TDWM: Chap 13

3.2K 94 6
                                    


Timmy

" umamin ka nag date kayo ni johnny sa bahay nyo so kayo na ba? " nabigla ako sa bungad na bati sakin ni Sean. " nako nako, nung valentines pumunta ako sa bahay nyo para batiin ka kaso hindi kuna tinuloy yung pag punta dahil yung set up palang ng bahay nyo na may mga rosas na nakakalat papuntang kusina tas sa kusina may bilog na mesa sa gitna may puting mantel tas may kandila sa gitna may mga champagne medyo baduy lang yung music nyo galing sa radyo pero over all napaka sweet " aminado ako nabigla ako sa surprise na yon ni Johnny nung una ay naiinis ako dahil hindi ako sanay sa ganoong set up

pero kalaunan din ay umayos naman pero simula nung gabi ng valentines day ay hindi ko gaano kinakausap si Johnny kahit sa iisang bahay na kami nakatira at kahit sa isang kama lang kami nakahiga.


" hindi kami, at hinding hindi magiging kami " bumaba kami para umihi, sakto nakasalubong namin si Jackson ng magtama yung tingin namin sa isa't isa ay yumuko lamang ito na para bang aso na maamo.


" look, since naging savior mo si Johnny kahit number one bully dito ay natatakot sayo " tinignan ko lang ng masama si Sean, kahit naman hindi ako iniligtas ni Johnny nung araw na yon ay talagang lalabanan ko si Jackson ang problema lang nun ay baka mas mabalian ako kesa kay Jackson.

------------------------------------------------------

Johnny

kanina pa ako nandito sa hagdan pero hanggang ngayon hindi pa umaakyat si Timmy. ilang balde ba ng ihi yung binawas nya at ganoon nalang sya katagal umihi.

" sige maiwan ko na kayo " aakyat na sana kaso sakto naman ang pag akyat nila Sean at Timmy. ng tignan ko si Timmy ay iniwas nito yung tingin sakin, tama nga ako pilit nya padin akong iniiwasan since sopresahin ko sya nung valentines day.


" bakit mo ba kasi ako iniiwasan? " hinawakan ko sya sa braso pero hinampas nya lang ito at tinulak ako paalis sa dinadaanan nya pero hindi ako nagpatinag. " hindi kita papadaanin kung hindi mo sasabihin sakin " nakipag patintero lang sya sakin sa hagdan pero hindi padin sya makadaan.

" oo na sasabihin kuna pero hindi dito, sundan mo ako sa rooftop " hinawi nya yung kamay ko at naglakad paakyat, sumabay ako sakanya sa paglalakad at umakbay. nakasanayan ko na kasing akbayan sya kaso always nya ding inaalis pero ngayon suminghap lang sya at hinayaan nalang akong umakbay sakanya.

------------------------------------------------------


Timmy


 
" hindi mo ba nakikita na hindi ito normal? yung pinag gagawa mo sakin yang pag akap akap mo sakin tas kapag nakakaidlip ako hinihimas mo lahat ng parte ng katawan ko " tumawa lang sya ng malakas at lumapit sakin pero tinulak kuna sya para hindi nya matuloy yung balak nito,

" normal lang yun Timmy, dahil nga mag isa lang akong anak at ikaw din kaya iniimagine kong nakakabatang kapatid kita. ikaw ha anong iniisip mo? " umiral nanaman yung pagiging clingy nya kaya sinikmuraan ko sya.


" ganun ah! sige na alis dyan baba na ako " tinulak ko sya at naglakad paalis. sumunod naman ito at umakbay sakin dahil nauumay na ako ay hindi ko nalang ito pinansin,

The Day We've Met (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon