EIGHT STRUGGLE: A Servant, A Friend, A Father

6.9K 105 3
                                    

"Sapat na ang ulan para magsalita para sa akin."
◆ⓢⓘⓝⓒⓔⓡⓘⓣⓨ◆

_____________________

      Twenty-four years of living, can I say that my life is worth it?

No.

There's too many things I still don't know; about my self, about others, madami pa akong kailangan matutunan. Twenty-four years is not enough. I still haven't found my own hapiness yet. There's still many things I want to do, I still have a bunch of dreams I haven't done yet.

I don't want to die yet.

I can't die here.

I waited till I could sense that I loose all of my sanity, but nothing happened,

Normal ang paghinga ko, at ramdam ko buhay pa din ako.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko na sana hindi ko na lang idinilat at nagpanggap na lang na walang malay.

Isang pamilyar na pares ng kamay ang nakayakap ng mahigpit sa akin at pamilyar na amoy na bumabalot sa ilong ko. Pamilyar na katawan na nakadikit sa akin. "...Sincerity... A-ayos ka lang...ba?" Pamilyar na boses na nagsalita malapit sa tainga ko.

Nanatili lang akong tulala sa kawalan habang ramdam ang pagbigat ng hininga niya. Hindi... Hindi pwede.

"...S-sincerity...?" Tawag niya ulit sa akin nang hindi ko siya sinagot. 'Wag, please, wag ka nang magsalita.

Unti-unti kong iniangat ang mga kamay ko at ipinatong sa kaniyang likod hanggang sa kumapit ako ng mahigpit sa damitan niya dahil sa likidong dumikit na din sa kamay ko at kasabay nun ay ang pagtulo ng luha ko.

"B...buti naman...at ayos ka lang..." Sabi ng butler ko at para bang nakahinga ng maluwag.

Gusto ko siyang sabihan na 'wag nang magsalita pa, pero kahit anong gawin ko, hikbi at luha lang ang lumalabas sa akin. Bakit? Bakit nangyayari 'to ngayon?! Bakit siya nandito?

Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng kamay niya sa likuran ko habang umiiyak ako. "S-ssh... Don't...cry..." Sabi niya kahit na hirap na hirap na siya. Pero imbis na tumahan ako, lalo lang lumakas ang iyak ko. "T-tatay..." Sambit ko. Tatay ang tawag ko sa kaniya kapag wala sa trabaho. Wala na akong magulang at siya ang nagpalaki sa akin.

Unti-unting bumigat ang katawan niya at naramdaman ko ang ang pagbitaw ng mga kamay niya sa likod ko kaya mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit. Nang lalo siyang bumigat, inihiga ko siya at hinaplos ang kaniyang mukha habang pumapatak sa pisngi niya ang mga luha ko.

Pilit niyang inangat ang kamay niya para punasan ang mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak. "Don't...cry..." Sabi niya ulit. Parang sa bawat salitang sinasabi niya, ay ang pag-alis ng natitirang buhay sa kaniya.

(You can play the video in the media section for this part.)

"Please... 'Wag ka ng magsalita..!" Sa wakas ay nasabi ko din ang mga salitang kanina ko pa gustong saabihin. "Scold me later, I'll get you out of here." Sabi ko habang kinukuha ang phone ko gamit ang nanginginig kong kamay na may bahid ng dugo.

Hinawakan ako ng nanghihina niyang mga kamay para pigilan ako. "I... I won't...make it..." Katwuiran niya.

"No! Don't say that!" Sigaw ko. "You'll make it! You hear me? You'll make it!" Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

"Just...remember..." Nagsalita ulit siya.

"Don't talk!" I cried.

"I... I'm sorry....for not telling you...about your parents..." Pagpapatuloy niya.

Keeping You Until The End (Completed) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon