Bestfriend Quarrel

7 0 0
                                    

Pag dating ni Paulo sa bahay ay lumabas na kagad ako at sumunod na siya sa akin.Di ko siya pinapansin.Dapat mag pasorry muna siya sa akin.

"Uy Nicka pansinin mo na kasi ako."sabi niya.

Di naman ako nag sasalita at natatawa ako sa itsura niya kaso pinipigilan ko lang.

"Nicka may crush ako sayo."sabi niya.

Napatigil naman ako at humarap ako dito.Pinanlakihan ko naman ito ng mata.Anong pinag sasabi neto?

"Siyempre joke lang!"sabi niya.

Nag patuloy naman kami sa pag lalakad.

"Nicka mag salita ka naman.Nag alala lang naman ako sayo kahapon kaya sinabi ko sa lola mo.Ayoko kasing napapahamak o nakikita kang nahihirapan."sabi niya.

Hindi pa rin ako sumagot at pumasok na ko sa school.

"Ganyan ka Nicka natitiis mo na ako ngayon."bulong niya.

Nasa front lawn ako nang makita ko ang isang babae na nag iiskandalo.Umagang umaga eh!Monday na monday!

"Ikaw babae ka akala ko totoo kang kaibigan!Yun pala mang aagaw ka ng crush!"sigaw ni Jaielyn kay Emma.

"Hindi ko inagaw sayo si Paulo!Tsaka wala namang kayo!"sigaw naman ni Emma.

Lumapit naman ako sa mga ito.Hindi pa rin sila tumitigil.Ang kakapal talaga ng mga mukha.

"Magsing balik na kayo sa mga classroom niyo dear fellow students."maayos kong sabi.

Natigil naman ang mga nag aaway at napatingin naman sa akin ang ibang mga estudyante.

"Yes Ms. P.O."sabi ng iba at umalis na ang lahat maliban sa mga nag aaway na balak pa yatang mag round 2.

Nagtataka kayo kung bakit ms. P.O ang tawag sa akin?Ako kasi ang peace officer ng student council at isa sa mga tungkulin ko o namin ay ang pagpapanatili ng kapayapaan sa school.

"Hoy isa ka pa eh!"sigaw sa akin ni Jaiely na ikinagulat ko.

"Ako?Bakit naman?"tanong ko.

"Kasi lagi mong kasama si Paulo!"sagot niya.

"Jaielyn ang pangit tingnan ng ginagawa mo.Pinapakita mo sa lahat how desperate you are."mahinahong sabi ko.

"Who cares?!"sigaw pa niya eh.

Akmang susuntukin na ako ni Jaielyn ng biglang may humarang sa harapan ko.Imbes na ako ang tamaan ay siya pa ang natamaan at napaluhod pa sa damuhan.

"Ahhhh!"inda niya.

"Paulo sorry di naman para sa'yo yan eh.Bakit ka kasi humarang?"Nag aalalang sabi ni Jaielyn.

"Kayong dalawa bumalik kayo sa klase kung ayaw niyong makarating pa'to sa guidance."banta ko.

"Pau okay ka lang?Halika dadalhin kita sa clinic."sabi ko at inalalayan ko siyang tumayo.

***

Kasalukuyang tinatapalan ko ng yelo ang nangingitim na kaliwang mata ni Paulo at nandito kami ngayon sa clinic.

"Ayan harang ka kasi ng harang!"sabi ko.

"Ikaw na nga ang tinulungan sinisisi mo pa ako!Instead na magpasalamat ka na lang!"sigaw niya.

Tinampal naman niya ang kamay ko at tumayo ito at kinuha ang bag tapos lumabas na ng clinic.

Lakad takbo ang ginagawa nito at sinundan ko siya.

"Uy Paulo!"tawag ko.

Hindi pa rin ito tumitigil at hindi man lang ako pinansin.

"Paulo!"tawag ko ulit.

Love will never ForgetOnde as histórias ganham vida. Descobre agora