Chapter I

40.5K 495 28
                                    

"Nakakapagod!" sigaw ko nung matapos akong mag ayos ng kwarto at ayusin ang space ko.. Sana magkasundo kame ng Roomate ko.

Phone Ringing..

Mom Calling.

"Hello Mom!" Excited kong bati sakanya

"Baby how are you?"

"I'm fine mom, done fixing my things. Pero di pa dumarating ang Kasama ko sa kwarto.."

"Steph, sabe ko naman sayo sa condo ka nalang tumira anak."

"Mom I'm fine here kaya ko ang sarili ko I'm a big girl na i want to be Independent and besides Condo type rin tong Dorm sa School."

"Ok anak, basta always take care of yourself and update me every now and then kung may kailangan ka tawagan mo ako or ang daddy mo ok?"

"Yes Mom! Maliligo muna ako kase mag gogrocery ako. I love you 1million times mommy!"

"Same here anak! I love you too.."

*End of Conversation.

Dali dali akong pumunta sa Cr at naligo.. Ng makarinig ako ng kalabog agad akong nagsuot ng towel at kinuha ang Walis malapit sa may pintuan at akmang hahampasin ang naka jacket at ball cap na matangkad na tao sa may fridge ng Nahulog ang tapis ko..

"Ay shit!" agad akong nataranta at pinulot ang towel ko pag angat ko ng mukha ko.. Nakita kong gulat na gulat ang taong nasa harap ko nanlaki ang mga mata niya at nakanganga pa.

"Ano ba? Wag kang tumingin!" saway ko sakanya at agad naman siyang tumalikod.

"Harap na!"

Pagharap niya pulang pula yung mukha nya. Pati ako nahihiya pero di ko nalang pinapahalata.. Nakita na niya akong hubad buti natakpan ko parin ang mga kailangan takpan.

"I'm sorry I-I didn't know na may tao na kaya di ako nakapag doorbell.. I-I'm K-kim."

nakatingin sya sa akin sa hawak kong walis..

Hindi ko ineexpect na babae siya dahil sa ayos niya at nakacap pa.. Mukha siyang lalaki pero nung nagsalita siya at tinanggal ang cap dun ako nakahinga ng maluwag babae rin pala bubugbugin ko na sana to eh!

"Are you going to hit me with that broomstick?" natatawang tanong niya..

"Ay! Sorry! I'm Stephanie. Magbibihis muna ako mamaya na tayo mag usap."

Nakatingin parin siya sa akin. Ewan ko kung anong meron sa tingin niya pero masyado akong naiilang.

"Okay, aayusin ko nalang ang gamit ko."

Ngumiti siya sa akin at nagpatuloy na sa pag aayos ng gamit niya.

Tapos na akong magbihis kaya agad akong nagtungo sa kwarto namin.. Maliit lang ang Room namin may Two Single bed, two study table, Two closet, may mini sala, Cr at maliit na veranda. Powder Pink and blue ang kulay ng Room. Napakaaliwalas at cute ng kwarto.

Nakita kong may nilabas siyang Rice cooker, Herbs at kung ano ano pa..

"Bawal yan dito, alam mo naman ang policy ng dorm diba?" tumango siya pero hindi sya humarap sa akin.

"Alam ko, pero di ka naman magsusumbong diba?" humarap siya sa akin at ngumiti.

"Hindi ako magsusumbong kung hindi mo gagawing mabaho itong buong kwarto dahil sa pagluluto mo."

"Yes boss!" patuloy parin siya sa pag aayos ng space niya.

Kaya minabuti ko nalang na umalis at mag grocery ng konteng makakain at mga necessities ko..

Pagbalik ko ng Dorm nakita kong maayos at organized na ang kwarto kaya ngumiti ako, dumiretso ako sa fridge para ilagay ang pinamili kong pagkain pero naunahan niya na ako.. Kaunti lang naman ang nilagay niya pero ang freezer halos mapuno ng Meat. Haynako sige nalang tutal wala naman akong ilalagay sa freezer.

Nahiga ako sa kama at di ko namalayang tulog na pala ako.. Nagising ako na maayos na ang pagkakahiga ko at nakakumot pa. Pagtingin ko sa Right side tulog na si Kim kaya minabuti kong bumangon ng walang ginagawang kahit anong ingay at naligo ng sandali at bumalik sa kama at ng makapagpahinga narin.

My Lovely RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon