MPML Book 2 (45)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mom!" Hawak hawak nya parin yung kanang tenga nyang pinitik ko.

"Anong Mom? Matalino ka anak, aba makiramdam ka. Ria loves Marcus. Ria hates you because of Marcus. Ria doesn't want you to be her because of Marcus. Pumpkin, Ria see you as her enemy kaya sya nagagalit sayo. Hindi mo ba nakikita yun?" Nakapout lang sya habang nakikinig sa mga sinabi ko.

"So it's not me? It's Marcus?" Tanong pa nya.

"No, it's you because of Marcus." Inirapan nya ko sa sinabi ko.

Nako Yuji, gaano ba kalakas yang dugo mo at lahat ata nakuha ni Andrea sayo. Pati pagiging manhid mo aba nakuha nya. Tumayo sya at pinagpagpagan yung pants nya.

"Fine Mom, I will talk to her. Sasabihin ko sakanya na magkaibigan lang kami ni Marcus."

"Magkaibigan lang ba talaga?" Asar ko.

"Mom, stop doing that. You know I hate boys right? Tsaka may iba na kong gusto hehe bye!" Pagkasabi nya nun nagmadali agad syang tumakbo palayo sakin.

"Andrea, get back here!" Sigaw ko pa pero wala, kinawayan nya lang ako.

"Love you, Mom!" Sigaw nya sa malayo sabay pasok nya sa building.

Ang batang yun talaga naku! Kung kanina si Andrea yung nananabunot sa damuhan, ngayon ako naman. May gusto syang iba? Sino? Wala naman akong nakikitang ibang nalilink sakanya kundi si Marcus. I have my own source pero wala naman, si Marcus lang talaga palagi nyang nakakasama. Sino yung sinasabi nyang iba nyang gusto? Baka crush lang siguro.

"Nako hindi pwede! Ibang klase magkacrush ang mga Briones baka may pinagpapantasyahan na ang batang yon!" Tatayo na sana ako pero lumubog yung takong ng sapatos ko sa lupa na naging dahilan para ma-out of balance ako.

Wala kong mahahawakan kaya expected ko ng madapa, tanggap ko na mahuhulog na naman ako at walang sasalo sakin. Ganun palagi eh, papaibigin ka tapos pag nahulog ka hindi ka naman sasaluhin!

10 inch..

7 inch..

Goodbye world!

Feel na feel ko yung slowmo na pagkabagsak ko ng maramdaman kong may humawak sa bewang ko.

"Babagsak ka nalang feel na feel mo pa."

Pagkasalo nya sakin, bumitaw agad ako at umayos ng tayo sa harapan nya.

"Yu-yuji hehe! Um, thanks." Sabi ko habang binababa yung hapit kong palda.

"Anong ginagawa mo dito? Alam mo namang malupa dito tapos nakaheels ka, lulubog ka talaga nyan." Sabi nya habang natatawa.

Gusto ko syang sitahin kasi tinatawanan nya ko pero hindi ko naman sya masisise. Ang epic ng itsura ko kanina.

"Wala. Mahangin kasi dito kaya napatambay ako saglit hehe. So, um.. I'll go ahead? Um..bye." Naglakad ako palayo sakanya pero napatigil ako ng humabol sya.

"Sa office kana didiretso diba? Sabay na tayo." Sabi nya habang nakangiti.

Naglalakad na kami so, no choice na ko.

"Sure." Ngiti ko din sakanya.

Sabay kaming pumasok ng building, nagpakita ng I.D sa guard at sabay na dumaan ng entrance. Naglalakad na kami sa hallway pero walang nagsasalita samin, binabati kami ng mga estudyante ng good morning ngingitian lang namin sila sabay bati din ng good morning. Pinagtitinginan kami ng ilan sabay bulungan sarap sigawan na magtigil kayo! Pero dahil kasama ko si Yuji, wag nalang. Nasa 2nd floor palang kami paakyat ng 5th floor ng mapansin naming may nagtatakbuhan na estudyante sa hagdan. Nabungo pa nga yung gamit ni Yuji but he don't mind, ngumiti lang sya.

"What's going on?" Tanong nya sakin.

"I don't know, may fire drill ba?" Sagot ko rin ng patanong sakanya.

Nagkibit balikat lang sya kaya minabuti nalang namin na sundan yung mga estudyante kung san sila papunta ng mapansin kong papunta kami sa classroom nila Andrea.

"Kinukutuban ako." Sabi ko kay Yuji habang nagmamadali kaming pumunta sa classroom nila Andrea.

"Don't worry we'll see what's going on." Sabi ni Yuji.

Pagdating namin sa tapat ng classroom ang dami ng estudyanteng nagkukumpulan sa labas. Sinisigawan ko na yung mga estudyante para umalis sila sa daanan ganun din si Yuji hanggang sa may marinig kong nagsisigawan na dalawang boses ng babae.

Dalawang boses na familiar sakin kung sino.

"Ano bang problema mo? Sinasabi ko sayo yung totoo pero mas pinaniniwalaan mo yang nasa utak mo!"

"Really, Andrea?! Yan lang ba masasabi mo?! Alam mo mang-aagaw ka e! Uhaw na uhaw kaba sa lalake kaya pati yung taong gusto ko, gusto mo rin?!"

Tama nga ako, boses ni Andrea yung una kong narinig at si Ria naman ang nakasigawan nya.

"Ria, ikaw lang nagiisip nyan!"

"Talaga? Alam mo sana hindi ka nalang dumating e. Panggulo ka!" Nagsimulang manabunot ni Ria na agad namang ginantihan ni Andrea.

Nagmadaling nanguna si Yuji sakin para pigilan si Andrea na sya namang dating din ni Travis para hawakan si Ria.

"WHAT THE HELL IS GOING ON?!" Sigaw ko ng makarating ako sa harapan. Napatingin sakin lahat including Ria and Andrea.

"DICIPLINARY OFFICE, NOW!"

---

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon