SOL: 11

85 6 0
                                    

Junhoe's

"Juneee! Bangon naaa!"

Hindi ko pinansin yung pagtawag niya. Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng unan ko atsaka ito itinakip sa mga tenga ko.

"Uy! May bisita ako kaya umayos ka. Nakikitulog ka lang sa condo ko."

Yung bahay nga pala namin dito sa Korea ay binenta na nila mama kasi napagpasyahan namin noon na sa Pilipinas na tumira. Pero mas gustong magtrabaho ni noona dito kaya bumili siya ng condo unit.

Naramdaman kong naupo si noona sa dulo ng kama ko.

"Bisita ko yung bagong cook sa company na pinapasukan ko. Maganda yon kasing edad mo rin kaya mag-ayos ka na dyan."

Tsk. Wala naman akong paki e. Sinipa ko siya dahilan para bumagsak siya sa kama.

"Ang kapal talaga ng nguso mo! Kama ko yang hinihigaan mo tapos ikaw pa may ganang sipain ako?! Nako umuwi ka na nga lang."

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at tinignan siya.

"Uuwi na talaga ako. Wala nang dahilan para mag-stay ako dito. Now go. Mag-aayos na ako."

Tumayo ako tapos inilagay ko na rin yung mga damit ko sa luggage. Isang linggo na rin ang nakalipas nung huli kong nakita si Riena kasama yung lalaki na yon. At yung isang linggo na yon ay lagi ko siya hinahatid pauwi galing sa trabaho niya. Syempre hindi niya alam kasi stalker ang dating ko non e. Nalipat sakin yung ginagawa niya dati hays.

"May dalawa muna akong pabor bago ka umuwi."

"Kanina lang pinapauwi mo na ako. Parang minamadali mo pa nga e tapos ngayon manghihingi ka pa ng pabor?" Pagkasabi ko non e inirapan ko siya. Hindi normal tong ate ko.

"Gusto kong maging nice ka ngayon sa bisita ko tapos gusto ko i-try mo naman yung cruise ship namiiiin." Ganto ba talaga ang mga babae? Manghihingi na lang ng pabor nang-aalog pa ng balikat? Aish.

"Tsk. Oo na." Napairap na lang ako kasi parang batang nagtatalon tong kasama ko.

*ding dong*

"Siya na yata yon." Dali-dali siyang lumabas sa kwarto at narinig kong nagbukas yung main door.

"Maging nice sa bisita mo? Hell no."

Bitch face: on.

Lumabas na rin ako ng kwarto. Wala akong pake kung half-naked ako ngayon. Bahala mag-laway yung bisita niya.

"June! Magbihis ka nga."

Agad naman akong nakaramdam ng hiya nung makita ko yung bisita niya. Geez.

"Ay nga pala. Riena, ito si June---"

"Boyfriend niya." Pagpuputol ko sa sasabihin ni ate.

Tinignan naman niya ako ng baliw-ka-na-ba look. I just shrugged and got back to the room to wear a shirt.

Anong ginagawa niya dito? Bakit kailangang maging siya pa yung co-cook ni ate? Tch. (ーー;)

*knock knock*

Pumasok si ate at naupo dito sa tabi ko sa kama.

"June bakit mo naman sinabi yon?"

Kinuha ko yung phone ko at pinakita sa kanya yung wallpaper ko.

"T-teka. Si Riena 'to a? Ibig sabihin yung babaeng kinukwento mo ay si Riena pala?"

Tumango ako sa tanong niya. Okay lang na malaman niya yung tungkol dyan para hindi na ko mahirapan magpaliwanag sa kanya.

"So, bakit mo sinabing boyfriend kita?"

sassiness overload | ju-ne x jisooWhere stories live. Discover now