Mamu & Paps

9 0 0
                                    

"Mama tuloy po kayo,mabuti naman po at napadalaw kayo ni papa.Magandang araw."

"Ah oo gusto ko rin kasing dalawin ang mga apo ko.Asaan na ba sila?"

Sino ba ang dumating?Hanggang dito sa labas ng pintuan ng kwarto ko ay rinig na rinig.Nag mamadali naman akong bumaba pagkatapos ko mag bihis.Mag sisimba ako ngayon eh.

"Oh apo ko!Halika nga dito Nicka!"utos ni Mamu.

Lumapit naman ako dito at niyakap niya ako ng mahigpit kaya naman niyakap ko rin ito.Hinalikan niya ako sa noo at sumunod naman si Paps.

Tawag ko sa lola ko ay Mamu at Paps naman sa lolo ko.Para naman maiba diba?Si Assyrine nga non nakikigaya tapos I told her not to.Masyado siyang walang originality

"Saan ba pupunta ang nag iisang prinsesa ng pamilya?"tanong ni Mamu.

"Mamu mag sisimba po ako."sagot ko.

"Ah ganon ba?Nakabihis na rin naman ako,sabay na tayo."sabi niya.

"Sure mamu"sabi ko.

"Amanda aalis muna kami ng apo ko ah.Babalik rin kami,mag stay kami dito ng isang linggo."sabi ni mamu.

"Sige po mama."sabi ni tita.

"Tara na."baling niya sa akin.

Tumango naman ako at sumakay na kami sa sasakyan na nag hatid sa kanila dito.Hindi na niya inabala pa si manong driver namin.

"Apo di ka pa ba uuwi?"tanong ni mamu.

Katatapos lang ng misa at lumabas na kami ng simbahan.

"Yes mamu,aalis kasi kami ng mga kaibigan ko eh."sagot ko.

"Saan ka niyan pupunta?"tanong niya ulit.

"Pupunta muna po ako sa bahay nila Paulo."sagot ko.

"Mag ingat ka ah."sabi niya.

Sumakay na ulit kami sa kotse at ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay nilaPaulo.

"Bye mamu."at bineso muna niya ako.

Bumaba na ako ng kotse ni mamu at nag door bell na sa bahay nila Paulo.Ilang sandali lang ay pinag buksan na niya ako ng gate.

"Ay Nicka!Dapat ako na ang mag susundo sayo sa bahay niyo.Nakakahiya naman."sabi niya.

"May hiya ka pa pala?"tanong ko.

"Nicka naman eh!Sana nag text ka na lang sa akin."sabi pa niya.

"Nag simba kami ni mamu tapos nagpa hatid na ko dito.Wag ka na maarte,nandito na ko eh namomroblema ka pa.Pasalamat ka nabawasan ang gawain mo."sabi ko.

"Oo na!"sabi niya.

Pinag bukas naman kami ng gate nung isang maid nila.Naabutan namin si tita na sinusuklayan si Paula sa sala.

"Hi tita!"bati ko at bineso ito.

"Hello ija!"bati naman niya.

"Hello ate Nicka!"bati ni Paula.

"Hi cutie.Ang ganda mo naman,where are you going?"tanong ko.

"Im going with you and kuya Paulo."masiglang sabi niya.

"Ah ok."sabi ko.

"Are you two going to have a date?"tanong niya.

"What?!No!We're going out with our friends."sagot ko.

"I thought you are.Hihihi!"napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Paula talaga oh ang daldal!Iiwan kita diyan sige!"inis na sabi ni Paulo.

Love will never ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon