nyan,ilang karat ba yan?" sabi ni Toy at bumalik sa pagkain.

"Kahit ilan pa! Diba Roo?" pagsabat ni Chael. Tinitingnan ko lang sila. Maging sina Flexi at Kim ay nagtataka at nagkatinginan.

"Ewan,hindi naman ako interesado sa ganyan." sagot ni Roo sabay kibit ng mga balikat. Hay,malaki siguro talaga galit nila kay Kyd.

"Maya ah? Hintayin kita!" biglang sulpot ni Kyd mula sa kung saan. Hinalikan agad ako nito ng mabilisan sa labi at umalis na din. Napatango na lang ako kahit hindi na nya nakikita.

"May lakad ka best?" gulat na tanong ni Roo.

"Oo eh. Niyaya nya ako mamasyal sa Mall." sagot ko. Ang weird lang,bigla sila nanahimik at kumain na lang.

"Ganon ba? Akala ko sabay parin tayo pauwi. Puntahan na lang kita sa inyo pag nakauwi ka na." ani Roo sabay ngiti. Kaya nginitian ko na lang sya na ibig sabihin pumapayag ako.

"Kayo na ba ni Kyd?" pagkuwa'y tanong ni Chael kaya napalingon agad sa kanya at umiling. "Parang kayo na eh. Ang sweet."

"Agree!." sabay na sabi nina Kim at Flexi.

"Sasagutin din yan ni Maine,diba Maine?" ang naka ngiting pagsingit ni Toy. Tinitigan nila ako lahat na para bang inaabangan ang isasagot ko. At hindi naman ako maglilihim sa kanila.

"Yup! Mahal ko sya eh. Gusto ko na sana kaso masyado pang maaga,ayaw kong magmadali." sagot ko at ngumiti at binalik ang atensyon sa pagkain.

"Sagutin mo na teh!" - Kim.

"Tumpak! Baka maagawan ka pa!." - Flexi.

"Sige pag iisipan ko." sagot ko. Teka? Bakit parang nadissapoint sina Chael at Toy? Ayaw ba talaga nila kay Kyd? Napalingon ako kay Roo na abala na sa pagkain.

Dissmissal,inaabangan ako ni Kyd sa labas ng room. Inaayos ko pa ang gamit ko at tanaw ko sya dito sa bintana. Pinapalibutan sya ng mga babae mula sa section B. Sabi nila naging suplado daw si Kyd. Parang hindi naman dahil nakikipag tawanan pa ito.

"Oh pano teh,go home na kami." sabi ni Kim ng lumapit.

"Goodluck sa pamamasyal Maine! Galingan mo ah?" naka ngisi namang sabi ni Flexi.

"Mga baliw! Sige na." natatawa kong sabi at isinukbit na ang bag. Nauna na yung dalawa saka ako sumunod. Agad naman akong napansin ni Kyd. Ngumiti at lumapit sa akin sabay akbay.

"Kala ko hindi ka na lalabas ng room nyo eh. Tara?"

"Pwede ba naman yon? First time ko kayang mag gagala sa lugar na to. Sige tara na!" ang masaya kong sabi. Excited kasi ako na mamasyal dito,at higit dun,sya ang kasama ko. Buong buo na talaga ang araw ko. The best!.

"Yan ang gusto ko,tara!" masaya din nyang sabi. Naglakad na kami palabas ng school,pasipol-sipol at pangiti-ngiti pa. Lahat ata ng makasalubong namin ay nginingitian at tinatanguan.

Paglabas sa gate ay sakto may dumaang taxi. Pinara nya ito at agad kaming sumakay.

"Manong sa may O-mall po." ani Kyd sa driver. Pagkatapos ay binuksan ng driver ang radyo. Sakto yung kanta kaya napangiti ako at nagkatinginan kami ni Kyd.

Inlove with you,too. (boyxboy)-COMPLETED!Where stories live. Discover now