TDWM: Chap 10

3.3K 101 6
                                    


Timmy

" hoy magaling ka na ba? ang arte mo kasi kagabi ayaw mo pang ihatid kita sa bahay mo " kalabit lang ng kalabit sakin si Johnny pero hindi ko sya pinapansin dahil inaantok padin ako, tinulungan ko kasi si papa sa pag aayos ng mga gulay na ititinda nya ayan tuloy anong oras na ako nakatulog,



" hoy Timmy lumabas ka nga dito " napatingin ako dun sa labas may isang malaking lalaki ang tumatawag sakin, at mukhang pamilyar sya sakin pero hindi ko maalala kung sino sya.


" Timmy wag kang lalabas sya si Jackson yung leader ng bully dito, baka mamaya bugbugin ka nila " pagbabala sa akin ni Sean, pero hindi ko sya pinakinggan at tumayo ako at dumaretsyo sa labas,

" anong problema mo " nag kantsawan lahat ng mga estudyanteng nakikiusosyo samin,


" aba tapang ng hayop na to ah, bakit mo pinabugbog tong pinsan ko " tinuro nya yung lalaking nasa likuran nya at isa sya dun sa tatlong nantrip sakin sa banyo pero wala sya kahapon dun sa nag sorry sakin sa clinic.


" tss, wala akong oras sa mga walang kwentang kagaya nyo kaya papasok na ako " papasok na sana ako kaso hinatak nya ako paharap at hawakan yung kwelyo ko, pero hindi ako nasisindak sa pinag gagawa nya.

" aba gago ka ha, gusto mong tuluyan na kita dito " ngumisi lang ako at dinuraan sya sa mukha. akma nya akong sasapakin pero nagulat nalang kami ng maunang tumama yung kamao ni Johnny sa mukha nya.

dahil hawak hawak ako ni Jackson ay nasama nya ako sa pagbagsak nito, nabigla ako nung mapatingin ako sa mukha ni Jackson duguan na ito isang sapak palang yun galing kay Johnny,

" ayos ka lang ba " inalalayan ako ni Johnny patayo, " gago ka may balak kang sirain yung mukha ni Timmy hayop ka ha! tas dinamay mo pa si Timmy sa pagbagsak mo " nangilabot ako nung makita yung mukha ni johnny na galit na galit, sobrang daming sapak ang pinaulan nya kay Jackson.

lalapit sana kaso pinigilan ako ni Sean " Timmy wag ka ng lumapit " lahat sila takot na takot dahil sa pambubugbog ni Johnny kay Jackson.


" mag sorry ka! hoy gago inuutusan kita mag sorry ka sa harap ni Timmy! " nangingilabot ako habang pinagmamasdan si Johnny, " ah ayaw mong hayop ka ha " kumuha ito ng isang kahoy na makapal at akmang ihahampas kay Jackson kaya tumakbo ako papalapit kay Johnny at niyakap ito at ilayo sya kay Jackson baka mapatay pa nya.

------------------------------------------------------

Johnny

" gago ka ba ha? muntik munang mapatay yung tao oh tas ayaw mo pang mag paawat! " kasalukuyan kaming nasa rooftop ni Timmy at bakas sa mukha nito ang pagkaalala.

" kahit bully yung hayop na yun mayaman yun at for sure ipapakick out ka nila dito. " lumapit ako sakanya at niyakap sya, " hoy bitawan mo nga ako! ano ba Johnny hindi ka nakakatawa ah bitaw! " pilit nya akong tinutulak pero hindi ko padin inaalis yung pagkakaakap ko sakanya.


" okay ka lang ba ha? hindi ka ba nasaktan, gusto mo bukas bugbugin ko ulit iyon " naramdaman ko nalang na binatukan ako ni Timmy pero mahina lang,

" halos mapatay mo na nga yung tao may balak ka nanamang bugbugin yung tao, sige na kumalas ka na medyo hindi na ako makahinga " kumalas na ako sa pagkakaakap, niyaya ko syang umupo sa tabi ko sumunod naman sya kaso medyo malayo sakin kaya hinatak ko sya. lumapit din naman sya kaya umakbay ako pero inalis nya lang pero binalik ko ulit at inalis nya ulit hanggang nagsawa sya at hinayaan nya lang na nakaakbay ako,

" mamaya inuman tayo? " pagyaya ko sakanya.



" baliw ka ba? hindi ka ba natatakot na gipitin nung pamilya nung Jackson nayon. for sure sumugod na yung pamilya nun sa guidance at ginawa na ang lahat para mapa kick out ka " napangiti naman dahil nag alala sya para sakin, kung araw araw kaya akong mambugbog  para lagi syang nag naalala sakin.



" tss. hayaan mo sya basta hindi ako makikick out dahil hindi ako papayag na malayo sayo, basta mamaya ah inuman tayo hintayin mo ako sa paliko  " dahil mukhang last day na nya sa shcool nato at kung hindi sa pagliligtas nya sakin ay malamang bugbog sarado na ako.


------------------------------------------------------


Timmy


" kanina ko pa kayo hinahanap " hingal na hingal Sean ang bumungad samin. " pinapatawag si Johnny sa guidance nandyan na kasi yung magulang ni Jackson at mukhang ang daming backup desidido silang panagutin sya sa ginawa nya kay Jackson " napatingin ako kay Johnny bat ba lagi nalang syang relax,



" o sya puntahan nako sa guidance, " nagpamulsa na itong naglakad. pero bago pa ito makababa ay tumingin muna ito sakin, yung mukha nya hindi ko talaga nababakasan ng kung anong pangamba. " mamaya ah hintayin mo ako sa paliko, mabilis lang to " kinindatan nya lang ako bago tinuloy ang paglalakad.




" uy kayo na ba " tinignan ko si Sean at binatukan ng malakas. kung ano anong kabalastugan yung pinagsasabi.



" gago! tara na at uwian na " naglakad na ako pababa pero hindi ako sinundan ni Sean kaya bumalik ako, " hoy bingi ka ba? tara na umuwi na nga tayo " nakatingin lang ito sakin at nakangiti yung bang may naiisip na kalokohan,




" gusto ka ni Johnny " tumaas lahat ng balahibo ko sa sinabi nya. ako magugustuhan ng gagong yon? ano bang natira ng kaibigan kong to.



" tignan mo ah, nung una sabi mo gutom na gutom ka at narinig nya yun bumaba sya kasama namin pero humiwalay din at dumaretsyong canteen tas nung pag akyat namin sabi mo busog ka na at inakala mo lang na ako yung nagbigay pero kilala mo ako kuripot ako at hindi kita mabibigyan ng lahat ng kinain mo at umamin sya na kanya galing yon. pangalawa nung may sakit ka? umakyat sya sa room tas tinanong kung saan lahat ng center ng mga teacher natin para daw ipagpaalam ka ni hindi makakapasok at may dala syang maraming pagkain para sayo lang, tas kanina yung over nakakakilig, nung nasa labas ka at nakita nyang gagawan ka ng masama ni Jackson talagang tumakbo sya palapit sayo. diba nga halos mapatay na nya yung tao para lang maiganti ka kahit hindi ka naman nasaktan tas gusto nya pa humingi ng tawad sayo si Jackson " kilig na kilig nyang pinapaliwanag lahat ng ginawa ni Johnny para sakin,



" at kapag nakikita ko sya nakatingin lang sya sayo tas yung mga tingin nya punong puno ng pagmamahal, shit friend magkaka love life kana " babatukan ko sana sya kaso nakatakbo na ito ng mabilis " woooo mahal ka ni Johnny mahal ka nya. " habang naglalakad ako ay napapaisip ako sa mga pinagsasabi ni Sean, parang ang imposible naman nung pinagsasabi nya , si johnny magkakagusto sakin? parang suntok sa buwan naman yung imagination nyang yun.

The Day We've Met (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon