I stayed awake talaga habang nakikinig ng songs sa mp3 ko dahil ninanamnam ko ang moment na yun. Si toni naman sumandal siya sakin at natulog. Napansin ko si hanna parang iritable habang nagtetext. Baka katext nya ang bf nya.

Pagkatapos ng ilang oras sumandal siya upuan at nakatulog. Alam ko tulog na siya dahil kilala ko siya pag natutulog. Inalis ko sa pagkakasandal si toni saakin at tinitigan ko siya. Ang lalim ng mata nya ngayon. Hay. Hindi marunong mag alaga. Tinignan ko ang lips nya. Miss na miss ko na ang mga ito. Shit. Nalilito na naman ako. Parang gusto na ulit siyang makasama. Mga isang oras pa ng byahe hindi parin ako natutulog. Hindi ko talaga palalagpasin ang moment na to. Ngawit na yata si Hanna kaya bigla siyang sumandal sa akin. Lalo pa ako nalito ngayon. Pero tulog na tulog siya eh. Kumapit siya sa arm ko at niyakap nya ito. Parang yung set upo namin pah nakahiga sa kama. Siniksik nya ang mukha nya sa leeg ko at naramdaman ko ang init ng hininga nya.

Oh shoot. Weakness ko to. Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko.

Biglang nagising si toni at napatingin saakin.

Bumulong siya. Wow. Kayo na ulit? Pasalamat ka saakin! Sabi nya.

Manahimik ka nga dyan. Tulog siya. Bigla siyang sumandal saakin.

Bakit hindi mo tanggalin? Tanong nya

Eh kawawa naman eh nangawit na.! Palusot ko.

Hahaha. Nako shane style mo B.!  Makabalik na nga sa dreamland! Sabi nya tapos natulog na ulit.

Pagkatapas ng 30 mins narinig ko siyang humilik. Malalim na talaga ang tulog nya. Parang ngayon lang nakatulog. Mukha siyang pagod eh. Malamig ang aircon sa bus kaya kinuha ko dahan dahan yung jacket ko sa bag at ibinalot sakanya.

Grabeng pahirap to saakin lord. Hay! Nung malapit na kame nagsipaggisingan na. Nagising din siya at gulat na gulat.

Hmm! sorry.. thank you sabi nya saakin sabay iwas ng tingin saakin. Umayos siya ng upo.

Hiramin mo muna yan sabi ko sakanya sabay turo ng jacket ko. Alam ko kasi lamigin siya.

Thank you. Yun lang and sagot nya saakin.

Nung nakarating na kame sa lugar natuwa ako sa nakita ko. Ang beach nasa likod ng building na to. Na parang motel ang design. Tumakbo si toni at kinausap ang president ng club. Alam ko my gusto kasanya yung lalakeng yun eh.

Ano na naman kaya ang balak nya?

Pero nagustuhan ko talaga yung kanina. Salamat sakanya. That means a lot saakin.

Lumapit si Toni saakin si hanna hinanap ko nasa likod ng bus. May kausap sa phone.

Uy tol may surprise ako sayo. Hintayin mo iannounce yung name natin. Haha. Sabi nya.

At baket? Tanong ko.

Basta trust me magugustuhan mo. Hehe sabi nya saakin.

Nagsalita na yung president.

Hinati na ang groups at kung saan magroroom. Hinintay ko ang name namen.

Room M. Shane, Maritoni at hanna alexandra.

Napangiti ako at napayakap kay Toni. Ang galing mo.Salamat ah? Haha

Oh. Akala ko bang wala na? Ngayon buking ka! Hahaha. Sagot ni toni.

napatingin ako kay hanna at nakatingin pala siya saamin.

Buhat namin ang mga gamit namin at pumasok sa room. Isa lang kama, my sofa at tv. Sa sofa nalang ako mamaya.

Mas masaya sana pag kame lang ni hanna dalawa haha. Pero hindi pwede tatluhan kasi. At hiya naman ako sa kaibigan kong gumagawa ng paraan.

Pumasok na sila sa kwarto at nag ayos ng gamit.

Tapos lumabas na kami para kumain sabay sabay ng mga kaorg. Kumain na din napansin ko si hana hindi pa kumukuha ng pag kain. Kahit naman wala na kame concern parin ako sakanya. Kumuha ako ng pinggan at  pinuno ko ng ulam at kanin. Buffet kasi kaya ikaw bahala kumuha ng food. Pinahanda na nila bago pa kame dumating

Lumapit ako sakanya.

Ehem. Pumapayat ka ata. Kain ka na oh. Sabay abot nung pagkain. Kinuha ko rin siya ng pepsi.

Thanks sabi nya. At binawasan nya yung pagkain. Kaso pansin ko parang wala talaga siyang gana. Panay ang inom nya ng softdrinks para malunok yung kinakain nya.

Hmm. Hindi ka ganyan kumain diba? Sabi ko.

Tumigil siyang kumain at tinignan nya ako ng masama.

Pwede ba tama na! Alam ko naman hindi ka concern! Puro ka paasa! Sabi nya at lumayo.

Nabigla ako. Aba ako pa ang paasa pala. Siya nga ang nang iwan bakit and dating ako ang may kasalanan?!

Sinundan ko siya ng tingin. Pumunta siya sa likod ng bus at nakita kong nagsindi siya ng yosi.

Hay.. wala eh. Wala na talaga si hanna ko. Iba na siya. :( nakakasama ng loob ako na nga ang lumalapit sakanya.

Pagkatapos namin kumain naghanda na kami sa seminar.

Nakinig lang naman ako. Wala ako sa mood makijoin sa mga palaro nila. Kaya pumupunta ako sa sulok. Hindi ko mapigilan pansinin pero  pati si hanna ganun din. Sa sulok din siya.

true love has no gender(lesbian romance,sex)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant