Chapter Seven : I almost Fall part 1

215 5 1
                                    

Chapter Seven: I almost Fall

“Friend, saan ka ba galing? Kanina ka pa hinihintay ng mga kamusic members mo. Oh! Anong nangyari at bakit rubber shoes na yang suot mo?”

“Nothing, I should go to them.”

“Nothing ka dyan? Where’s your Prada? Palitan mo yan, so baduy hindi bagay to your dress, magsusuot ka ng chuchu branded.” Inabot ko sa kanya yung paper bag na naglalaman ng high heels.

“Ito na lang ang susuotin ko.”

“What?! Are you serious?” I walk ahead and leave her this sentence…

“Ang sabi niya kahit anong suot kong sapatos bagay sa akin.”

O___O???

[A/N: seriously guys ang hirap magPOV ng lalaki but I’ll try (bawi-bawi) I’ll do my hardest for you readers]

---Eugene----

“magsisimula na yung play bakit ngayon ka lang bumalik Mr. Director?” hinihingal akong nakarating sa auditorium dahil tinakbo ko yung kahabaan ng second at main building.

“pasensya na, may nangyari lang. Ano ready na ba yung sa technical incharge?”

“Oo, nga pala ito yung lines transition. Kaso may problema…” inabot niya sakin yung script.

“Problema?”

Parang nag-aalangan siyang sabihin kung ano yun.

“What is it? Tell me.”

“Ano… kasi…. Ano… ano…ano….ano…”

“Ano ka ng ano! Ano ngang ano?! We are running out of time for that ‘ANO’”

“WAL A TAYONG BIDA NA GAGANAP FOR BASTY!!!”

“WHAT?!?!” Nganga ako dun. “Teka… teka… pakiulit nga yung sinabi mo.” Lumapit siya sa akin at itinapat ang bunganga niya sa tenga ko.

“WAL A TAYONG BIDA NA GAGANAP FOR BASTY!!!”

 “WHAT?!?!” laglag panga na sa lupa. “Sakit sa tenga nung sigaw mo aa! Pwede mo namang sabihin ng maayos.”

“EE laughtrip yung reaction mo sarap ulitin.” Gawin daw akong clown?

“TUngaw!” binatukan ko siya. “asan ba si Ivan?”

“Hindi siya nakapasok dahil sa emergency. Isinugod yung mom niya sa hospital dahil sa heart attack.”

“Ganun ba, we don’t have other options.” Nagdesisyon ako agad. “I’ll play the role of Basty.”

“WHAT?!?!”  : [] nganga din siya. As in nganga.

“Ano? Magngangangahan na lang ba tayo dito. Let’s head on the backstage na.”

---Louise---

TAMA BA YUNG NARINIG KO?!?!  >__< ???. inimagine ko yung mukha ng bespren ko ganito oh (^___^) habang sinasabi niya ito…

“Ang sabi niya kahit anong suot kong sapatos bagay sa akin.”

Napaganto tuloy ako *..*

Ano ito katapusan na ng mundo? Kumukulog at kumikidlat sa labas infairness. In just a second ngumiti for the very first time sa dumaan na anim na chapter si Iyana Regina Estrella Nadine Evangelica. Ang walang kaemoemosyon, walang kabuhaybuhay, walang kakulaykulay, walang kakwentakwaentang (peace may madagdag lang) at isang two dimensional character sa isip ng awtor na si IRENE gumanito (^___^)  Joke? Bwisit kang awtor ka sa hinabahaba ng panahon ngayon mo lang pinangiti yung FRIEND ko!!!

First Boyfriend Since BirthWhere stories live. Discover now