SOL: 14

76 4 0
                                    

Riena's

Tapos na ang lunch time kaya kaunti na lang ang kumakain dito. Hinintay ko munang tuluyang maubos yung mga tao dito sa dining room bago ako lumabas at magpahangin.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Junjun na parang gulat na gulat na nakatingin sa kung saan.

I frowned as I follow his gaze. And there was a kid climbing at the railings of this ship. Lalapit na sana ako sa bata nang bigla itong mahulog.

"Omo!"

Agad kong sinundan yung bata at tumalon sa tubig. Ni hindi ko manlang naisip na hindi ako marunong lumangoy.

As I reached the water, I grabbed the kid's wrist. Masyado siyang malikot to the point na nailubog niya yung ulo ko sa tubig.

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at pinilit na umahon sa tubig.

"Ah!" I felt something heavy hit my head and everything went black.

----

I opened my eyes to see pairs of eyes looking at me.

Nginitian ko sila atsaka umupo mula sa pagkakahiga ko.

"Riena?!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

And. OH MY GOSH!

Tama ba itong nakikita ko?!

"Bebe Junjun! What are you doing here? Omo omo. Kinikilig ako." Agad kong naalog yung katabi ko dahil sa sobrang kilig.

Anong ginagawa niya dito? Teka.

Nasan ba ako?

"Choi. Wag mo na ako alugin." Tumingin ako sa katabi ko na kanina ko pa pala naaalog.

E?

"Kaibigan mo si Junjun di ba? Bakit nandito ka?" Tinignan ko ang mga tao dito at nakita kong kumpleto yung mga kaibigan ni Junjun dito.

"Alodia, Mariane, Jiyoo. Anong ginagawa nila dito?" Tinanong ko silang tatlo habang isa-isang tinuro ang mga lalaki dito.

Hindi nila ako sinagot sa halip ay nagkatinginan lang sila.

Napakunot ang noo ko at napansin kong unti-unting lumalapit sa akin si Junjun.

OMG. What should I do?!

"Riena? Hindi mo ba kami kilala?"

E? Kanina lang tinawag ko sila sa mga pangalan nila a? Pang-tanga rin tanong nito e.

"Kilala ko kayo. Pero siya hindi. Sino ba siya?" Tinanong ko siya habang tinuturo yung lalaking hindi katangkaran at may nunal sa ilalim ng mata.

"Riena, ako 'to si Sean." Sean? Wala akong kilalang Sean. Pero baka isa 'to sa mga kaibigan ni Junhoe?

"Oh, well. Nice to meet you Sean." Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya pero agad ko itong nabawi nang mapansin na may nakakabit na kung ano dito. Tinignan ko yung dulo ng tube na nakakabit sa likod ng palad ko hanggang sa pinanggagalingan nito. Dextrose? Nasa hospital ako?

"Na-ospital ako?" Tinignan ko sila isa-isa. Nakakapagtaka naman.

"Anong nangyari?" Wala ni isa sa kanila ang sumagot. Ni hindi rin sila makatingin sakin. Napatingin ako sa pinto ng hospital room ko at napansing hangul ang nakasulat dito.

"O? Nasa Korea ba tayo? Kailan pa tayo pumunta dito?" Again. Wala na namang umimik.

"Ano ba?! Sagutin niyo naman yung tanong ko! Ano bang nangyari?!" This time si Junhoe na ang kumibo.

sassiness overload | ju-ne x jisooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon