Chapter 29: Jealous

Start from the beginning
                                    

Minsan hindi ko rin maintindihan to si Aly, pag tinatanong ko siya kung okay lang ba siya sasabihin niya okay lang pero hindi naman siya okay. Minsan ang haba ng pasensya niya, pero minsan biglang pumipitik.

Pero hindi ibig sabihin na naaasar ako o umaayaw na ako. Nakakapagtaka lang yung pagbabago niya. Kahit kelan PMS siya, yun nalang ata hindi nagbabago sa sistema niya eh.

Buong period hindi niya ako kinakausap, kahit isang tingin hindi niya ginawa. Ilang beses kong sinubukang magpacute sakanya pero hindi umeepekto! Amp. Ano ba kasi ginawa kong mali? Hindi naman ako yung nagbanggit nun eh! Bakit ako kailangan magsacrifice ng ganito?

Break time namin, tumayo si Aly tapos lumabas ng classroom. Gutom na gutom nako! Sabi kasi ni Aly wag daw akong kumain sa bahay, ipagluluto niya daw ako kaya eto hindi nga ako kumain. Pero sa sitwasyon namin ngayon, malaki ang posibilidad na hindi niya ako pansinin hanggang uwian.

"Eto na yung pagkain mo." Nilapag niya yung tupperware sa may armchair ko tapos naglakad na siya palabas ng classroom.

Binitbit ko yung tupperware tapos sinundan si Aly. Naglalakad siya ng mabagal habang nakayuko.

"Aly."

Napahinto siya tapos lumingon sakin,"Bakit?"

"Samahan mo akong kumain."

Lumapit siya sakin tapos naglakad na kami pabalik sa classroom. Magkatabi kaming nakaupo sa may tabi ng bintana. Halatang ayaw niya parin akong tignan.

"Wag mo ng pansinin yung kanina. Teacher kasi namin yun nung 1st  year kaya alam niya. Siguro hindi niya nabalitaan na wala na kami ni Myco at ikaw na yung--"

"Okay lang. Sanay narin naman ako eh." Sabi niya habang nakatingin parin sa may bintana.

"Kanina mopa ako hindi tinitignan.. nalulungkot nako. Feeling ko ako yung may kasalanan eh. Sorry na.. tignan mo naman ako kahit isang beses lang."

Hindi parin siya lumingon sakin,"Tinignan na kita kanina."

Hinawakan ko yung kamay niya pero bumitaw rin siya agad. Hindi ko na pinilit na tignan niya ako, alam kong hindi ko siya mapipilit. Ayan si Aly, matigas ulo.

Sinubukan kong makipag usap sakanya, oo sumasagot siya sa mga tanong ko pero isang tanong isang sagot lang talaga. Ayaw niya makipagconverse ng maayos.

Biglang tumayo si Aly at tumakbo palabas ng room, sinundan ko siya pero paglabas ko di ko na siya makita.

Ang turo sakin ng mga taong nakakita sa CR daw siya pumunta. Kaya pinuntahan ko siya. Alam kong may tinatago siya sakin, nararamdaman ko yun..

Iniiwasan niyang sagutin nung tinanong ko siya kahapon. Ngayon gusto ko siyang pilitin para lang sabihin sakin yung tinatago niya! Ano ba yun? Big secret ba talaga? Hindi niya ba talaga ako pinagkakatiwalaan?

Pagpasok ko ng CR ilang segundo lang lumabas narin siya ng cubicle. Mukhang nagulat siya dahil medyo nanlaki yung mata niya.

"Wala ka naman kinain pero nagsuka ka.. may masakit ba? Ano ba kasi yung sakit mo?"

Diretsuhan kong tanong. Tumalikod siya sakin tapos lumabas ng CR. Sinundan ko siya.

"Wala. Bakit mo naman nasabing may sakit ako? Dahil sa nagsusuka ako?"

Hindi ko pupwedeng palampasin to. Kailangan ko malaman yun totoo.

"Napapadalas eh. Kung wala kang sakit edi buntis ka nga?! Sabihin mo na kasi!" hinawakan ko yung kamay niya para huminto siya sa paglalakad."Ayokong makipaglaro ng hulaan! Alam mo namang mainipin akong tao eh! Sabi mo rin ayaw mo ng secrets, eh ano to?! Sabihin mona yung totoo!"

I hate her because I love her (AlyDen)Where stories live. Discover now