ICE*XXXVIII

5.2K 112 8
                                    

Max POV

Masaya ako na nagkaayos na si ICE at Shan. Kailangan lang palang ikulong ng dalawang yun para mag bati. -.-

Monday. Simula na naman ng klase oh well Im still excited makikita ko na si babe ko. I really really miss him Hihihi.

Ewan ko lang sa mga kasama ko na mukhang nananaginip pa. Palibhasa mga walang love life.

"Hi babe" bati ko sa kanya pagkapasok sa room.

"I miss you" then he kiss me.

Oh my God. I miss this guy.

"Tss get a room" bulong ni Yuki at tumungo sa upuan nya.

"Bitter" I stuck my tongue out to pissed her more.

She just roll her eyes.

"Stop being brat babe." Saway sa akin ni Jasper at pinaupo na ako.

Oh this man. He really have ways to make me smile.

Nagsimula na ang klase kaya nanahimik na kami since si Ms. Sindak ang prof namin ngayon.

As usual pinaginitan na naman nya si ICE tsk. I wonder kung paano natitiis ni Ice si Ms. Sindak.

"Magkaaway ba si Yuki at Blake?" Jasper ask.

Napakunot naman yung noo ko. Ang tagal na noon ah.

" Bakit mo naman na tanong?"

"Hmm Blake is being stubborn again. Bumalik na naman sya sa pagiging playboy nya. And last week he sober himself then he got into a fight. Muntik pa syang makulong buti na lang napakiusapan" kwento ni Jasper.

Pagibig nga naman nakakatanga.

Napatingin ako sa gawi nila. Nakapangalumbaba lang si Yuki habang nakatingin sa kawalan. Si Blake naman ay may kinakalikot sa cellphone nya.

Mukha silang normal pero ang totoo ay hindi. Pinipilit lang nilang maging normal.

Tsk mahal na man nila yung isa't isa pero ayaw nilang umamin. Pinapahirapan lang nila ang sarili nila.

" Break na ata sila" sagot ko sa tanong ni Jasper.

"Tsk kaya pala"

Iniwas ko na ang tingin sa dalawa at pinilit na makinig kay maam.

Sana maging maayos na ang lahat.

Yuki's Pov

Tsk spell PDA. M-A-X tsk kung makipaglandian sa boyfriend nya feeling nila sila lang tao sa mundo. Kaimbyerna. Nakakawala tuloy ng ganang kumain.

Ininom ko na lang yung juice ko.

"Ayaw mo na?" Tanong ni ICE habang nakatingin sa pagkain kong hindi pa na ngangalahati.

Tumango na lang ako. Hay ewan ko ba kung saan nilalagay ni Ice lahat ng kinakain nya hindi naman sya tumataba.

Tumingin lang ako sa sapatos ko. At hinintay na matapos silang kumain.

Naguusap usap yung BEAST Gang minsan sumasali si Max. Ako nakikinig lang. Si Shan busy sa pagkalikot ng Cellphone nya habang si ICE as usual busy sa pagkain.

After 123456789 years ay sa wakas natapos din sila.-.- At dahil sa sobrang tagal nilang kumain slash magkwentuhan ay late na kami sa next subject namin tsk.

Syempre kasama namin yung lima kaya pinalagpas na kami ni Mrs.Castillo. Perks of being with those Bastards tss.

Nang naglast subject na ay nakaramdam ako ng gutom. Nagsisi tuloy akong hindi naglunch. Napahawak ako sa tyan ko ng maramdaman ko ang pagkalam.

Nakarinig ako ng mahinang tawa. Kaya agad akong napa yuko.

Aish narinig nya ba? Nakakahiya. >.<

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay nagpaalam na ako kila Ice.

Pumunta ako sa playground kung saan ko nakilala si Cassy.

May nadaanan akong fishball kaya bumili na ako since kumakalam na talaga yung tyan ko.

Nakakatuwa talagang pagmasdan ang mga bata.

Naubos ko na yung fishball ko pero hindi ko pa rin makita si Cassy.

Maybe she not coming today. Kinuha ko yung chocolate na ipinangako kong ibibigay ko sa kanya pagnagkita ulit kami.

Agad akong napatayo ng may humablot sa chocolate.

"Ano ba!" Tinulak ko sya. Tss ang laki naman nglalaking na ito. Pilit kong inabot yung chocolate kaya lang nanandya ata tong bwisit na ito dahil Itinaas nya pa lalo.

Napatigil ako sa pagabot ng bigla syang lumingon.

"Blake..." Lumayo ako at nagiwas ng tingin.

"Anong... Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sa kanya. Ngunit hindi nya iyon pinansin at umupo sa damuhan.

He sign something na hindi ko maintindihan.

"What?" Naguguluhang tanong ko.

"Tss umupo ka dito dali" and he gesture his hand beside him.

Umiling na lang ako. Tss no way. Bakit ko naman sya susundin diba? Kinuha ko na yung bag ko sa lapag.

Tss bahala sya sa buhay nya isaksak nya sa baga yung chocolate. Tsk bibili na lang ako ng bago.

"Hanggang ngayon matigas pa rin pala ulo mo" nagulat ako ng hatakin nya ako napasubsob ako sa katawan nya.

What the fvck? Nababaliw na ba sya. Asa park kami tapos ganito argh-- ano tingin nya sa akin tulad ng mga babae nya?

Sinamaan ko sya ng tingin at pilit na kumalas sa yakap nya. Pero mas lalo nya pang hinigpitan.

"Ano ba! Let go Blake. Let me go!" Inis kong sabi. Halos hindi ako makakilos ng iginiya nya ang ulo ko sa dibdib nya. Sh.t ang bilis ng heart beat nya.

"I miss you...bumalik ka na sa akin Yuki. Please. Akin ka na lang ulit."

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Wala na akong pakielam kung pinagtitinginan kami ng tao. Damn hindi ko na alam kung sasagot ba ako ng oo, tatango. In the end niyakap ko na lang sya pabalik at tumango.

"Sh.t yuki kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon. " iniupo nya ako at tinitigan sa mata. Pinunasan nya yung mga luha ko.

Napangiti ako. Waahhh kinikilig ako. :3

" Pasensya na kung naging gago ako. Tatanggapin ko kahit saktan mo ako, murahin mo ko. Wag mo lang akong iwan ulit. Hindi ko kaya. Mahal na mahal kita" isang halik ang ibinigay nya sa akin.

Panaginip ba to? Kung oo wag nyo na akong gisingin please.

Wala na bumigay na naman ako. Nagpakatanga. Mas pinili kong masunod yung puso ko kaysa sa sinasabi ng isip ko.

Ayoko ng isipin ang what ifs ang mahalaga mahal namin ang isa't isa.

"I love you"

~~~~~~~~~

Vote and comment :)

Ice: The Cold GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon