CHAPTER 13

937K 20.4K 1.9K
                                    

CHAPTER 13

PILIT na pinapaintindi ni Jan Irish sa sarili niya na tama lang ang ginawa niyang pag-alis sa bahay ni Tegan. May asawa ito na naroon ngayon sa bahay nito at may nangyari sa kanila ni Tegan, lumalabas na binabahay siya nito at yon ang kinakasakit ng puso niya kaya siya umalis doon.

Her mind is applauding and praising her... but her heart is bleeding and seeking Tegan.

Kaya naman ibinuhos niya ang lahat ng oras sa paggawa ng article tungkol dito. Doon niya inilaan ang lahat ng oras simula ng makabalik siya sa kaniyang munting apartment na minsan ay naging saksi sa kapusokan nila ng binata.

When night came, umalis siya ng bahay para kumain sa labas. Wala siya sa mood na magluto. Isang oras din ang itinagal niya sa Restaurant na kinainan, nang makauwi siya sa bahay, madilim na ang kalangitan.

Jan Irish was about to insert the key on the keyhole when a hand grab her wrist, stopping her.

Handa na siyang lumabas at pagsisipain ang estranghero ng maaninag niya ang mukha ng may-ari ng kamay na pumigil sa kaniya.

"Tegan..." she whispered his name.

Pinasandal siya nito sa pintuan. Naamoy niya ang amoy alak nitong hininga. At dahil magkalapit ang mga katawan nila, nararamdaman niya ang pagkabuhay ng parteng iyon ng katawan.

"Lasing ka ba?" Nag-aalalang tanong niya rito ng makabawi sa pagkabigla.

Sa halip na sumagot, nilukumos nito ng halik ang mga labi niya na kaagad naman niyang tinugon. Wala talaga siyang lakas para labanan ang nararamdaman niya para sa binata.

"Tegan..." aniya ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "Ano ba ang ginagawa mo rito sa bahay?"

Nalalasahan pa rin ni Jan Irish ang alak sa dila ni Tegan. Parang lumipat iyon sa bibig niya dahil sa halik na pinagsaluhan nila.

"Jan Irish..." masuyo nitong hinaplos ang pisngi. "I can't... I couldn't... hindi ko kayang hayaan kang mawala sa buhay ko." Umiling-iling ito at mahigpit siyang niyakap na para bang tatakas siya. "Huwag mo akong iwan, please? Huwag mo akong pahirapan ng ganito. I can't function well without you. Hindi ko kaya."

Nabibiyak ang puso ni Jan Irish sa mga sinasabi ni Tegan pero tama lang ang ginawa niya.

"Tegan, umuwi ka na."

Mas lalo pang humigpit ang yakap nito sa kaniya. "I want you to stay in my life. Please, tell me what I have to do for you to stay."

Bumuntong-hininga siya. Naiiyak na naman siya pero ayaw na niyang umiyak. Masyado nang namamaga ang mga mata niya.

"Tegan, may asawa ka. Kasal ka—"

"Ipapa-annulled ko ang kasal namin." Mabilis nitong sabi saka sinapo ang mukha niya. "Would that be enough for you to stay?"

Namilog ang mga mata niya. "Gagawin mo talaga yon?"

Tumango ito. "I can do anything for you, Honey." His eyes are full of unnamed emotion. "Just ask and I'll do it in a heartbeat."

Love me. Iyon ang gusto niyang hilingin dito pero pinigilan niya ang sarili.

"Then I'll ask you to accept and love yourself first before anyone or anything else." Hinaplos niya ang mukha nitong may pilat. "Kapag natanggap mo na ang sarili mo, saka ka lang matatangap ng lipunan."

Tegan shook his head. "Jan Irish, wala akong pakialam sa lipunan, ang mahalaga sakin tanggap mo ako. That's more than enough for me."

Tumitibok na naman ulit ng mabilis ang puso niya.

TDBS1: Darkest Touch - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon