habang naliligo ako ay hindi maalis sa isipan ko yung itsura ni Timmy, always akong nantitrip nang iinis namimisikal pero never akong nakunsensya sa mga pinag gagawa ko pero kanina kay Timmy kahit hindi ako yung may kagagawan nung nabuhusan sya ng malamig na tubig, talagang naawa ako sakanya.


" babe faster naman, " paglabas ko ng banyo ay nakaligpit na yung mga gamit ko,


" nasan yung mga gamit ko " kinuha ko yung bag na nakalapag at nandun yung mga damit ko, madali ko itong nilabas at binalik  sa cabinet ko.

" babe! I won't let you suffer in this kind of place. kaya your going with me, sa hotel tayo or sa condo ko but not in this place " pilit nyang binabalik yung mga gamit ko sa bag nya pero sinapak ko ng malakas yung cabinet para tigilan na nya yung pangungulit.

 

" do you think if I'm suffering in this kind of place tatagal ako dito at hindi ako hihingi ng tulong sayo? maris you know everything about me at yung ayaw ko ay yung makukulit kaya kung ayaw mong mag away tayo, tigilan mo ako please " natakot naman sya kaya lumayo lang ito at hinayaan akong ibalik lahat ng damit ko,


" okay fine. if you want to live here then I will deal with it " lumapit ito sakin at hinimas himas yung buong katawan ko, pero dahil pagod ako ay inalis ko lang yung kamay nya at nahiga. " what the hell Johnny! ngayon lang ako nagyaya dahil ikaw tong laging sabik sakin then ngayon irereject mo ako! " tumayo ako at tinignan sya ng masama.

" ako lang ang nagyaya pero ikaw ang unang nagpapakita ng motibo satin Maris. kung tatalakan mo lang ako please umalis ka nalang at wala ako sa mood " kinuha nito yung bag nya at pinabaunan pa ako ng isang malakas na sampal,

" I hate you! " padabog itong lumabas sa kwarto ko, tss may kotse naman siguro sya kaya nya na sarili nya, bumalik na ako sa pagkakahiga


------------------------------------------------------

Timmy

kelan pa kami nag ka aircon bat sobrang lamig naman, pagkatayo ko ay nakaramdam ako ng panlalambot. shit nagkasakit ata ako dahil dun sa malamig na tubig na binuhos sakin ng mga kasamahan ni Johnny.

" anak pulang pula ka? " naupo ako sa lamesa at nagsimula ng kumain ng almusal habang si papa ay pinagtitimplahan ako ng kape, " may lagnat ka, papasok ka pa ba " tumango tango lang ako, pumunta si papa sa may kwarto nya at paglabas nito ay inabot nya sakin yung gamot.

" salamat, sige pa maliligo na muna ako " tumayo ako kahit medyo nanghihina ako pero hindi ko pinakita iyon kay papa dahil pipilitin nya lang akong umabsent kapag ganoon,


------------------------------------------------------

Johnny

antok na antok ako habang naglalakad papunta sa building. habang paakyat na ako ay may naririnig akong nagbubulungan sa likuran ko kaya napatingin ako,




" takbo " sila yung tatlong ugok na binugbog ko sa banyo kahapon,




" bumalik kayo dito. pag hindi kayo bumalik dito hahunting ko kayo isa isa at bubugbugin ko ulit kayo, balik! " dahil masunurin sila ay nanginginig silang lumapit sakin, natawa ako dahil sa mga band aid sa mga mukha nila.




" kayong tatlong ugok ang dahilan kung bakit lalo akong kinamumuhian ni Timmy, " nilock ko sa kamay ko yung leeg nung isa habang yung dalawa naman ay nakayuko lamang. " alam nyo bang binayagan nya ako kagabi dahil sa pang titrip nyo " kinutusan ko naman yung dalawang natitira habang mas hinihigpitan ko yung pagkakalock ng leeg nung isa sa mga kamay ko.




" sorry na boss " sabay sabay nilang sabi. sakto namang natanaw ng paningin ko si Timmy na papasok na ng gate,




" para maabswelto kayo sa kagaguhan nyo kahapon, gusto ko lumuhod kayo sakanya " sabay turo kay Timmy sabay sabay naman nila itong tinignan, " at gusto ko mag makaawa kayong tatlong na patawarin kayo, lahat gawin nyo para mapatawad nya kayo kung hindi aba lagot kayo sakin " pinagsisipa ko sila sa pwet para simulan na yung pinauutos ko,

------------------------------------------------------



Timmy




" patawarin nyo na kami boss. sorry na po "

 
" patawad na boss sorry talaga sorry "



" patawarin muna kami, gagawin namin lahat basta mapatawad mo lang kami mahal pa namin yung buhay namin "



hiyang hiya ako sa ginagawa ng tatlong ugok na to, lumuhod ba naman sa harap ko tas pinaghahalikan yung sapatos ko kaya tuloy hakot namin lahat ang atensyon.



" oo na basta tantanan nyo na ako at wag na kayong magpapakita sakin " madali silang tumayo at tumakbo, sa wakas wala na yung tatlong ugok kaya nagmadali na akong maglakad dahil may nasipat yung paningin ko na panira ng araw.


Itutuloy ...

The Day We've Met (BoyxBoy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now