Chapter 31: Slowly breaking

3.2K 104 14
                                    

Chapter 31: Slowly breaking

ALYSSA'S POV

Hindi niya ako sinundo sa bahay bago siya pumunta sa Chicken Resto. Hindi siya nagtext or tumawag na mauuna na siya.

Nakita ko nalang siya pagdating ko sa Resto. Gusto ko sanang mainis pero hindi ko magawa, maaapektuhan yung trabaho pag hindi ko pinalagpas yung ginawa niya. Saka masyadong mababaw kung pagtatalunan namin kung papatulan ko pa yun.

Hinatid niya naman ako pauwi ng maayos. Nagkwentuhan kami, pero hindi about sa trip nila sa Batangas. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagpakwento tungkol dun.. parang ayoko lang malaman. Hindi naman sa feeling ko ang boring pakinggan pero.. parang hindi lang magandang magpakwento.

*After 1 week

Friday, December 8

Isang linggo niya na tong ginagawa sakin, nakakaasar na.

Hindi ko alam kung may mali akong nagawa o meron siyang hindi nagustuhan na ginawa ko eh. Late na siya kung pumasok sa class, nakasandals, bumabalik yung bad girl image niya, tapos nakacontacts na ulit siya.

Lunch time namin nawala siya bigla. Pangalawang beses niya natong ginagawa ngayong week.

Ayokong mag isip ng alam kong makakasama sa puso ko, it might give me a heart attack.

"Mika.. What do I do? Tell me.." Tumingin siya sakin, I sighed,"I don't know what to do anymore.."

She patted my head, "Magiging okay rin kayo ano kaba.. think positive.. Isipin mo nasa kalagitnaan lang siya ng pag PMS niya." Then she laughed."Pero seryoso.. ano nagustuhan mo kay Denden? Kasi maganda siya?"

"MAGANDA? Tsk. She's far from beautiful." I smiled at her, "Hindi ko talaga siya nagustuhan nung unang kita ko sakanya.. feeling ko lagi akong mapapahamak kung magiging kaibigan ko yun eh.. pero tignan mo, nagustuhan ko siya dahil sa nakakapikon na ugali niya. I want her back. I want my stupid and bad girl back.."

"Ano kaba, wag kana kasi mag isip ng kung anu-ano, okay? Tara, magbebell na in a while."

Tumayo siya tapos inabot yung kamay niya sakin.

"Saglit lang, tumatawag si Rex." Sinagot ko yung tawag."Bakit?.. Ha? Sige pupunta ako dyan after ng class ko. Hintayin moko okay? Sige.. sigesige. Bye.." I looked at Mika,"Patay na lola ni Rex.. Mika wala na rin parents niya. Pano na si Rex ngayon?"

Hindi ako mapakali sa mga nangyayari. Una si Denden, ngayon naman si Rex. Hindi ko na muna kinulit si Denden sa room, hinayaan ko nalang muna siya.. si Rex ang kailangan kong isipin ngayon. Kailangan tulungan ko siya lalo na ngayong kailangan niya tulong ko.

Sinabi ko sa kanila yung nangyari sa lola ni Rex, lahat kami pupunta sa burol. I-ccremate din ngayon yung body ng lola niya.

Tumawag kami ni Denden sa Resto para sabihin yung nangyari, pumayag naman yung owner.

Hindi na muna kami umuwi para magpalit, agad agad kaming dumiretso sa Memorial. Maraming tao yung dumating, karamihan schoolmate namin, yung iba relatives.

Nilapitan namin si Rex, he gave us a slight smile. "Masayang umalis si lola.. sabi niya sakin na wag daw akong malulungkot kasi nasa tabi ko lang naman daw siya.. pagkatapos nun.. nagsmile siya sakin, tapos pumikit na. Nung time na yun, alam ko ng final goodbye na yun eh. Buti nalang nasabi ko sakanya kung gaano ko siya kamahal.."

"Tama yan. Masayang umalis yung lola mo, kaya wag kang iiyak.. Hindi niya magugustuhan yun pag umiyak ka."

"Rex nandito lang kami."

I hate her because I love her (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon