ICE*XXXVII

5.3K 133 11
                                    

Yuki POV

'Ano bang nangyayari?'

Kagabi , nagsisigawan sila na umabot pa sa sampalan.

Hindi ko pa nakitang ganun kabadtrip si ICE.Creepy.

Gusto ko mang tanungin si Shan pero mukhang wala syang sa mood.

Si ICE naman missing in action.

"Mauna na ako." Paalam sa amin ni Shan pagkatapos na pagkatapos ng klase.

Nagkatinginan kami ni Max tsk. Bwisit ano ba kasing nangyayari!

"Sasabay ka ba sa akin?"

Inilingan ko si Max at lumabas na.

I need space. Masyado na akong naguguluhan sa nangyayari.

Una, Asan na ba si ICE? Hindi nya ba alam na delikado ang buhay nya? Tsk.

Pangalawa, Ano bang meron sa kanilang dalawa ni Shan? Bakit parang may isyu sa kanilang dalawa?

Pangatlo, *sigh* mamamatay na yata ako sa sakit... sa puso.

Simula nung araw na yun mas lumala ang pagiging playboy nya.Halos araw araw ata kung magpalit sya ng babae and it hurts. Lalo na yung nakikita ko syang may kahalikan na iba.Tulad na lang ngayon.

Seriously pati ba naman Locker Area pinatos nila?

Huminto ako sa paglalakad at umiwas ng daan. That is the best thing to do right now...ang umiwas.

Napadpad ako sa isang playground.

Buti pa tong mga batang to' walang problema sa buhay. Nagagawa nilang tumawa at maging malaya.

Nakakamiss din pa lang maging bata. Yung mga simpleng bagay lang yung hinihiling mo, yung simpleng bagay lang yung nakakapagpasaya sayo, yung simpleng bagay lang yung iniiyakan mo.

Yung napakadaling sagutin ng tanong na: Anong gusto mo paglaki?

Maging Doctor,Teacher,Piloto o maging modelo.

Who is your crush?

Daniel, James, Enrique, Alden o si Justin Bieber.

Nakakatawa yung realisasyon na lahat ng iyon ay nagiba.

'Ano na nga bang gusto ko ngayon?'

Ah ano ba yan! Bakit feeling ko ang deep ko na?

Napatawa ako sa iniisip ko.Nababaliw na yata ako.

"Ate!Ate ganda. Bakit ka umiiyak?"

Nagulat ako ng biglang may sumulpot na bata sa harap ko.

Umiiyak pala ako ng hindi ko namalayan. Pinunasan ko muna ito tsaka ko nginitian yung batang babae.

Hala ang cute nya with her ribbon pony tail and jumper.

"Ahm Hi!" At nagwave pa ako ng bahagya.

"Hello!" Napangiti ako ng ngumiti sya ng sobrang lawak.My Gosh she's so adorable.

"You want to play?" She nod as a answer.

Naglaro kami ng rock,paper and scissor hanggang sa nagtaguan na nauwi sa habulan.

Tawa lang kami ng tawa.For the past two hours of the day nakalimutan ko yung problema ko. This is the thing I want. Ang umiwas sa realidad.

Nang mag alas sais na ay sinundo na si Cassy ng mommy nya.

"Bye Cassy!" I waved at her happily.

I sigh.

Pero sino bang niloko ko? Of course hindi ko maiiwasan ang realidad.

Ice: The Cold GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon