CHAPTER 1

1M 25.1K 3K
                                    

CHAPTER 1

MAYBE it was fate or destiny, Jan Irish doesn't know. Before Lechel's wedding, halos halughugin niya ang buong simbahan makita lang si Tegan Galvante. She even asked the visitors, but nothing. Walang nagtuturo sa kaniya kung nasaan ang hinayupak na lalaking 'yon!

It's been a month pero wala pa rin siyang maisulat tungkol kay Tegan Galvante. Wala pa rin siya makuhang impormasyon tungkol sa lalaki na kung makalihim ng sekreto ay parang naka-lock 'yon sa isang vault na walang nakaka-alam ng password.

Kahit ang internet ay madamot sa larawan ng lalaki. Siguro may kinuha itong taga-delete ng larawan sa internet. Napailing-iling nalang siya sa naiisip pero puwedeng may katutuhanan 'yon. Who knows?

Jan Irish sighed. "Nakakainis naman 'to!" Wika niya habang pumipila na para sa pagpasok sa simbahan.

Naramdaman niyang may tumabi sa kaniya sa linya. Maybe it's the best man. Wala siyang pakialam. Nagpupuyos pa rin ang kalooban niya dahil hindi niya nakita si Tegan Galvante.

Nababaliw na yata siya dahil nagpapadyak siya sa inis na nararamdaman. "Argh! I am so annoyed right now!"

"Why?"

Natigilan siya at napatingin sa katabi niyang siyang nagsalita.

Jan Irish blinked enumerable times. Napanganga siya ng makita ang mukha ng lalaking nagsalita. Nagulat siya hindi dahil guwapo ito o makalaglag panty ang pagmumukha nito, kundi nagulat siya dahil sa nasunog na balat nito sa mukha.

It must be burned scars. Nag-umpisa iyon sa ibaba ng mata nito, pababa sa pisngi hanggang sa leeg. Puno ng kuryusidad na umikot siya sa lalaki para tingnan ang kabilang bahagi ng mukha nito. Pareho ding may pilat ng sunog pero kalahati lang ng pisngi 'yon at hanggang sa leeg nito.

His skin is disfigured and it mesmerizes her to think on how he survived such horrible burn scars. Ano kaya ang pinagdaanan ng lalaking 'to? Gusto niyang alamin. Lihim siyang napailing-iling. Umatake na naman ang pagiging tsismosa niya.

Jan Irish keeps on staring at the man. Nasisiguro niyang kung wala itong pilat sa mukha, napakaguwapo nito at pag-aagawan ito ng kababaehan.

The man looks hideous all right but there's something in his brown eyes that attracts her to him. Maybe because his eyes are emotionless but she can see vulnerability behind them.

Walang naramdamang hiyang nakipagtitigan siya sa binatang may pilat ng sunog sa mukha. Habang tumatagal, nagiging guwapo ito sa paningin. It's absurd. Jan Irish knew for a fact that the man looks like a beast, but there's something in him that draws her in.

What is that?

"Alam kong pangit ako, so please, step aside. The wedding march is about to start." Baritono ang boses nito at parang nabuhay ang dugo ni Jan Irish ng marinig 'yon.

What the hell?

Pinipilit niya ang sarili na umalis sa harapan nito pero hindi niya magawa. Parang may umaakit sa kaniya na mas titigan ang lalaki.

"Stop staring at me, woman." Anang lalaki na naiilang sa titig niya.

Napakurap-kurap siya. "You're so—"

"Ugly?"

"Mesmerizing." Pagtatama niya rito.

He scoffed. "I don't believe you."

Itinaas niya ang kamay at akmang hahaplosin ang pisngi nito ng hulihin nito ang kamay niya.

"Don't touch me!" There's a dangerous edge in his voice.

TDBS1: Darkest Touch - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon