Chapter 30: Something Wrong

4.1K 90 19
                                    

Chapter 30: Something Wrong

DENDEN'S POV

"There are times.. when I just want to look at your face.. with the stars in the night.."

Nasa tapat palang ako ng Chicken Resto naririnig ko na yung boses ni Aly. Pumasok ako para mas marinig ko. Nakafocus siya masyado sa ginagawa niya kaya hindi niya ata ako napansing pumasok.

"There are times.. when I just want to feel your embrace.. in the cold of the night.."

Narinig ko ng kinanta niya to sa bahay noon.. nung minsang nakatambay kami nila Gretch.

"I just can't believe that you are mine now.. You were just a dream that I once knew.. I never thought I would be right for you.. I just can't compare you with anything in this world.. you're all I need to be with forevermore.."

Natapos na siyang tumugtog. Napatingin siya sakin at ngumiti.

"Tuwang tuwa sakanya yung mga customers. Ang dami ngang nagrerequest ng kanta eh. Ang swerte ko ata sa inyong dalawa! Kayo nagpaparami ng tao dito eh." Napatingin ako sa may ari ng Chicken Resto."Simula nung dumating ka nagdagsaan yung mga customer, tapos ngayon naman itong si Aly dinadayo narin!" Tuloy tuloy na sabi ng boss namin,"Kanina nga pinipicturan pa siya eh, malayo mararating niya pag gumawa siya ng sarili niyang album."

Mga 10pm pinauwi na kami ng boss namin dahil sobra sobra na daw yung natulong namin lalo na si Aly.

Naglakad na kami pauwi kahit na sobrang pagod na kami. Syempre kwentuhan at konting sermon. Pinagsabihan ko siya tungkol sa ulcer niya sabi naman niya matagal na siyang may ulcer kaya lang napapadalas daw talaga bigla yung pagsumpong ng sikmura niya.

Saturday, November 25

Halos 1 week na ang nakalipas, palapit na ng palapit yung entrance exam sa ADMU, hindi na kami pwedeng magback out kasi ito na yung last batch nung exam.

Medyo naging busy kaming lahat dahil sabay sabay kaming magtetake ng exam.

Ngayong araw lang ulit kami aalis ni Aly since ngayon namin napagdesisyonan na magbreak muna kakaaral.

"KUYA! AALIS KAMI MI DENDEN!"sigaw ni Aly

Ang kulit niya talaga. Ilang beses ng sinabihan na wag sumigaw pero sigaw parin ng sigaw!

"Aalis ka? Aalis din ako eh! Sinong magbabantay ng bahay? Baka umalis din si Fille!"

Lumabas si Fille,"No, you two can go. I'm not going anywhere today. Have fun!"

Ang gulo ng mundo nilang tatlo. Simula nung nag bakasyon yung yaya nila naging ganito na buhay nila. MAGULO.

"Okay, balik rin agad ako." Hinawakan ni Aly yung kamay ko.

Naglakad kami palabas ng village. Ayaw niyang magdala ako ng car kasi nahahati daw yung attention ko. Ayoko rin magdala kasi nakakatamad magdrive at kailangan masanay si Aly sa pagkokomyut.

Pagdating namin sa mall, movie agad yung inuna namin. Nanood kami ng gusto niyang panoorin.

After namin manood, nakita namin si Nicko at Ella.

"KUYA! ELLA!" lumingon yung dalawa pagkarinig nila nung sigaw ni Aly. Lumapit kaming dalawa sa kanila,"Are you guys dating?"

Parehong nanlaki yung mata nung dalawa tapos nagblush.

"Obvious ba?" Napatingin sakin si Aly, ako nalang sumagot para sa dalawa dahil halata namang hindi nila masagot yung tanong ni Aly.

"It's not what you think.. I asked him out. So it means we're not dating. We're just hanging out. Okay?" sinabi ni Ella yun habang naghahand gestures pa.

I hate her because I love her (AlyDen)Where stories live. Discover now