habang bumabyahe ako ay may nakapukaw ng aking pansin yung sobrang laking school na dinadaanan ko. iba yung nararamdaman ko dito habang tinitignan ko yung bawat building hindi ito private at sikat pero bat ang strange ng feeling ko na gusto ko ditong pumasok.

" hoy! " napahinto ako ng may sumigaw sa harapan ng kotse. pag tingin ko sa dinadaanan ay may tinamaan pala akong bike nakahinga ako ng maluwag buti hindi ko nabanga yung dalawang estudyante. " hoy lumabas ka nga dyan " sigaw ng isang lalaki sa labas.


" aba hayop na to ah " nakita ko kasi sa side mirror ko na hinampas nya ng bato yung likurang parte ng kotse ko. baba na sana ako ng tumawag yung girlfriend kong si Maris. pasalamat kang loko loko ka at may kailangan akong asikasuhin kundi nabasag yang bungo mo.

" hello babe, sige pupunta na ako " kahit nababadtrip padin ako dahil sa paghampas ng lalaking yun sa kotse ko ay umalis nalang ako,

------------------------------------------------------

Timmy

" uyy bakit mo naman hinampas ng bato yung kotse nung lalaking yun buti hindi tayo binabaan " awat sakin ni Sean pero uminit lang yung ulo ko lalo dahil sa sinabi nya.


" baliw ka ba!? eh sya tong may kasalanan sya pa bang mag mamatapang satin. mas maganda nga kung bumaba sya sa kotse nya para nagkaalaman kami, " bwiset na hambog na driver na yon. kulang pa nga yung basag na inabot ng kotse nya, tch! porket naka kotse akala mo kung sinong hari ng daan.


" problema lang yun Timmy. atsaka daplis lang naman yung tinamaan sa bike ko eh kaso yung ginawa mo sa kotse nya mas matindi yun " kinuha ko yung bike nya at chineck kung anong sira nito pero buti nalang at hindi naman gaano kalala yung sira

" ano ba Sean, kahit saan mo tignan muntik na nya tayong mabanga at buti na nga lang hindi tayo yung tinamaan kundi yung bike mo lang at kasalanan nya padin iyon. kulang pa yung pag sira ko sa kotse nya, tara na nga at maghahanap pa tayo ng classroom " itinabi lang namin yung bike nya sa guard house.

------------------------------------------------------

" what the hell na hindi ka pupunta! nasa bahay ka pala ng friend mo then what the fuck came through your mind na papuntahin pa ako dito sa coffee shop kung may gagawin ka din pala. no just stop sirang sira na yung araw ko kaya stop okay. " binaba kuna yung phone at lumabas sa coffee shop. habang papalapit ako sa kotse ko ay kitang kita ko yung malaking basag sa likuran nito kaya mas lalo akong nababadtrip.

I don't know where should i go so umidlip nalang muna ako sa kotse, mga ilang segundo pa may narinig akong kumakatok sa salamin ng kotse ko. pag tingin ko ay isang lalaking mga nasa mid 40's na. binaba ko yung salamin at ngumiti lang ito sa akin at parang may kung ano sa ngiti nito na nahawa ako.


" ah ijoh. may basag yung kotse mo " tinutukoy nya yung binasag ng bwiset na lalaki kanina sa dinadaanan ko. badtrip yun kapag nakita ko ulit sya makakaganti din ako. pasalamat nga sya at hindi sya yung sinagasaan ko.

" may na encounter po akong mga loko lokong tao sa dinaanan ko kanina. ayon pinag diskitihan tong kotse ko " sinipat nya ng maigi yung sira sa kotse ko. dahil sa kakamadali ko para puntahan si Maris hindi kuna naatupag na tignan pa yung damage ng kotse ko.

" ah ganun ba? gusto mo bang ituro ko sayo yung malapit na talyer para mapaayos mo yang kotse mo? kakilala ko yung may ari ng talyer masasabihan ko to na wag kang singilin ng husto " tumango lang ako dahil mukhang mapag kakatiwalaan naman ito kaya pumayag na ako. binuksan ko yung kotse sa tabi ko para papasukin sya pero nakita ko itong namara ng masasakyan.

" teka lang po. akala ko ba sasamahan nyo ako sa talyer bat namamara kayo ng masasakyan " tanong ko dito.

" ah madumi kasi tong sapatos ko nakakahiya madumihan pa yung kotse mo, " nahihiyang saad nito. natawa ako ng bahagya sa tinuran nya, sya palang ata ang sobrang bait at mahiyaan na nakilala ko.

" I don't mind it dun kana po sa kotse ko mag gagastos ka lang. tara po " ngumiti ito sa akin at ramdam ko padin ang hiya nya sa akin kaya dinaldal ko lang ito, hanggang sa napalagay na ang loob nito saakin at talagang nagkwentuhan kami ng kung ano ano hanggang sa marating na namin yung talyer na sinasabi nito.

------------------------------------------------------

Timmy

oh nasan na si papa? anong oras na dapat nandito na sya galing sa palengke, " pa! " hinanap ko sya sa buong bahay pero wala talaga. mamimili lang ng hapunan tatagal na syang ng gantong oras?

makapanuod na nga lang muna ng TV. sana naman masarap yung iuwi nya dahil kanina pa ako nagugutom, san ba kasi nagsusuot yung tatay kong yun kung kailan tumanda saka naman naging gala.

~ itutuloy...

The Day We've Met (BoyxBoy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now