Pilot Part. (TBP)

18.5K 269 21
                                    

"The Billionaire's Prince"

First of all, ito po ay isang BROMANCE story. Ang kwentong ito ay tungkol kay DRAKE JUSTIN CARL EVIDENTE CHUA, 15 years old. 'Drake Chua' ang SUPER RICH KID na hindi maabot ng mga taong nakapaligid sa kanya, tinagurian siyang 'The Billionaire Kid' dahil sa dami ng properties ng pamilya niya, ng kaniyang ama.

Malls, Mansion, Companies, Cars, School, at kung anu-anong pagaari pa ang PAGAARI NILA.

Sa kabila ng pagiging 'Blessed' dahil sa nasa kaniya na ang lahat ay pinagkalooban din siya ng NAPAKAAMO AT NAPAKAGWAPONG mukha.

Spoiled, ill tempered, madaling ma-bad trip, at kinatatakutan ng lahat dahil sa taglay niyang kasungitan.

At si Shemmier Sean Ramos Resureccion, 'Shemmier Resureccion' 16 years old. isang lalaking ubod din ng Gwapo, simple, may sapat na pamumuhay kasama ang kaniyang ina, mapagmahal na anak, at masaya na sa sapat nilang pamumuhay.

Ang simple ngunit sobrang gwapo na si Shemmier ang makakabihag sa pusong matigas ng 'Billionaire Kid na si Drake?

Magkaiba ang kanilang mga mundo, pero paano sila pagtatagpuin ng tadhana?

So, simulan na natin basahin ang NAKAKAKILIG, NAKAKAMANGHA, NAKAKAINLOVE, NAKAKAIYAK NA LOVE STORY NINA Drake at Shemmier.

Let's do this.

Ps. Every part has a picture para mas maramdaman mo po ang story, hinahanap ko pa po yan. Hehe!

I need your Votes please? Please! :)

Anyway, yung picture po na nasa itaas ay ang 'Billionaire Kid' na si Drake. Thanks! :)

-

Drake's POV

"YOU ALL! PLEASE GET OUT ON MY ROOM! NOW!" I shout to all the maids na nandito sa room ko ngayon. Ano bang kailangan nila? Ang bubwisit ng mga 'to! Nagtuturuan pa kung sino magsasalita. Ang iingay eh! Nagising tuloy ako!

"ANO?! ANONG KAILANGAN NYO!!" Sigaw ko ulit. Sinira nila araw ko e, lalakas ng loob pumasok sa room ko. At NANGGISING PA!! DAF*CK!!

"..sir D-drake, sorry p-po talaga kung ginising po namin kayo..di po talaga namin sinasadya..sorry po talaga." Yung isang katulong, paliguy-ligoy pa BAKIT DI NA LANG DIRETSUHIN?

"SO!? WHAT DO YOU WANT ON ME! BAKIT HINDI PA KAYA DIRETSUHIN?" Ako, ang aga aga galit na galit na naman. Ayoko kasi ng ginigising ako, badtrip na ko nun. Maghapon!

Mga nakatungo lang sila.

"Ano?! BAKIT HINDI PA KAYO MAGSALITA?! MGA BWISIT!"

Nagtuturuan pa din sila kung sino magsasalita, hanggang sa nagsalita ulit si Rosie, yung kaninang nagsalita.

"P-Pinapagising na po kasi kayo ni sir Jenric, M-May pictorial daw po kayo ngayon, m-maaga daw po."

Tarantang taranta?

Well dapat lang naman!

Ako ang boss dito, kung hindi sila takot sakin. THEY WILL BE FIRE.

"Okay. Alis! Sinira niyo na araw ko, wag niyo ng sirain pa! get out on my room!"

Nagmamadali silang umalis, pero teka lang? Tiningnan ba ko ng masama nung isa sa kanila?

Sigurado ko eh!

"Hoy!" Kalmado kong tawag- Tumingin silang lahat sakin, silang mga nasa loob pa, bale 5 silang nasa kwarto ko kanina e nakalabas na yung dalawa, ang bilis eh, 3 na lang silang natira, at sila ang mga tumingin sakin.

The Billionaire's Prince (BROMANCE STORY)Where stories live. Discover now