CHAPTER 17

792K 21.2K 962
                                    

CHAPTER 17

MAPAGSAK na umupo si Jan Irish sa kaniya upuan saka malakas na napabuntong-hininga. Hindi na siya nagtaka ng makitang papalapit sa kaniya ang iba niyang katrabaho.

"Congratulation, Jan." Nakangiting wika ni Janice. "May naka-interview din kay Mr. Galvante sa wakas."

She simply smiled. "Oo nga e."

"Ang galing mo talaga sa tsismisan, Jan." Sabad naman ni Nena.

Ngumiti siya ng tipid ng Nena. "That's what I'm good at."

"Totoo bang pumatol ka sa isang may asawang lalaki?" Biglang sabad na tanong ni Kei.

She stilled and looked at Kei. "Nabasa mo ba ang article na inilabas ng nasabing diyaryo para linisin ang pangalan ko?"

Tumango si Kei.

Jan smile coolly. "Ganoon na talaga ang mga tao ngayon, mahilig manira ng kapwa."

Nagkibit-balikat si Kei. "Buti nga binawi nila ang article na una nilang inilabas. Kung hindi, siguradong ikaw ang laman ng tsismis ngayon."

Ngumiti lang siya saka inayos ang mesa na medyo makalat. Nakaramdam siguro ang tatlo na ayaw na niyang makipag-usap kaya nagpaalam na ang mga ito.

"Ms. Vallega." Anang boses ng Editor-In-Chief.

Mabilis siyang tumayo at humarap dito. "Yes, ma'am?"

"Nabasa ko na kagabi ang article na pinasa mo tungkol kay Mr. Galvante." Ngumiti ito. "Nagustuhan ko. Ilalathala iyon sa susunod na buwan."

Tumango siya habang nakangiti. "Salamat po."

Tumango ang Editor-In-Chief. "Good job."

Nang makaalis ang boss niya, nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga saka mariing ipinikit ang mga mata ng biglang pumasok sa isip niya si Tegan.

Ano kaya ang ginagawa nito ngayon? Iniisip din ba siya nito? Does he really love her like he said in his letter for her? Would he read the article that she wrote?

Malalim siyang napabuntong-hininga saka binuksan ang nakapikit na mga mata. Kinagat niya ang pang-ibabang labi saka umupo ulit.

Napaigtad siya ng marinig na nag-ingay ang cellphone niya. Sinagot niya iyon kaagad ng makitang ang ama niya iyon.

"Papa, napatawag ka." Aniya.

"Anak, nagusap na tayo. Ngayong araw ang simula ng training mo para sa pag take over ng business natin."

Napabuga siya ng marahas na hininga. "I know, Papa. Gagawa pa ako ng resignation, mamayang hapon pa ako makakapunta diyan sa opisina."

"Oh, sige," his Dad sighed. "Hihintayin kita sa office ko."

"Opo."

Nang mawala ang ama sa kabilang linya, nagpakawala siya ng malalim at malakas na buntong-hininga.

Kagabi, one on one silang nag-usap ng ama niya. Gusto nitong i-take over na niya ang kompanya nila dahil matanda na raw ito at hindi na nito kaya.

Nakonsensiya naman siya at pumayag sa gusto nito. Pinagbigyan na siya ng mga ito ng pagkakataon na gawin ang lahat ng gusto niya. Ito naman ang pagkakataon na gawin niya ang gusto ng mga magulang niya.

It's just a give and take process.

Binuksan niya ang laptop na dala saka nag-umpisang mag-type sa Microsoft word ng Resignation Letter na ipapasa niya sa Editor-In-Chief niya.

"SIR, PLEASE, refrain from moving. Your face is on the process of healing." Anang Nurse kay Tegan habang binubuklat niya ang Magazine na pinadala sa kaniya ni Nykyrel mula sa Pilipinas.

"Sorry—"

"Don't speak, Sir." Galit na ang boses ng Nurse na naglalagay ng bondage sa mukha niya, maliban sa mga mata niya. "Do not move—"

"My life and happiness depends on this Magazine in my hand. I got to read this." Inis niyang tugon.

Inungusan lang siya ng Nurse saka tinapos ang pagbebenda sa mukha niya. Siya naman ay binuklat ang magazine at binasa ang article na sinulat ni Jan Irish Vallega.

Tegan took a deep breath before he read the article.

'UGLY'.

Napangiti siya sa title na ginamit ni Jan Irish. Siya talaga yon. Isang lalaking nasira ang mukha at naging pangit. And it is his biggest insecurity.

Bumaba ang mata niya sa article mismo at inumpisahang basahin yon.

'Don't deny it. Don't lie to yourself. We all know that once in our life, we judge a person base on their physical appearance. That's human nature. That's us. But what we didn't realize is we are the cause of their deep scars that even time can't heal.

We tell jokes about how bad they look, we laugh and they would just laugh with us, pretending to be okay, pretending that the joke didn't stab them right on the heart. We thought that it's okay to joke around with people who are ugly because they always smile with every joke we make. But what we didn't know is that they are hurting inside, their heart is bleeding and pleading and shouting to the society to stop. Don't be fooled by their small smiles, calm faces or serious facade, those emotions hides' deep wounds that we caused.

We may not see it, but these people craved to be accepted by the society. They craved to be normal, to be loved and to be welcome with open arms. But instead, we welcome them with painful jokes and taunting laughter.

I know all these because I met a man named Tegan Galvante. A man with money, power and connection. A man that we love to gossip around because of his ugly face. A man with scars that runs too deep. Call it anything you want, but I had the privilege of knowing the man behind his ugly scars.

And I want to share with you all my interview with him. The interview that changed both of our perspective, our understanding, our beliefs and our lives.'

Tatlong katanungan lang ang naroon sa interview na sinabi nito pero hitik na hitik naman sa sagot at impormasyon tungkol sa kaniya. Walang binura, walang binago at walang itinago. Ibinulgar nito lahat ang tungkol sa kaniya.

He should be angry at her for letting the public know his deepest secret, but apparently, he's not feeling the anger. He actually feels free from his past. And that's thanks to Jan Irish Vallega, the love and light of his life.

"You're done now?" Halata ang iritasyong sa boses ng nurse. "I have to check some parts of your face."

"Yes. I'm done."

TDBS1: Darkest Touch - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon