ICE*XLIII

5.1K 111 4
                                    

Shan POV

Unti unti kong minulat yung mata ko. Sh.t ang sakit ng katawan ko.

Tatakpan ko sana yung mata ko dahil nakakasilaw ang liwanag ng maramdaman kong may mabigat na bagay na nakapatong dito.

It's Lance. Mukhang nakatulog sya.

Wait, tinignan ko yung dextrose nanakakabit sa left hand ko. Nanlaki yung mata ko ng maalala ko kung ano yung nangyari. Oh My...

Red laser. Gun. Shot. Unti unting nagprocess sa akin yung nangyari.

I'm alive.

Ilang oras na ba akong tulog? Aish ang sakit ng katawan ko tapos medyo paos pa ang boses ko.

"Lance..." I move my hand trying to wake him up.

"Hmm..."

"Hey" I sound awful. My voice is really groggy.

Naalingpungatan syang gumising. Ilang sandali lang ay mukhang nagsink in na sa kanya ang nangyayari.

"Shan! You're awake. Okay ka na ba? May masakit ba sayo? You want anything? Gusto mo tawagin ko muna sila Max? May gu--"

I hush him by pointing my forefinger in his lips.

"Water... "

Marahan syang tumango at ikinuha ako ng isang basong tubig. Pagkakuha ay lumapit sya sa akin para dahan dahan akong iupo.

"Here"

Halos maubos ko yung isang baso dahil sa paguhaw ko.

"Thanks..."

"Ahm.. May gusto ka pa ba? Food?"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano sa kinikilos ni Lance.

Umiling ako at bahagyang ngumiti sa kanya.

Nanatili syang nakatitig sa akin. Sh.t. Bakit ganyan sya makatingin?

Umiwas ako ng tingin at itinuon ang pansin ko sa bintana.

Umupo sya sa tabi ko at hinawakan nya ang kamay ko. Damn! Kinakabahan ako sa mga kinikilos nya.

"Im...sorry"

Hinarap ko sya at inilingan.

He didn't have to. Hindi naman nya kasalanan beside it's my own will.

"It's my fault. Kung hindi lang ako nagpakagago hindi sana aabot sa ganito. You almost get killed because of me." Seryoso nya sabi.

No, I understand. He care about Fiona and I fully understand kung bakit ganun na lang ang kinilos nya that day.

Pinilit ko ngumiti para ipakita sa kanyang okay lang.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya dahil sa ginawa nya.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may nangyaring masama sa'yo. Seeing you laying unconsciously in this bed making me feel so bad. I'm sorry Shan"

Hindi ko alam kung anong unahin kong pagtuunan ng pansin, yung pagkakawak nya sa kamay ko, yung pagtitig nya sa mata ko, yung mga nakakapanghinang sinabi nya o yung puso ko na sobrang lakas ng tibok.

I can't even utter a word at all. Shocks this is embarrassing.

Napakurap ako ng tatlong beses hoping na may masabi yung bibig ko. Pero sana hindi ko na lang hiniling.

"I...I'm sleepy" wala sa sarili kong sabi. Sh.t. I want to slap my mouth dahil sa lumabas na salita mula dito.

Really sleepy? Ilang oras or maybe days na ba akong tulog? Lame excuse pero mukhang sinakyan na lang ng katabi ko at tinulungan akong ihiga ulit.

Pagkahiga ay I pretend to be asleep as I cursed my self for being stupid.

Hindi ko lang kasi alam kung anong irereact . I didn't even know kung saan ako lulugar sa buhay nya.

He tell me that he likes me but after what he acted before. Nah, ayokong umasa. Masakit.

Mas mabuti ng ganito na lang kami casual. Normal. No string attached.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa ingay. Tsk nangingibabaw ang boses ni Yuki.

Unti unti kong minulat yung mata ko. Nakita ko si Max at Yuki na nagtatawanan habang bored na nakatingin lang sa kanila si Ice.

Seing them like that makes me feel happy. I'm happy that I'm still alive. Thanks God for that.

Napalingon si Max sa gawi ko. Napatigil silang tatlo at lumapit sa akin.

"Shan! Oh my God!" Sabi ni Yuki at niyakap ako.

Napadaing ako ng may kumirot sa bandang dibdib ko.

"Oh Em!Sorry!" Tarantang sabi ni Yuki.

Nilapitan naman ako ni Max asking if I'm okay.

Napatawa na lang ako sa kanilang dalawa.

Nagpapaalam yung dalawa na ikukuha daw nila ako ng pagkain. Kaya naiwan ako kay ICE.

"How is it?" Tanong ni Ice.

"Ang alin?"

"The feeling between life and death?" Simple nyang tanong.

I smirked. "Why? Gusto mo ng assurance?"

Binigyan nya lang ako ng makahulugang tingin. Sa tingin pa lang nya alam ko na ang ibig sabihin.

She want to apologize.

Nginitian ko sya. "It's okay wala namang may gusto nung nangyari. Besides I have a happy trip while my soul is Sailing." Biro ko.

"Sure you are! Ikaw ba naman ang alagaan ng isang Lance for three days straight ewan ko na lang. Geez Shan haba ng hair" biglang singit ni Yuki na may dadalang tray.

Napairap na lang ako. Seems like three days pala akong walang malay. Bandang ala una ng pinilit ko na silang tanggalin yung dextrose ko.

Inexercise ko yung mga muscle ko. Nang may pumasok sa kwarto ko. Kanina pa umalis na sila Ice dahil may aasikasuhin pa daw sila. Maiiwan pa nga dapat si Yuki kaya lang sinabi ko na okay lang ako.

"You need help?"

Inilingan ko sya at nagpatuloy sa paglalakad.

Bakit ba sya nandito? Kainis naman oh. Kung kelan iniiwasan mo yung tao tsaka ka paglalaruan ng tadhana. Tsk pagsinapian talaga ng kaboringan ang tadhana ang tao ang gagawing intertainment. Tsk. Lakas mantrip eh.

"Akala ko ba may lakad kayo?" Medyo paos kong sabi. Mas ayus na yung ngayon kesa kagabi na sobrang groggy.

"Nagpaiwan ako. Ahm you need something? Baka may gusto kang kainin?"

As if on cue naramdaman ko ang pag kulo ng tyan ko.

Nagkatinginan kami. Halos mapaupo ako sa kahihiyan ng tumawa sya. Bwisit kasi tong tyan ko eh hindi man lang marunong makisama.

Hay naku!

~~~~~~

Konting push na lang! Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa mga nagbabasa ng istoryang ito. Thank you so much :-*

Ice: The Cold GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon