TDWM: Chap 12

3.3K 102 5
                                    


Johnny


" tss galing mo ding umarte! umuwi ka na nga sainyo atsaka wag kang yumakap sakin at nakakairita " kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Timmy. at mag kasama kami sa iisang kama medyo maliit lang pero okay iyon para may chance akong maakap sya.


" wala akong kasama sa bahay kaya dito nalang muna ako, " mukhang tamad na syang makipag pilitan kaya hinayaan nya nalang ako dito sa kwarto nya,


" umamin ka, anong ginawa mo kanina sa guidance office at hindi ka pina kick out ng pamilya ni Jackson " hindi ko lang pinansin yung tanong nya at yumakap lang sakanya pero tinulak nya lang ako. " isa pa johnny nakakaasar na " hinimas himas ko na lang yung kamay nyang nakapatong sa kanyang tiyan.

" hindi mo naman siguro iniisip na binenta ko yung katawan ko kanina sa guidance office " natawa ito ng bahagya, " uyyy tumawa sya napangiti ko sya " pinag aakap ko sya kaso puro sapok sa ulo yung natanggap ko kaya hinimas himas ko nalang yung kamay nya kahit ayaw pa nya.



" seryoso nga! umamin ka nga sakin ikaw ba yung anak ng pamilyang Montes? " tumingin ito mata sa mata, talagang gusto nyang malaman kaya umoo nalang ako " tss sabi ko na nga ba " lumapit ako sakanya at umakap pero inalis nya ulit iyon, bat ba hindi ako makaisa sa taong to.



" paano mo nalaman ha? " napag isip isip ko na din sanang sabihin sakanya yung totoo baka kasi kapag sa iba pa pang mangaling magalit pa sya kaso wala na alam nadin pala nya.




" nakita ko lang nung isang araw nung pauwi ako sa dyaryo naka front page kasi tas ang nakalagay don na naglayas daw yung anak ni Mr Montes tas nandun yung picture mo, ang pangit mo nga dun " bigla syang tumawa ng malakas,



" ah pangit pala ah! " tumayo ako at naupo sa tiyan ah pinagkikiliti sya. mukhang nahanap ko naman yung kiliti nya sa leeg at sa kili kili. kaya tinodo ko yung pagkiliti sakanya hanggang sa mangiyak ngiyak na sya.



" tama na! " tinuhod nya yung likuran ko kaya bigla ako natumba sa katawan nya. muntikan na sanang magtama yung lips namin kaso naiiwas nya agad. " matulog ka na nga! " itinulak ako nito hanggang sa masiksik ako sa may pader.



" galit ka ba kasi nag sinungaling ako nung tinanong ako ni Sir kung anak ako ng isang Montes " tumalikod lang sakin ito at hindi ako pinansin, " oy humarap ka nga dito " hinatak ko yung balikat nya at iharap sakin kaso tumalikod lang ulit ito sakin. " oy dito ka humarap masamang tinatalikuran yung katabi mo sa kama " pinaharap ko ulit sya pero umikot ulit ito.




" galit ka ba sa mga mayayaman? " suminghap ito at humarap sa kisame, inakbayan ko ito pero inalis nya lang.


" wala akong oras para magalit sa mayaman, nakakatamad manira ng mga kotse nila isa isa sa dami ba naman ng mayayaman sa mundo uubusin ko pa ba ang oras ko para magalit sakanila? " lumapit ako sakanya at yumakap mukhang seryoso sya sa topic nya kaya hindi nya ako inalis sa pag kakaakap.




------------------------------------------------------



Timmy

The Day We've Met (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon