Theatre Club

0 0 0
                                    

Nicka's POV

"Oy anong nangyari sayo?Bakit ganyan ang itsura mo?"magkasunod na tanong sa akin ni Paulo.

Napatingin naman din sa akin ang iba pang barkada.

"Eh kasi sa pag mamadali ko kanina nakalimutan ko yung lunch ko.Wala naman mag hahatid dito.Tsaka ayaw ko rin na mang istorbo sa bahay baka ano pang sabihin ni Amanda este mom."sabi ko.

Nakita ko namang tatawa tawa tong si Paulo.

"Nicka baka nakakalimutan mong may cafeteria.Bumili ka na lang kasi eh.Bakit ba gustong gusto mo nagbabaon?"pag papaalala at tanong sa akin ni Yeo.

Natigil naman ako don.Ay oo nga pala noh?May cafeteria pala.Hahaha!

"Masarap kasi ang luto ni yaya."sagot ko.

"Bumili ka na lang mamaya."sabi ni Antonio.

As if naman na may magagawa pa ako kundi ang bumili na lang ng makakain ko.

"O kaya naman wag ka ng kumain para pumayat ka naman.Ang taba taba mo na kamukha mo si Peppa Pig.Hahahahaha!"tawang tawa naman na sabi ni Paulo habang abala siya sa cellphone niya.

Nag peace sign naman ito ng samaan ko siya ng tingin.Humanda ka talaga sa akin mamaya Paulo ka!

"Teka nasaan pala si Jean at Adrielle?"biglang tanong ni Ferrine.

Lumingon naman bigla si Joshua kay Ferrine.Ako talaga nakakahalata sa dalawang ito.Ano bang meron sa kanila?Parang may past na ewan sa kilos nila.O parang sila pero may LQ araw araw.

"Kaninang papunta ako ng school nakita ko silang pumasok sa motel."nagpipigil tawa na sabi ni Joshua.

"Anong sinabi mo?!"sabi nito at sabay sapok.

Tawa naman kami ng tawa sa nakita namin.

"Aray!Oh Adrielle akala ko nasa motel kayo ni Jean."natatawang sabi ni Joshua.

"Sira ulo!Nag punta kami sa office ng student council.Magiging busy kami for the incoming foundation."paliwanag ni Adrielle.

Si Jean at Adrielle kasi ay parehong officer ng Student Council.Si Jean ay ang president at ang vice niya ay si Adrielle.Mag boyfriend at girlfriend talaga,pareho ng mga hilig at pinapasukan.Actually peace officer ako pero hindi pa naman nila ako kinakailangan.

***
"Nicka pinapatawag ka na ng theatre club."sabi ni miss Heidi.

Tumayo na ako at bago lumabas ay nagpa excuse na ako kay miss.

Bakit kaya nagpapatawag sila ng meeting ngayon?Di naman ako officer talaga doon eh.Active member lang kumbaga.Kaclose ko naman yung mga nandoon pero lang kay Summer.

Ewan ah pero parang ang init ng dugo niya sa akin.Naiinis pa siya sa akin.Sinusungitan niya ako everytime na magkakasalamuha kami.Laging nakataas ang kilay.Parang inagawan ko siya o lahat na lang ay inaagaw ko sa kanya.Hinahayaan ko na lang siya.

Bago ako pumasok ng auditorium ay nakita ko sa tabi ng pinto si Assyrine.

"Hoy anong ginagawa mo dito?Diba may klase ka pa?"tanong ko.

"Eh may gwapo dito eh.Si Ashton."kinikilig na sagot niya.

Akala mo naman kung sino to.Anong akala niya close kami?

"Hoy kapag ikaw hindi bumalik sa klase mo isusumbong kita sa nanay mo at kay daddy na nag cucutting ka lang!Sinasayang mo ang pera ni dad.Naku ah!Pag ako nainis sayo palalayasin kita sa pamamahay ko.Si Ashton never siyang magkakagusto sayo wala kayong pag asa.So please ngayon pa lang ay tantanan mo na yang ilusyon mong yan.Tabi!"inis na sabi ko sa kanya.

Love will never ForgetWhere stories live. Discover now