Comfort in your arms

0 0 0
                                    

Paulo's POV

Ito umuulan pa rin.At dito sa kama ko ang natutulog na naman na Nicka.Mag mula kaninang umaga hindi pa rin humihinto o humihina ang ulan.Kumikidlat at kumukulog na rin ngayon.Buti na lang at tulog si Nicka,kung hindi ay iiyak ito dahil sa takot.

Nandito rin naman itong si Paula tulog rin katabi ni Nicka.Kanina pa nga nag lalaro ang dalawang ito eh.Si Paula kasi eh nakipag laro ng barbie kay Nicka.Tapos kanina pa kami kain ng kain.

Napagod nga rin ako sa kanila dahil sa ibang laro ay sinama rin nila ako.Pinag habol pa nila ako kaninang nag lalaro kami ng habulan.Pinag hanap rin nila ako kaninang nag laro ng tagu-taguan.At aba!Kahit na matalo ko sila ako pa rin ang taya.Ang galing talaga ng dalawang to.Nag alala nga ako kay Nicka eh kasi baka sumpungin siya ng asthma.Buti na lang nandito ang bag niya at nandun yung inhaler niya.Bawal pa naman siyang mag pagod talaga.

Inaantok din ako kaso naman di ako kasya sa kama.Ganyan kaya sila matulog.Si Nicka naka bukaka.Si Paula naman ganon rin pati yung kamay.Wala talaga silang balak patulugin ako.

Napatingin naman ulit ako sa mga labi ni Nicka.Grabe!Nakaka addict yung labi niya.Hahaha!Lasang strawberry kasi eh.Ano ba naman pinag nanasaan ko na ngayon ang bestfriend ko!

Binuhat ko naman si Paula dahil inaantok na talaga ako.Alangan naman ako ang matulog sa kwarto niya eh ang liit ng kama nito.

Inilapag ko na sa kama niya si Paula.Kinumutan ko ito kasi baka lamigin siya.

Bumaba muna ako sandali para kumuha ng pitcher at mga baso.Baka kasi mamayang mauhaw ako ay tamarin akong bumaba.

(A/N: Di ko alam yung spelling ng tagalog ng pitcher kaya pitcher na lang.At least mas sosyal pa.)

Umakyat na ako at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.Umupo naman ako sa kama patalikod kay Nicka at inilapag sa bed side table ang pitcher at baso.

Hihiga na sana ako ng marinig ko si Nicka.

"P-p-paulo!"tawag nito.

Humarap naman ako sa kanya.

"Nicka okay ka lang?!"natatarantang tanong ko.

Umiiling ito habang nakahawak sa dibdib niya.Nilagyan ko naman kagad ng tubig yung baso na dala ko ay ibinigay sa kanya.Ininom naman niya ito.

"Nicka asaan ang bag mo?!"tanong ko.

Nanginginig naman na itinuro niya ang bag niya.Dali dali naman akong kinuha at kinalkal ang bag niya at kinuha ang inhaler niya.

"P-p-paulo b-b-bilis!"utos niya.

"Ito na ito na!"natatarantang sabi ko at ibinigay na sa kanya ang inhaler niya.

Umiiyak ito.Kanina pa.Dala na siguro na hindi siya makahinga.

"Nicka please don't cry.I'm just here,okay?"pag aalo ko sa kanya.

Medyo kumalma na siya pero umiiyak pa rin siya.Parang kapag inaatake siya,umiiyak rin siya.Sobrang naaawa ako.

Hindi pa rin siya tumitigil sa pag iyak.

"Gusto mo ba tawagan ko ang daddy mo?"tanong ko.

Umiling naman ito.Eh anong gagawin ko.

Inihiga ko naman ito ulit at tinabihan ko ito.Niyakap ko na lang siya para naman kumalma na siya at tumigil na sa kakaiyak.Hindi naman mahigpit ang pagkakayakap ko para makahinga siya.

Hindi na rin naman ako makatulog kaya binantayan ko na lang siyang umiiyak.Ayaw kasi niyang tumigil eh.

***
Medyo tumahan na si Nicka.Pero nakayakap pa rin talaga siya sa akin.

"Nicka okay ka na ba?"tanong ko pero pag singhot lang ang narinig ko.

"Ikaw naman kasi eh nakipag laro ka pa kay Paula kanina.Masyado kang napagod sa kakatakbo mo."sabi ko habang hinahaplos ang ulo niya.

"Sorry naman,ayaw ko lang na malungkot si Paula kaya nakipag laro ako sa kanya."sabi naman niya.

"Ayaw naman kitang napapagod at nakikita kang nahihirapan."nag aalalang sabi ko.

"Ang sweet naman ng bestfriend ko."nakangiting sabi niya pero bakas pa rin ang pag iyak.

"May gusto ka ba?Gusto mo bang kumain?"tanong ko.

"Gusto ko ng cupcake Pau."nagmamakaawang sabi niya.

Umiling ako."Hindi ka pwede.Iba na lang."sabi ko.

"Okay lang kung hindi pwede.Wag na lang di naman ako nagugutom."sabi nito.

Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya.Wala eh ang sarap kasi niyang yakapin.Parang yung unan lang.

"Sigurado ka?"tanong ko at tinanguan niya lamang ako.

"I think wala pa ring pasok tomorrow."sabi ko.

"Let's wait for the news."sabi naman niya.

"Kuya ate!"nagulat naman ako sa pag bukas ng pintuan ng kwarto ko at pumasok si Paula.

"Ayie!They are hugging each other."pang aasar niya.

"Stop it Paula!Ano na naman ginagawa mo dito?"tanong ko.

"Nothing I just wanted to witness a sweet love story of yours."kinikilig na sagot ni Paula at sinamaan ko ito ng tingin.

"She's cold that's why I'm hugging your ate Nicka."pag dadahilan ko.

"Oh okay!"sagot na lang niya at sumiksik dito sa gitna namin ni Nicka.

What the?!Nilalayo ba niya ako kay Nicka.

Nakita ko namang siya ang yumakap kay Nicka.Hmp!Kahit kailan talaga panira tong batang ito ng moment.

***
"What are you guys doing here?Eh it's raining."tanong ni Paula sa mga bisita sa bahay namin.

"Kasi naman kayo lang dalawa ang hindi pumasok kanina."sabi naman ni Yuni.

"Eh diba suspended?"takang tanong ko.

"Oo nga we mean yung bago yung suspension,di man kayo nag abalang pumasok."sabi naman ni Marie.

"Eh ano namang nangyare sa dalawang yon?"tanong ni Nicka.

Nakanguso niyang itinuro si Ferrine na natutulog sa balikat ni Joshua habang nag cecellphone naman itong si Joshua.Sila na ba?Kailan pa?Himala yata?Kasi parang wala lang kay Joshua eh.Kung normal na araw lang ay gumulong na sa sulok si Ferrine dahil sa lakas ng pag tulak sa kanya ni Joshua pero hindi eh.Nakakapanibago.

"Weird"komento ni Nicka at tumango tango rin ang iba.

"Pau why don't you serve cupcakes?"tanong niya.

"Kaya nga Paulo laging si Nicka lang ang nakakaubos ng mga cupcakes hindi nga kami makatikim eh."reklamo ni Yeo.

"Osige na nga pero Nicka hindi ka kakain ah."sabi ko.

"Bakit?!"nag dadabog na tanong niya.

Nakatingin lang naman sa amin ang mga kaibigan namin.

"Ang kulit hindi ka nga kasi pwede."sagot ko.

"Tatlo lang naman eh!"nakangusong sabi niya.

"Ang dami isa lang."sabi ko.

At ayon hindi man lang ako sinagot at padabog na umakyat papuntang kwarto ni Paula.Nakita ko pa nga yung mukha niya bago tuluyang isara ang pinto eh.Nagi-guilty tuloy ako kasi nakita kong kumislap yung mga mata niya.And anytime soon iiyak na siya.Mag tatampo na naman siya sa akin tapos di na naman niya ako kakausapin.

"Anong nangyare kay Nicka?"tanong ni Jean.

"Hayaan niyo na nag dadrama na naman niyan yon."sabi ko na lang.

Love will never ForgetWhere stories live. Discover now