Chapter 16: I like you

Start from the beginning
                                    

“Whoaa. Aggressive! A-Anong g-ginagawa mo B-Billy?” 

 “Kissing you.”

I pulled him over and kissed him in his forehead. In order to share this heat I felt on my body, Gusto kong sabihin kay Eugene ang nararamdaman ko…

Sfx: Ba dump Ba dump

About this throbbing feeling that has been born within my heart.

“BILLY…” tapos when I look at him sobrang pula ng mukha niya and I don’t know now what to say. Bigla na lang lumabas sa bibig ko yung mga salitang…

“I LIKE YOU!!! I like you! I like you!”

Natulala siya nun and I was so nervous of what I just blurted out at that time.  

“GOT THAT?” I couldn’t keep myself from shouting and I did not mind if somebody has heard us.

There was a long silence at sa tingin ko nakakahiya talaga ang ginawa ko nun.

“Mmm..got it” tumango lang siya hindi ko na siya matingnan ng mata sa mata.

“As long as you understand.” After nun tumakbo na ako palabas ng school building at dumiretso sa bahay.

-end of flashback

“Now I just told you what really happened awhile ago.”

 On call:… Friend… you’re..

“Irene, may fax na pinadala ang papa mo sa atin. Halika muna rito sandali.”

“Opo mama. Louise I’ll end it here. Kailangan ako ni mama sa baba.”

On call: Huh? Teka hindi pa ako tapos sa sinasabi ko.

Sfx: Beep.

Call ended.

My body is still burning, is it possible for me to feel this burning sensation forever? If I had to name this, it’s not love yet right?

“Imposible. Kakakilala ko lang sa kanya.”

But at least, I did something brave that I didn’t even imagine I’d do in my life.

“kausap mo ba si Louise sa phone kanina?”

“Mmm.”

“mabuti at nagkasundo na ulit kayo.”

Nakita ko yung mga papers na lumalabas mula sa fax machine, at si mama naman ay busy na naghahanda ng hapunan. Naalala ko bigla yung application form na pinadala ng SU para sa akin.

“Ma, about college…”

“Pakikuha nga pala yung fax na pinadala ng papa mo pakibasa na rin.”

Baka hindi niya lang narinig.

“Opo.” Kinuha ko yung 2 pages letter na pinadala ni papa at binasa ko.

Fax:

Kamusta na kayo diyan Ma?

Hindi pa ako makakauwi mula sa duty kaya hindi ko pa kayo makakasama ngayong pasko. (I knew it, another year without him)

   Ikaw Irene, are you still working hard? Don’t tell me you’ve disappointed me this time. Sa pag-uwi ko gusto kong makita na puno ng medalya ang kwarto mo. Remember that.

(How could I forget?)

And another thing, ayokong may makasalubong na lalaki sa bahay natin pag-uwi ko, you know what I mean right? I love you and your Mom so take care always. (How could I…)

First Boyfriend Since BirthWhere stories live. Discover now