CHAPTER 12

832K 21K 3.6K
                                    

CHAPTER 12

NAMAMAGA ang mata ni Jan Irish ng magising kinabukasan. Nakatulogan pala niya ang pag-iyak. Hindi siya kumain ng nakaraang araw at hindi lumabas ng kuwarto. Kahit anong pilit sa kaniya ni Tegan, hindi siya lumabas o nakipag-usap dito.

Kaagad niyang inayos ang sarili at nagbihis pagkatapos ay lumabas siya sa kaniyang silid.

Naabutan niya si Tay Berto na naglilinis sa sala.

"Oh, hija," anito ng makita siya, "ipaghahanda ba kita ng agahan? Sabi ni Sir Tegan ay hindi ka pa raw kumakain simula kahapon."

"Huwag na po." Tipid siyang ngumiti. "Kumain po ba si Tegan bago umalis?"

Umiling ang kausap. "Hindi e."

"Ganoon po ba?" Huminga siya ng malalim. "Sige ho, aalis na ako. May pupuntahan pa kasi ako e."

"Babalik ka pa ba?"

Napatigil sa paglalakad si Jan Irish saka bumaba ang tingin niya sa backpack na dala at tumuon ang mata niya kay Tay Berto.

"Hindi ko ho alam kung makakabalik ako kaagad." Aniya na may malungkot na ngiti sa mga labi. Sana nga makabalik siya kaagad. "We'll see."

Tumango ang matanda at pinagbuksan siya ng pinto. "Mag-iingat ka, hija."

"Salamat ho."

Akmang lalabas siya ng bahay ng may magsalitang babae sa likuran niya.

"At sino naman itong babaeng 'to, Tay Berto?" Mataray ang uri ng pagtatanong nito.

Tumigil sa paglalakad si Jan Irish saka humarap sa nagsalita. Meters away from her stood a very beautiful woman with blond hair and stunning brown eyes. The woman looks like a freaking Goddess! Mas nagpapaganda rito ang kulot nitong buhok na abot hanggang beywang.

Tumingin siya kay Tay Berto, nagtatanong ang mga mata.

The woman let out a loud sighed. "Go on, Tay Berto ipakilala mo ako sa babaeng yan."

"Siya si Stella, ang asawa ni Sir Tegan."

Parang namingi si Jan Irish sa narinig. Bumaling siya sa babae nang-uuyam na nakangiti sa kaniya. Alam niyang tumalim ang tingin ng mga mata niya dahil hindi ito nagpatuloy sa paglapit sa kaniya at bumakas ang takot sa mukha.

"Hindi mo ba siya ipapakilala sakin, Tay Berto?" Maarteng sabi ulit ng babae.

Halatang ayaw kausapin ni Tay Berto ang babae, pinipilit lang nito ang sarili.

"Siya si Jan Irish Vallega, Ma'am Stella." Pagpapakilala sa kaniya ni Tay Berto. "Ang kasintahan ni Sir Tegan." Dagdag ni Tay Berto na ikinanganga ni Jan Irish.

Si Stella naman ay nanlilisik ang matang lumapit sa kaniya. "Siguro ikaw ang rason kung bakit ayaw na akong bigyan ng pera ni Tegan."

Pinatapang ni Jan Irish ang ekspresyon sa mukha niya. "Wala akong kinalaman sa sinasabi mo."

"Sinungaling!" Singhal nito sa kaniya. "Siguro piniperahan mo rin siya, no?" Ngumisi ito. "Oo nga naman, paano mo magugustuhan si Tegan e para siyang halimaw. Nakakadire at nakakatakot."

Hindi nakapagpigil si Jan Irish, umangat ang kamay niya at malakas na tumama ang palad niya sa mukha ni Stella.

"Puwede mo akong pagsalitaan ng masama, pero huwag mong pagsasalitaan ng ganoon si Tegan, makakatikim ka sakin." Mas tumalim ang mga mata niya. "And no, i don't need money from him. I'm a heiress. May pera ako. Mayaman ako. At kahit nga siguro kaluluwa mo, kaya kong bilhin."

TDBS1: Darkest Touch - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon