"Edi anong tawag dito? Edi date! Friendly date nga lang haha" totoo naman eh! Diba? diba?

"Hay nako ewan ko sayo! Bahala ka dyan!" ang weird talaga paminsan nung babaeng yun. Hays

Pagkatapos naming kumain. Pumunta na sya dun sa bakeshop nila habang ako naglilibot libot muna dito sa SM wala akong magawa eh huhuhu. Wala akong kasama huhuhuhu. Okay, ang drama ko.

Nang napadpad ako sa labas ng mall. Sana pala nagstay muna ako sa loob! Inet! Jusko po! Bakit ba ang init init dito sa Pilipinas?

Umupo muna ako sa isang upuan dito sa may labas ng isang restaurant nang bigla akong may nakitang isang pamilyar na babae. Napangiti naman ako at nilapitan na sya..

"Miss pwede bang makiupo"

"No"

Boom hahaha. Well eh sa napakabait ko ayun hindi ko sinunod ang gusto nya. Bakit ba? Hindi sa lahat ng oras sya yung nasusunod noh!

"I said no,righ--" napatigil sya nung nakita na nya ako ng tuluyan eh kasi ba naman hindi muna nya ako tingnan bago nya akong sabihan ng NO! "Oh it's you. No wonder you didn't follow what I've said"

"Hehe" napakamot naman ako sa batok ko, "Asan nga pala kasama mo?"

"Why do you care" pataray na sabi niya. 

Uminom muna sya ng juice bago bumalik sa phone nya. Ano kayang ginagawa neto? Napakaserious! Nagtatagpo na nga yung mga kilay eh.

Tapos makita kita mo oh! Naglalaro lang pala. Leche pati ba naman sa laro napaseryoso nya, ngumiti ba ito kahit one whole day man lang na walang kunot noo na kasama?

"So where's cherry?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa phone niya. 

Kumunot naman yung noo ko. At kailan pa toh naging curious kung nasan si Cherry?

"Wala. May ginagawa" simpleng sabi ko sabay sandal sa inuupan ko. 

Tumingala siya para tignan ako habang nakakunot pa rin yung noo niya, "And you didn't even go and follow her? How could you, What kind a boyfriend are you?"

"Boyfriend?" nalilitong tanong ko. 

"Well.... Yeah. She's your girlfriend right? And You're she's boyfriend. Right?"

"PFFT HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Wala akong masagot sakanya kundi tawa ko ng malakas. Grabe hahaha ayoko na! Jusko po! HAHAHAHAHA

Girlfriend ko daw ang bestfriend ko? HAHAHAHAHA. Mapapautot ako nito kakatawa eh!

"Putek! At bakit mo naman yun nasabi? Hahahah" medyo napamura pa ako dahil sa sinabi niya. At seryoso pa siya doon ah. 

"Why? Is it true, right?"

"No, ofcourse! Hahahahahaha. Bestfriend ko yun eh!"

"Then why did you said you two are dating earlier?"

"Bakit hindi ba? Hindi porket sinabing date eh ibigsabihin magsyota o may gusto na sila sa isa't isa noh. Hindi ba pwedeng friendly date yun?" tumigil na akong kakatawa. 

"Ohh okay" sabi nya at bumalik sa cellphone nya pero ngayon nakangiti na. Ano nangyari dito? Kanina nakakunot ang noo ngayon ang lapad ng ngiti? Tinotopak nanaman ang boss ko jusko!

Sabagay palagi naman tong may topak eh. Hindi mo alam kung anong gustong mangyari.

"Anyway, I have to go" sabi nya sabay tayo at soot ng sunglasses nya at naglakad na palayo

Sige sanay naman ako iniiwan eh Hahahahah de joke lang. Masundan ko nga si boss, para may mapagtripan ako. 

"So san tayo pupunta?" sabi ko habang chill lang na naglalakad kasabay nya.

Nung narinig naman nya yung boses ko agad syang napalingon at bumaba ng konti yung sunglasses nya

"Excuse me?" arte talaga netong babaeng toh.

"Sama ako sayo" simple kong sabi. Nakita ko sa peripheral view ko na tinaasan nya ako ng kilay.

"K. Fine. Whatever" Lumapad naman yung ngiti ko sa sinabi nya.

Pinahaba pa nya, pwede din namang 'Sige' or 'Sure'. 3 words pa sinabi nya. Teka.. 3 words? Aba itong boss ko napapaghalataan ko na ah! Haha, 3 word meaning I love you haha.

Tumingin ako kay Vanessa na may ngiti. 

I love you too!

Para akong baliw dito. Hay, Kiel. Pero para naman akong body guard dito, asa likod ba naman nya ako! Tss.

Pumunta nga ako sa tabi niya kaya napatingin siya saakin at nginitian ko nalang siya. 

"Back" tsaka mas nauna ng naglakas saakin. 

Later

Nakakainis naman sya oh! Ayaw akong pakawalan! Jusko!

Alam nyo bang andito lang ako sa isang bench dito sa loob ng FOREVER21 habang sya namimili ng damit. Ayaw ba naman nyang magpatulong. Tss? Eh ano bang pakinabang ko dito? Tagabantay nya lang? Tss boring naman!

Pag si Cherry ang kasama ko, paniguradong ako pa ang mamimili sakanya. Hays.

"Hey Vanessa!" tawag ko sakanya at andaming tumingin. Pucha! Sila ba si Vanessa? may mas feeler pa pala saakin.

Omyg ang gawapo ng lalaki oh!

Chill may gf na ata

Hindi ata! Hindi nya tinawag na babe,baby,hon and whatsoever

Single pa si koya. Yay!

HAHAHAHAHAHA chill girls! Isa isa lang hahaha de joke. Mapuntahan ko na nga si Vanessa at nginitian ko nalang sila. Baka mapano na ako dun maya maya lang dahil sa mga titig kung titig saakin. Gusto ko pang mabuhay noh!

"What are you doing here? I told you to stay right there, right?" Highblood nanaman po si ateng haha. Hindi ko sya pinakinggan at kinuha yung damit na nasa kamay nya "HEY! WH--"

"Shhh..." sabi ko at napadpad yung finger ko sa bibig nya para tumahimik nalang. Tiningnan ko yung dress na napili nya at sya "Wala kang taste"

"Oh pleas---"

"Shh.." natatawa na yung mga nakapaligid saamin. Yung babaeng kasi toh ang sama sama ng tingin akala mo kung anong ginawa kong masama. Pasalamat nga syang may Kiel na tumutulong sakanya eh. "Tara" sabi ko at magsasalita na sana sya pero bigla ko syang hinatak.

Lumakad kami papunta dun sa mga grupo ng mga dress. Tiningnan tingnan ko isa isa. Tapos kumuha ng nagustuhan ko at bumalik ulit sakanya.

Tiningnan ko yung dress at sya. Perfect. Simple but elegant.

"Oh sukatin mo" tiningnan lang nya ako ng masama pero kinuha nya rin yung damit pero bago sya umalis, "Sandali" pinabalik ko sya papunta saakin at ang babae parang batang padabog na lumapit.

"What?" iritang tanong niya.  

Aish! Pagkalapit nya saakin agad kong hinawakan yung halos magkadikit ng mga eyebrows "Chill ka lang" sabi ko sabay halik sa noo nya ng sandali at ngumiti bago sya umalis papuntang fitting room.

Confirm! Wala na nga akong pagasa kay mister pogi!

Pero infairness ah bagay sila

Maganda at gwapo

Ano ba toh? Poket hinalikan ko lang sa noo, kami na agad?

Pero bakit ko nga pala yun ginawa?

Siguro ayaw ko lang sya nakikitang ganun. Mas gusto ko yung nakita ko nung nagpunta sya saamin. Yung Vanessang nakangiti

Ano kayang hinithit nya nun? Hahah para palagi ko nalang ipapahithit yun sakanya

°°°°°

She's my brat boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now