------------------------------------------------------

Timmy

 

 

" oh anak bat ganyan ang mukha mo para kang pinagsakluban ng langit at lupa " naabutan ko si papang inaayos ang hapag kainan. dahil sirang sira na ang araw ko ay hindi na muna ako kakain at itutulog ko nalang to inis ko sa lalaking yon,

" matutulog na po ako " dumaretsyo ako sa maliit kong kwarto at nilock iyon para hindi na makapasok si papa, sigurado kasi akong susundan nya ako at tatanungin kung anong problema.


saktong patulog ako ay naalala ko yung mga nangyari sa school, bat ba may ganoong tao na intensyon lang ay bwisitan ka. tumayo ako at kinuha yung bag ko isusulat ko nalang ulit yung napunit na parts kaso bakit wala dito sa bag ko yung notebook,

nasapo ko yung ulo ko, oo nga pala hawak nung Johnny nayun yung notebook ko nung nag walk out ako. kaasar naman for sure tinapon na nya yun. kung isusulat ko sa ibang notebook wala na akong extrang notebook atsaka naisauli ko na sa library yung librong pinagkopyahan ko non. uggghh bat ba ang malas ng buhay ko ng dumating yung lalaking yon! makatulog na nga lang hindi naman gaano kahalaga yung pinasulat ni Mam nayun for sure hindi ko ikakabagsak yun.

------------------------------------------------------


Johnny


" hi johnny " kasalukuyan kong kaharap ngayon si Timmy, ibang iba sya ngayon nakangiti lang sya sakin at walang bakas ng galit medyo weird dahil inis na inis sya sakin pero ngayon sa itsura nya ay parang natutuwa sya na nakita nya ako?


" oh mukhang hindi ka ata galit sakin? " marahan itong lumalapit sa akin and still nakangiti padin sya.


" ako galit sayo? ano kaba hindi ko naman kayang magalit sa taong gusto ko " bumilis yung tibok ng puso ko ng sabihin nyang gusto nya ako totoo ba tong nangyayaring to?

" ako gusto mo? " pagkaklaro ko baka kasi mamaya nabingi lang pala ako.


" oo, sa katunayan nga mahal na kita nung una palang kitang nakilala " shit, bat ganun imbes na mandiri ako dahil isang lalaki nag coconfess sakin ng feelings eh parang gusto pa iyon ng pandinig ko, " eh ako ba gusto mo? " tuluyan na itong nakalapit sa akin. may kakaiba sa mga tingin nya na nagpapatunaw sakin kapag pinagmamasdan nya ako.

" ah ano kasi timmy " shit bat ako nauutal sa harap ng isang lalaki? ano bang nagyayari sakin.


" mahal mo ba ako o hindi? tatanggapin ko kung anong sagot mo kung oo tayo na pero kung hindi okay lang lalayo na ako sa- - " hindi ko sya pinatapos magsalita, hinawakan ko ang kamay nito. yung isa ko namang kamay ay pinag himas ko sa malambot nyang pisngi.


" wag kang lalayo sakin, kasi oo gusto kita gustong gusto kaya sana tayo na " ngumiti ito, sobrang ganda ng mga labi nya pero mas maganda kung matitikman ko yang labi nayan, kaya marahan akong lumapit sakanya upang mahalikan sya.


" bullshit!!! " bigla akong napabaligkwas sa kama ng may tila nalaglag na bagay mula sa labas.

" ijoh pasensya na natumba yung bike ko " sigaw ng aking kapitbahay. sumagot lang ako ng ayos lang,

panaginip lang pala pero parang totoo at saka bakit ganun sa lahat ba naman ng mapapanaginipan ko pa si Timmy pa at nag confess pa sya sa akin ng feeling? at ang mas matindi pa doon ay umamin din akong may gusto ako sakanya,

shit bat nung pumasok sa isip ko yung may gusto ako sakanya ay ang bilis ng tibok ng puso ko? may gusto ba ako sa lalaking yun? uggghh dibale na nga ito ang napapala ng hindi naliligo bago matulog. tumayo ako at kumuha ng damit ng may pumasok sa isip ko.

oo nga pala nasa akin yung notebook ni Timmy na napunit ko, madali kong kinuha iyon pati nadin yung mga napilas na pages. marami rami ito,


" alam mo bang sobrang sakit ng daliri ko simula kahapon ng ipasulat ng teacher yung tatlong page sa libro. tas dahil lang sa walang kwentang gaya mo masasayang lang yung pinag paguran ko tas bukas na yung pasahan nya! ano bang meron ka at puro pambibwiset lang ang alam mo! "



kinuha ko yung extra kong notebook at nilagyan ng pangalan ni Timmy at apelyido. dahil nakatulog naman ako ay tatapusin ko ito. umupo ako sa study table ko at nagsimula ng magsulat, medyo pangit yung sulat ko hindi kagaya ng sulat ni Timmy pero hayaan muna basta may maipasa lang sya bukas pagtitiisan na nya yung sulat ko.

The Day We've Met (BoyxBoy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now