TDWM: Chap 7

3.4K 105 8
                                    


Johnny

" tatlong sandwich tas dalawang bottled water. pati nadin yung footlong isa. sakto na kaya to? ah sige palagyan nadin ng burger siguro tama na to, ito yung bayad " inabot kuna yung bayad para sa mga pinamili ko. dahil mas mapapatagal pa ako ay hindi kuna kinuha yung sukli at tumakbo na ako pabalik ng classroom,

pagdating ko ay wala na yung mga kaklase ko pero nandun lang si Timmy at natutulog. marahan akong pumasok para hindi kuna sya maistorbo, sobrang hirap ba ng taong to at hindi kumakain bago pumasok.


dahan dahan kong inilagay sa tabi ng ulo nya yung plastic ng pagkain na pinamili ko, ayan para pag angat ng ulo nya ay makita nya agad. bago ako lumabas ay pumilas ako ng maliit na piraso ng papel at nilagyan ng " eat well " tss napaka bakla pero hayaan muna, ipinasok ko iyon sa loob ng plastic.


------------------------------------------------------

Timmy

hindi ko alam kung niloloko ako ng naamoy ko pero may naamoy akong masasarap na pagkain kaya madali kong inangat yung ulo ko at totoo nga may isang plastic na makakain.

" shit mahal na mahal talaga ako ni Sean, pero alam ko kuripot yon? hahaha hayaan muna nga basta tsibugan na " kinuha ko lahat ng laman nun at sinimulan ng kainin lahat iyon. sa isang kamay sandwich sa kabila naman ay burger, grabe napaka galante ngayon ng best friend ko at may pa tubig pa para nga naman kapag nabulunan ako,

--


" wooooo heaven " sa wakas ay nabusog na ang mga alaga ko sa tiyan, tumayo ako at nag inat inat feeling ko gusto kong gumanti ah, ano kayang magandang pang ganti dun sa mokong nayun? ay alam kuna.


------------------------------------------------------

Johnny

pag akyat namin sa room ay napatingin agad ako kay Timmy, wala na yung plastic so naubos nya pala lahat, sana naman nabusog sya baka kasi mala halimaw yung alaga nya sa tiyan at sa mga yun ay hindi pa sumapat.


" Timmy oh sorry yan lang kayo kong ibigay sayo, " inabutan ni Sean ng maliit na chichirya si Timmy.

" teka diba binigyan mo na ako ng isang plastic na makakain? " takang tanong ko, pinag masdan ko lang si Timmy habang nagsasalita. gusto kong matawa dahil naiinis na sya kakapilit kay Sean na ito yung nagbigay ng makakain nya.

" kung hindi ikaw? sino nagbigay nun? " tinulak ko yung mesa ko para gumalaw yung upuan nito, sabay naman silang napatingin sa akin.

" ako ang nagbigay. mukha ka kasing mag co-collapse na, baka mamaya himatayin ka pa dyan ma perwisyo pa ako " sinamaan lang nya ako ng tingin.

" dat sinabi mong sayo galing yun para hindi ko kinain baka mamaya nilagyan mo pa ng lason, " napangisi nalang ako sa sinabi nya. sya na nga lang tong pinagmalasakitan.

" bat kaya hindi ka nalang magpasalamat, shit ano to " sakto ng pagtayo ko sumunod sa pwetan ko yung inuupuan ko, lahat ng mga kaklase ko ay nagtawanan. tinignan ko si Timmy at mukhang sya ang may kagagawan nito.


" ganyan ako magpasalamat " tumalikod ito sakin at tawa ng tawa.


" sige tawa pa kayo, ng makatikim kayo sakin " natigil naman ang pagtawa nila. shit for sure permanent glue yung nilagay nya dito, binalik ko sa pwesto yung upuan ko at pilit na hinahatak yung pantalon ko sa pag kakadikit sa upuan kaso ayaw talaga. tinulak ko yung mesa para mapagalaw yung upuan ni Timmy. tumingin ito sakin ng masama " walang anuman " tumingin lang ito sa harap.

------------------------------------------------------

Timmy

sa wakas na kaganti na ako kay Johnny pero kulang pa yang permanent glue na yan. asahan nya pa yung mga parating na ganti ko dahil mas pag iisipan ko pa ng husto.

" good morning class " shit English subject na pala namin, yumuko nalang ako dahil for sure papagalitan lang ako dahil sa hindi pag pasa ng notebook, kapag napagilatan naman ako ni Mam isusumbong ko si Johnny sasabihin ko kasalanan nya kung bakit hindi ako nakapag pasa.


" I want to say I'm so happy at lahat kayo nagpasa ng notebook at ginawa ang aking pinasulat na three pages. pero Timmy " napatayo ako at tinuro ko si Johnny na busy padin sa paghatak sa pants nya na nakadikit sa upuan.


" Mam kasalanan po ni Johnny kung bakit hindi ako nakapag pasa, nakikipag hatakan po kasi sya sakin nung notebook hanggang sa napunit " bakas sa mukha ni Mam ang pagkataka at hindi galit dahil sa sinabi ko,


" no ijoh, anong pinagsasabi mo actually I want to say I'm proud of you dahil sa pagpapadala mo kay Johnny ng notebook mo, ikaw ang pinaka maagang nakapag pasa ng notebook " teka nabibingi ba ako sa pinagsasabi ni Mam? napatingin ako kay Johnny ang sama lang ng tingin nito sakin.


" Mam may I go out " pagpapaalam ni Johnny, pumayag naman si Mam tumayo ito at nagtawanan nanaman ang buong klase dahil kasabay ng pagtayo nito yung upuan nya na nakadikit sa upuan. wala itong pakiealam at naglakad lang ito dare daretsyo,

" Mam kasalanan ko po iyon, susundan ko lang po si Johnny " tumango lang si Mam, kaya madali akong sumunod kay Johnny pero ang bilis naman nyang maglakad wala na agad sya.

------------------------------------------------------

Johnny


lahat ng nakakasalubong ko ay tinatawanan ako kaya tinitignan ko lang sila ng masama at tumitigil naman sila. gusto nyang makipag laro sakin sige pag bibigyan ko sya,

pumunta akong banyo magpapalit nalang ako ng pang p.e na uniform, pagpasok ko may tatlong estudyante na may kinakabit sa taas ng pintuan ng banyo. napatingin silang lahat sakin at may balak silang tumawa kaya sinamaan ko sila ng tingin mukhang natakot naman kaya binalik nalang nila yung atensyon nila sa ginagawa nila sa pintuan ng banyo.



nagmadali akong nagbihis. iiwan ko nalang tong upuan na to dito baka mamaya dumikit nanaman tong pants ko at wala na akong pamalit. sakto paglabas ko ay pinigilan ako ng tatlong kulugo sa paglabas.




" teka lang pare mamaya ka na lumabas. may experiment lang kami " sabay tawa nito, may nakapatong na balde sa taas ng pinto at kapag bumukas ito ay bubuhos ito sa taong nagbukas nito.




" ano namang nilagay nyo sa balde nayon " sino kayang malalaglagan ng baldeng iyon,



" tubig lang pero may yelo para exciting " natawa nalang ako, nakarinig kami ng mga yapak ng isang tumatakbo na papunta dito kaya umatras kami ng bahagya baka daw matalsikan kami,



" Johnny " shit bat sya sumunod dito. saktong sakto ang lahat ng laman ng balde sa buong katawan ni Timmy, nagsimula ng magtawanan yung mga kasama ko sa banyo. habang si Timmy ay masama ang tingin sakin at nanginginig. " gago kayo, lalo kana Johnny gago ka " tumakbo paalis si Timmy.




" tang ina si Timmy pa pinagtripan nyo. pati tuloy ako nadamay! mga tarantado " nagulat sila ng isa isa ko silang pinagsasapak. ng masigurado kong hindi sila agad makakatayo ay sinundan kuna si Timmy.

The Day We've Met (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon