Disappointment

3 0 0
                                    

Nicka's POV

"Sorry anak hah.Biglaan kasi na kailangan ako sa Hongkong.Bukas na kasi ang flight ko eh."paliwanag ni daddy.

Hindi naman ako umimik.Siyempre noh pinaasa kaya ako ni daddy.Nakakainis naman kasi yang kumpanya niya eh!Ang unfair!Sila nila Assyrine nakapag bonding kanina.

"Look sorry anak.I'm so sorry.Promise ni daddy babawi ako."sabi ni dad.

"It's okay daddy.I understand."malungkot na sabi ko.

Pag labas ni daddy ng kwarto ko ay tuluyan ng nag bagsakan yung mga luha ko.

Ang sakit!Masakit ang madisappoint.Masakit na ang mismong dad mo ang mag disappoint sayo.At masakit rin na ni isa wala akong makausap.Walang mag cocomfort sa akin.Walang bestfriend na nandiyan para sa akin.

Di ko na napigilan at napahagulgol na rin ako.Bakit?Bakit lagi na lang dapat ako ang napag iiwanan?Bakit lagi na lang dapat ako ang madisappoint ni daddy?Mas importante pa ba ang ibang bagay kaysa sa akin?

***
"Hey what's with that sad face,huh?"tonong nang aasar na tanong ni Assyrine.

Hindi ko na lang siya sinagot dahil wala akong gana na makipag away pa sa kanya.

"Aww are you disappointed?"tanong pa niya na inirapan ko na lang.

Sinusubukan talaga ako ng babaeng ito eh.Porke naka bonding nila si daddy at alam nilang hindi ko makakabonding si dad ay ang lakas na ng loob niya na gumanyan ganyan sa akin.

"Ganyan na ba talaga ang mga hindi makatanggap ng katotohanan na walang oras ang ibang tao sa kanila?Hindi na nag sasalita?"napahigpit naman ako sa hinahawakan ko.

"Pwede ba Assyrine?!Can't your ass face see that I'm busy?!Bigyan mo naman ako ng katahimikan!"sigaw ko at hinampas sa mukha niya yung makapal na libro na hawak ko.

Naiinis na ako.Wala na akong pakielam kung masaktan talaga siya.

"Ouch!My nose!Isusumbong kita kay mom at dad!"naiiyak na sabi niya.

Tumayo naman na ako at pumasok na ng bahay.Naka salubong ko nga si mom eh.

"Anong nangyari Nicka?"tanong ni mom.

"Hinampas ko sa pag mumukha ang anak mo."sagot ko at tuloy tuloy na umakyat sa hagdan.

"What?!Assyrine ano na naman ang ginawa mo?!Pumunta ka nga dito!"rinig ko pang sabi ni mom.

Pumasok na ako sa kwarto ko.Narinig ko pa nga na todo iyak si Assyrine eh.Kasalanan naman niya.

Naiyak na naman ako dahil sa disappointment na nararamdaman ko.Si daddy nag punta lang sandali sa office niya then uuwi na rin yon.Makikita ko na naman siya.Maaalala ko na naman yung sinabi niya kanina,kung paano niya ako idisappoint.

***
"Nicka anak kakain na daw kayo."sabi ni yaya.

"Wala akong gana yaya."sabi ko naman.

"Kailangan niyo daw kumakin at kailangan niyo daw mag usap ng daddy mo."sabi ni yaya.

Mag usap?For what?To tell me something that can disappoint me again?Why?

Wala na akong magagawa kaya tumayo na lang ako sa pagkakahiga ko at tahimik na sumunod kay yaya pababa.Pag dating ko maman sa dining area ay nakatingin lang sila sa akin,si Assyrine masama ang tingin sa akin.Si mom parang nag aalala.Si daddy nag aalala na galit.

Hayyy tahimik na lang ako na umupo sa upuan ko.

"Why did you do that young lady?"bakas sa boses ni daddy ang pag pipigil ng galit.

Love will never ForgetHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin