Rush of Joy

2 0 0
                                    

Nakauwi na rin sa wakas si daddy.Simula last week nung binisita ko si mommy sa puntod niya medyo gumagaan ang pakiramdam ko ngayon.Namiss ko rin tong si daddy.Magpapahinga lang siya today.Then sa isang araw lalabas daw kami.

Nasa labas na pala si Paulo.Bati na kami diba?Kaya ayan mag uumpisa na naman niyan yan mang asar.Kaasar tong lalakeng to eh!

"Nicka ang bagal mo!"reklamo niya.

Actually binabagalan ko talaga yung lakad ko yung parang bagong gising na walang gana.Parang ganon haha!Wala lang gusto ko lang siyang asarin.

"Sige bagalan mo pa!"at ayun lalo kong binagalan.

Nagulat naman ako sa ginawa niya dahil lumapit na talaga siya sa akin at....at....at....binuhat ako ng baliw!

"Hoy bitawan mo nga ako!"utos ko.

"Ang bagal mo eh!Bubuhatin na lang kita."sabi niya.

"Nakakahiya!"sabi ko.

Hindi siya sumagot at nag patuloy sa paglalakad.

"Promise bibilisan ko na bitawan mo lang ako."sabi ko.

Buti at binitawan na niya ko.Nakakahiya di ko ineexpect yon eh.

"Nicka!"tawag niya.

"Oh?"tanong ko.

"Pakopya ng assignment sa english.Sige na."sabi niya.

"Ang dali lang non eh!Tamad ka talaga."sabi ko.

"Hehe!Sige na.Ngayon lang naman eh.Promise pakokopyahin kita dun sa assignment natin sa chemistry."sabi niya.

"Sige na nga.Totoo?!May assignment sa Chemistry?"tanong ko.

"Oo ikaw pala tamad eh di rin gumagawa ng assignment sa chem."sabi niya.

"Oo na basta pakopyahin mo ko sa chem!"sabi ko.

Tumango na lang siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Nung makapasok na kami sa school diretsyo kami dun sa tamabayan.Maaga pa naman eh.

"Nandito na pala yung mag shota eh."nagulat naman ako sa sinabi ni Adrielle.

"Sino?"tanong ko.

"Ayan kayo ni Paulo!"sagot niya.

Hindi ko alam pero feeling ko namula ako kasi nag init yung pisngi ko eh.

"Sira!"sabi ko.

"Kinikilig ka naman."pang aasar ni Ferrine.

"Oh bilisan niyo na!Dami niyo pang daldal eh."reklamo ni Jean.

"So ganito yan kasi diba yung camping sa friday na?Sabi ni ma'am bahala na daw tayo sa mga kasama natin sa tent.Aba tayo daw magdadala ng tent natin.Basta ako kasama ko na babe ko,diba Jean?"sabi ni Adrielle.

"Si Ferrine naman at si Candace.Mag besties yan eh.Tapos si Antonio at Marie.Joshua at Janna.Ayan perfect!"sabi ni Jean.

"Bestie I'll bring my pink tent na lang!"masiglang sabi ni Ferrine.

"Tss!Masyado ka talagang pabebe at idadamay mo pa yang kapatid ko!"sabi ni Joshua.

"Pake mo ba?Buti nga hindi ikaw ang makakasama ni Bestie kasi lagi mo na lang rin siyang inaaway!"sabi ni Ferrine.

Haha!Ayaw niyang sinasabihan siyang pabebe.Maganda lang daw talaga ang pink at dahil girly talaga siya kaya mahilig siya sa kulay na ito in which is true.Hindi porke mahilig sa pink ay pabebe na.

(A/N: May pinaglalaban ako!Oo!Tinatawag din akong pabebe ng bestfriend ko dahil pink favorite ko!Hindi ako pabebe!Kainis!)

"Kuya wag mo ng asarin si Ferrine wala namang masama sa sinabi niya eh."sabi naman ni Candace.

Love will never ForgetWhere stories live. Discover now