TDWM: Chap 4

4K 116 7
                                    

Timmy


" teka tingin ka dun Timmy sa may dulong upuan, bago ba sya dito kahapon wala naman sya dyan diba? " tinignan ko yung tinutukoy ni Sean, oo nga ngayon ko lang nakita yung lalaking iyon siguro bagong lipat ito.

" hayaan mo sya. tara pasok na tayo "  pag lakad namin ay dumaan ako dun sa gilid nung bagong lalaki. sakto pag lakad ko ay natapon yung kapeng iniinom nya kaya tumalsik iyon sa uniform ko. shit! puti pa naman yung uniform ko.


" hahaha sakto timing mo ah " aba loko loko tong lalaking to ah. imbes na mag sorry tinawanan lang ako.

" bullshit! imbes na mag sorry ka tumatawa ka pa! tignan mo nga yung ginawa mo sa uniporme ko minantsahan mo " anong problema ng lalaking to! kanina ko pa sya sinisigawan pero naka ngiti lang sya. may sapak ata to sa utak o may halong pang high yung iniinom nya,

" oo nga no, akin na hubadin mo lalabhan ko " nagulat ako ng tumayo ito at binuksan yung butones ng uniporme ko. ewan ko pero hindi agad ako nakagalaw nabuksan na nya ng tuluyan yung uniporme ko shit! tumindig lahat ng balahibo ko ng himashimasin nya yung katawan ko,


" wow may abs ka pala nice " hinampas ko ng malakas yung kamay nya, hayop na lalaking to manyak. binutones ko agad yung uniform ko. pulang pula ako sa hiya bat ba kasi hinayaan ko syang buksan yung uniform ko.

" hoy ikaw manyak " kinuwelyuhan ko sya. kahit medyo matangkad sya sa akin ay hindi ako natatakot sakanya. " ayos ayusin mo ah! kung ayaw mong makatikim sakin " kanina pa ako ng gigil nakangiti lang talaga sya habang ako konting oras nalang sasabog na sa inis.

" Timmy tama na yan parating na si Sir " napatingin ako sa labas nakikita kuna si Sir. binitawan ko tong loko lokong lalaki na to at tinignan sya ng masama.


" wag na wag kang lalapit sakin " pag papabanta ko dito pero badtrip na lalaki to nakangiti lang at parang wala lang sakanya yung galit ko!

------------------------------------------------------

Johnny


" ah ikaw nasa last row, your new student right? so please come here then introduce yourself " kaugalian na nga pala to kapag una unang araw sa paaralan. hindi ako sanay dahil isang linggo muna ang papalipasin ko bago pumasok sa dati kong school.


pagdaan ko sa kinauupuan ni Timmy, tama naman siguro yung pagkadinig ko ng pangalan nya nung tinawag sya nung isa naming kaklase. nag pamulsa ako sakto naman ang pagtama ng siko ko sa ulo ni Timmy. tinignan ko ito at ang sama ng tingin nya sakin sabay mura.


pagtayo ko sa harap ay tinignan ko lang mata sa mata si Timmy. tama nga ako sya yung nanghampas ng bato sa kotse ko, kaya yung kaninang pagtapon ng kape sinadya ko yun para makaganti pero nung nakita ko yung mata nya at buong mukha nya sa malapitan ay parang may naalala akong mukha na nag pagaan ng loob ko.



" ano ijoh makikipag titigan ka lang ba kay Timmy? " nagsigawan naman yung mga kaklase ko. habang si Timmy ay hindi makapakali sa kinauupuan nya. " class quite, sige ijoh continue " tumango ako.

" I'm Johnny Montes, nice to meet you " nagsitahimikan lahat ng kaklase ko, pati yung teacher namin ay nakatingin lang sa akin.

" ikaw ba yung kaisa isang lalaking anak ng pamilyang Montes. " sasagot sana akong oo kaso naalala ko gusto ko palang isipin na hindi ako parte ng pamilyang Montes. ayokong makilala lang dahil anak ako ng isa sa pinaka mayamang pamilya sa bansa.



" hindi po Sir. nagkataon lang siguro na kaapelyido ko sila " mukhang naniwala naman si Sir kaya pinabalik na nya ako sa upuan ko. malapit na ako sa kinauupuan ni Timmy nag pamulsa ulit ako kaso yumuko ito kaya naiwasan nya.




------------------------------------------------------

Timmy





bwiset na lalaking to ano bang problema nya, masyado syang feeling close akala nya ikinakatuwa ko yung pinag gagawa nya. kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ako naman ang gaganti sakanya



ang tagal naman ng next na klase kaya itutulog ko muna. saktong payuko na ako ng may kumalabit sakin pag tingin ko yung lalaking bwiset pala.



" ano bang problema mo? " talagang nag iinit yung dugo ko kapag nakikita sya.



" pwede ba akong maupo sa likuran mo? wala namang nakaupo oh medyo boring kasi sa likuran " pag tingin ko wala si Alex absent sya yung nakaupo dito, bumalik ako ng tingin kay Johnny pero nakangiti lang sya. parang walang sawa yung bibig nya kakangiti.



" hindi pwede absent lang yung nakaupo dyan, atsaka kahit walang nakaupo dyan bawal ka dyan dahil nabibwiset ako kapag nakikita kita kaya alis lumayo ka sakin " tinulak ko yung mukha nya dahil sobrang lapit nito sa akin.




" tch! teka nga " hinablot nito yung notebook ko sa harapan, kukunin ko sana kaso bumalik ito sa upuan nya kaya tumayo ako at sinundan sya.



" akin na nga yan " hinablot ko yung notebook ko pero hawak hawak nya padin ito at sobrang higpit ng pagkakahawak nito kaya hindi ko makuha. " bitaw! " mas nilagyan ko ng pwersa yung hatak pero sobrang higpit talaga ng pagkakahawak. hanggang sa napunit yung notebook ko,




" tignan mo! nakikipag hatakan pa kasi eh " pinulot nya yung mga pirasong papel na nahuhulog mula dun sa notebook ko at inabot ito sakin. sa sobrang inis ko kinuha ko yung notebook ko at hinagis sa mukha nya.



" alam mo bang sobrang sakit ng daliri ko simula kahapon ng ipasulat ng teacher yung tatlong page sa libro. tas dahil lang sa walang kwentang gaya mo masasayang lang yung pinag paguran ko tas bukas na yung pasahan nya! ano bang meron ka at puro pambibwiset lang ang alam mo! " dahil talagang sirang sira na yung araw ko ay kinuha kuna yung bag ko at lumabas. last subject nalang din naman kaya lalabas na ako hindi kuna maatim na makasama pa tong bwiset na lalaking to.



------------------------------------------------------



Johnny



hindi ko naman intensyon na mapunit yung notebook nya. balak ko lang namang tignan yung apelyido nya para makalipat ako sa likuran nya.


pinulot ko lahat ng mga nagsisilaglagan na pages sa notebook nya. nakunsensya ako ng todo habang pinag chinecheck ko lahat ng pages na sinulat nya. sobrang dami nga ng isinulat nya at nanatili pading maganda ang sulat nito talagang binuhasan nya ng oras ang pagsusulat nito.


Itutuloy ...

The Day We've Met (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon