ICE*XL

4.9K 110 2
                                    

Third person POV

Pagkalabas na pagkalabas ni Lance at Shan ay natahimik ang lahat. Tanging paghikbi ni Yuki ang naririnig. Nakayakap ang dalaga sa bisig ni Blake na ngayon ay inaalo na ang girlfriend.

Nanatiling nakaupo si ICE at Alex habang nasa malayo ang tingin. Tumayo naman si Red at pumuwesto sa harap ng bintana. Habang magkahawak kamay naman si Max at Jasper.

Binasag ni ICE ang katahimikan. Gusto nya ng matapos ito.

" Pasensya na kung nadamay pa kayo sa gulo namin pero sana maintindihan nyo yung sitwasyon. Tuso si Hades. Gagawin nya ang lahat para lang makuha ang gusto nya."

"Ano pa ba ang gusto nya? Nasa kanya na si Fiona diba?" Naguguluhan tanong ni Alex.

Napahinto saglit si ICE bago naglakas loob na sagutin ang tanong ni Alex.

"Ako"

Natigilan ang lahat sa pagamin ni ICE. Maski ang dalaga ay nahihirapan sa nangyayari. Masakit para sa kanya na sya ang dahilan ng kaguluhang ito.

Natahimik muli ang lahat hanggang sa isang malakas na pagputok ang gumulantang sa kanila. Agad silang pumasok sa sec room para I check ang nangyayari sa labas.

Halos mapamura si ICE ng makita nya ang kalagayan ni Shan.

Kunuha sya ng mga baril sa cabinet at ibinigay yun sa Beast Gang.

"Cover the area. Maxine tulungan mo silang ipasok yung dalawa. Now move!"

"Red ihanda mo ang Van." Inihagis nya dito ang susi at hinarap si yuki.

" Kuhanin mo yung First aid kit at yung emergency bag." Agad naman itong sumunod.

Sinulyapan nya ang CCTV. Napamura sya ng nagkakabarilan na sa labas. Kumuha muna sya ng armas at lumabas.

Napahinga sya ng maluwag ng makitang asa loob na ang mga ito.

Sumakay na sya. Agad namang pinaandar ni Red ang sasakyan.

"Fvck!" Napamura si Red ng makarinig ng mga kalansing ng bala. Mukhang may sumunod sa kanila.

Buti na lang at bulletproof lahat ng kotse nila.

" Just drive. Sa pinakamalapit na hospital mo na dalhin. Ako ng bahala sa mga yon."

Lumipat ng puwesto si ICE. Ibinukas nya ang wind shield sa itaas at iniaim ang revolver nito.

Pinaputukan nya ang tatlong driver at pinasabog ang isang kotse.

"ICE malapit na tayo." Signal sa kanya ni Yuki.

Kinuha ni ICE ang granada sa jacket nya at initsa iyon.

Magkakasunod na pagsabog ang narinig nila.

Pabagsak na bumalik sa pwesto si ICE. Ramdam nya ang pagsulyap sa kanya ni Red ngunit hindi na lang nya ito pinansin.

Pagkarating sa hospital ay dumiretso sila sa E.R. naghintay silang lahat sa labas nito. Habang si Alex na ang umayos ng mga papers.

Natulala ang lahat sa nangyari. Hindi nila ineexpect na ganito ang mangyayari.

Mahinang pagiyak nina Max at Yuki ang nagbibigay ng ingay sa paligid.

"Shh... Tahan na magiging okay din sya." Pagalo ni Jasper kay Max.

Habang niyakap naman ni Blake si Yuki at pilit na pinapakalma.

Maski si ICE ay naiiyak na rin sa nangyayari pero pilit nya itong pinipigilan dahil hindi sya dapat magpakita ng kahinaan ngayon.

Nakatulala naman sa isang tabi si Lance at tahimik na sinisisi ang sarili. Hindi nito mapigilang hindi sisihin ang sarili sa nangyari. Kung hindi lang sana sya nagpakagago kanina ay hindi malalagay sa alanganin ang buhay ni Shan.

Halos dalawang oras din silang naghintay bago lumabas ang doktor.

"Kumusta na po sya?" Maagap na tanong ni Lance.

" Kaano ano kayo ng pasyente? Asan ang magulang?" Tanong sa kanila ng doktor.

"Kaibigan po. Wala na po syang magulang" sagot ni Max.

"Stable na ang pasyente pero unconscious pa rin ito dahil sa pagkawala nito ng dugo. Buti na lang at nilapatan nyo agad ng first aid. Kung hindi baka tuluyan ng bumigay ang katawan nya."

Nagpaalam na ang doktor sa kanila.

Hindi napigilan ni Lance ang sarili. Napasuntok sya sa pader na katabi nito. Agad naman syang inawat ng mga kaibigan.

Iniisip nya yung sinabi ng doktor. Paano pala kung hindi iyon naagapan baka nawala na ng tuluyan si Shan. Hindi nya mapapatawad ang sarili kung mangyari man iyon.

"Tama na Lance. Aksidente ang nangyari. Hindi mo alam. Kumalma ka nga."

Napatigil lang si Lance ng inilabas na ng mga nurse si Shan at dinala sa suite nito.

Sumunod ang lahat maliban kay Red na umalis.

" ICE ano nang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Yuki na tumigil na sa pagiyak.

Maski si ICE ay yan din ang tanong sa sarili. Ano nga nang plano nya ngayon? Hindi nya mapigilang hindi mapamura dahil sa nangyayari.

Lumabas sya sa kwarto at hinanap si Red.

Natagpuan nya ito sa Rooftop na ninigarilyo. Napailing sya sa ginagawa ng binata. Kinuha nya ito at itinapon. Ganun din ang ginawa nya sa pangalawa.

Umupo ito kaya ganun din ang ginawa nya.

Nanatili silang ganun. Hanggang sa hindi nya na mapigilan ang sarili at napatulo na ang luha nya.

She mentally cursed her self. Muntikan na naman syang mawalan ng kaibigan. And she can't deny na partly it is her fault. Pagbalik baliktarin man ang pangyayari ay sya pa rin ang puno ng lahat.

Now she can't do anything but to cry.

~~~~~

Vote and comment :')

Ice: The Cold GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon