"Kapag hindi mo samin sinabi, mapipilitan kaming ipakasal ka kay Daniel—"

"Hindi niyo ako matatakot sa ganiyan. Hindi ako magpapakasal kay Daniel." Inis na bigla niyang sabi at umalis sa hapagkainan.

Walang destinasyon siyang naglakad hanggang sa mapansin niyang nasa greenhouse siya ng kaniya ina.

Naupo siya sa bench na nasa gilid saka niyakap ang sarili.

It's been three days. Hindi lang ang ama niya ang naiinip, pati rin siya. Nangako si Tegan na magpapakita ito sa kaniya kapag naayos na nito ang lahat. Nasaan na ito? Ganoon ba katagal bago nito maayos ang lahat ng dapat ayosin?

Naninikip ang dibdib niya dahil sa sobrang pagka-miss kay Tegan. Gusto na niya itong mayakap at mahalikan. She missed him. She wants to see him. Pero bantay sarado siya ng kaniyang mga magulang.

Nangilid ang luha sa mga mata niya. "I miss you." She whispered unto the air. "Please, come see me."

Napahikbi siya habang naglalaro sa isip niya ang ala-ala ng masasayang pinagsamahan nila ni Tegan. Walang patid sa pagpatak ang mga luha niya habang ang puso niya ay nangungulila para rito.

Nasaan ka na ba, Tegan? It's been three days.

"Anak, Jan Irish?" Boses iyon ng kaniyang ina. "Narito ka ba?"

Mabilis niyang tinuyo ang mga luha saka tumayo at humarap sa ina. "Yes, ma?"

"Your father wants you in the breakfast table." Sa unang pagkakataon simula ng makauwi siya, may munting ngiti ito sa mga labi.

Nagtataka man at naguguluhan, sumunod siya sa kaniyang ina sa breakfast table kung saan naroon ang ama niya at naghihintay.

"Pa, anong kailangan niyo sakin?" Walang emosyong tanong niya.

Inilapag nito ang diyaryo na binabasa saka may itinurong article doon. "Sinasabi dito sa diyaryo na paninirang puri lamang sayo ang unang balitang lumabas na pumatol ka sa isang may asawang lalaki. At sinabi din dito na humihingi ng tawad ang kabuoan ng newspaper team dahil nagpagamit sila para siraan ka." Para itong nakahinga ng maluwang pero may pagdududa pa rin sa mga mata nito. "Kung ayaw mong makasal kay Daniel, ipakilala mo samin ang lalaking 'to."

Para siyang mabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa lumabas sa diyaryo. "Kakausapin ko ho siya."

"Good." Tinupi nito ang diyarto at matiim na tumingin sa kaniya. "Nalinis ang pangalan mo sa diyaryo at sa ibang tao, pero para sa amin ng mama mo, alam namin ang totoo. Ang kasintahan mo ay kasal na sa iba, and somehow, he has something to do with the newspaper cleaning your image and taking the blame for it, kaya gusto namin siyang makausap para alamin kung anong plano niya sayo."

Nagbaba siya ng tingin. "Hindi ko pa siya nakakausap mula ng ihatid niya ako rito. Pero nangako naman siyang kakausapin ako pagkatapos ng lahat ng 'to."

"Sige, basta ipakilala mo siya sa amin."

Tumango siya saka nagpakawala ng malalim na hininga. Talaga bang solve na ang problemang inumpisahan ni Stella? Sana nga.

PUNO NANG poot ang mukha ni Stella habang nakatingin kay Tegan. At hindi ni Tegan maintindihan yon. Bakit ba ito nagagalit sa kaniya na dapat nga siya ang magalit dito.

"I'm not gonna sign that." Nagtatagis ang bagang na sabi nito. "Hinding-hindi ka makakawala sakin. Hinding-hindi ka magiging masaya sa piling ng babaeng yon! Hindi sapat ang isang daang peso para permahan ko yan!"

Umakyat ang dugo niya sa kaniyang ulo. "Ganoon ba? Sige, huwag mong permahan, i can always pull some strings. May pera ako, i can do it. Ang tanong," bahagyan pa siyang dumukwang palapit dito, "anong mangyayari sayo?"

Natigilan ito. "Anong ibig mong sabihin?"

Bumaling siya kay Atty. Yilmaz at tinanungan ito.

Atty. Yilmaz smiled at Stella coldly. "Look at these." Pinakita nito ang mga larawan na nasa malaking sobre na kulay brown. "These photos are enough to annul your marriage." Pagkatapos ay may kinuha itong USB sa bulsa. "And a copy of your sex with Cong. Dela Fuerte three months after my client was burned." Mas lalong lumapad ang ngiti ni Atty. Yilmaz ng makitang namumutla si Stella. "You see, we have enough grounds to use, pero kapag inilabas namin ito, mapapahiya ka sigurado. And my client wants a peaceful annulment process, so we'll give you one hundred thousand to sign the papers."

Tumaas ang sulok ng labi ni Stella. "Atty., hindi ako bobo. Siguro nga mapapa-annulled mo ang kasal namin ni Tegan pero bibilang ka ng taon bago mo makuha yon dahil wala ang perma ko." Tumingin ito sa kaniya. "At hindi magugustuhan ng mga magulang ni Jan Irish na isang lalaking kasal sa iba ang makasama ng nag-iisang nilang anak. And you really think they can accept you?" May panunuya sa boses nito. "You really think they will welcome you in open arms if ever we annulled our marriage?" Nakangising umiling ito. "Hindi, Tegan, hindi nila matatanggap na ang magiging manugang nila ay mukhang halimaw. Yes, Jan Irish accepts you, but they are not Jan Irish, they don't share the same understanding for you. So huwag kang mag ilusyon na magiging masaya ka pagkatapos nito."

Sapol ng mga binitiwang salita ni Stella ang puso at kaluluwa niya na umaasa na magiging masaya siya sa piling ni Jan Irish pagkatapos nito. Hindi niya naisip ang iisipin ng mga magulang nito o mga relative at kaibigan.

In that moment, all his hope was crushed into tiny pieces.

"Peperma ka ba o hindi?" Tanong ni Atty. Yilmaz kay Stella na pumukaw sa diwa niya.

"Hindi." She smirked. "I have nothing to lose."

"Sayang din ang one hundred thousand." Pangungumbinsi rito ng Attorney niya. "Wala kang pera at malapit nang mag expire ang pag-stay mo sa hotel na 'to."

Nakita niya ang pagdadalawang isip ni Stella, halata iyon sa mga mata nito. "Ayoko pa rin. One hundred thousand is just too low." Pinag-krus nito ang mga paa at ngumiti. "Lumayas na kayo rito, wala kayong mapapala sakin."

Attorney Yilmaz shrugged. "Okay. But I'll be back before your stay in this hotel expires."

Sabay silang lumabas ni Attorney sa silid ni Stella saka sumakay ng elvator.

"She won't sign the papers. Ano nang gagawin natin ngayon?" Ihinilamos niya ang mga palad sa mukha. "I thought she would. I know Stella, mukha siyang pera."

"I suggest you raise the payment. Gawin mong isang milyon, tingnan natin kung hindi pa siya."

"Sige. Bumalik tayo ngayon din—"

"No, Mr. Guzmano, babalik tayo sa ikapitong araw niya rito sa Hotel. Tingnan natin kung hindi pa niya tanggapin ang pera."

Bumuga siya ng marahas na hangin. "Sana nga tanggapin niya."

From the Hotel, Tegan went home. Sumalubong sa kaniya ang napaka-tahimik niyang bahay.

His heart clenched in pain. Alone. Again.

He blows a loud breath and went to his room. Hinubad niya ang polo na suot at napatitig siya sa mga pilat niya sa braso, sa dibdib at sa may tiyan. They looked disgusting and horrendous even for him.

At sa ikalawang pagkakataon simula ng masunog siya, humarap siya sa salamin at tiningnan ang sarili doon.

He looks like a freaking monster! Nothing has change in his monstrous appearance. Ngayon nagtatanong siya, paano nasisikmura ni Jan Irish na makita siyang nakahubad? Paano nito nasisikmura na makipag-usap sa kaniya, na halikan siya at yakapin? Ni hindi nga niya kayang sikmurain ang hitsura niya.

He wants to be a better man for Jan Irish. Gusto niyang maging maayos ang lahat sa buhay niya bago muling magpakita rito.

Seeing his face and body for the second time in the mirror, he realizes that Jan Irish didn't deserve a monstrous looking man beside her. She deserves someone better, someone she can be proud of in front of her friends. And that's not him.

Ayaw niyang itong mala-halimaw niyang mukha ang makasama ni Jan Irish hanggang sa pagtanda.

He wants the best for her. 

TDBS1: Darkest Touch - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Where stories live. Discover now