Kabanata 20

20.4K 515 30
                                    


Minulat ko ang aking mga mata, any small movement resulted to pain especially on my back, tinignan ko ang paligid at napagtantong nasa hospital ako. May oxygen mask ako kaya hindi ako makapagsalita, maraming mga bagay na nakakonekta sa aking katawan, tanging ang mata ko lang ang nagagalaw ko.

Bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto ng CR at lumabas si Alison na mukhang kakahilamos lang, nang napansing gising na ako ay agad siyang lumapit, "Cloud? Gutom ka ba? Gusto mong kumain? Ay, hindi pala pwede kasi naka-mask ka, ano ang gusto mo? Ayaw mo raw amoy ng hospital kaya binilhan kita ng strawberry air freshener." Walang hintong sabi ni Alison.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot, mabilis niyang hinawakan ang kamay ko, "what you did back then was a suicide, nag-iisip ka ba?" Nagsimula nang umiyak si Alison. As much as I want to move my hand to wipe those tears my body felt so weak I could not move an inch, I remained like a statue, "but thank you, Cloud. Thank you for saving my life, thank you for taking those bullets when it should be me..."

"I... l-love y..." Sobrang mahina ang boses ko at alam kong hindi malinaw, ngumiti si Alison saka niya ako hinalikan sa aking noo.

"I love you too, Cloud. Kaya magpagaling ka ha? Magpapakasal pa tayo, papalakihin pa natin si Chase..." Hinawakan ng dalawang kamay niya ang kamay ko saka ito hinalikan, "we've been through a lot Cloud, wala nang makakasira sa relasyon natin, only death... at hindi ko hahayaan na dalawin ka pa ng kamatayan."

I nodded slowly.

"Nahuli na pala kahapon ang mga kumidnap sa akin at bumaril sa iyo. Nagtatago sila sa isang cabin sa gitna ng gubat ng Algaya, base sa investigations nalaman rin na sila ang pumatay sa kapatid ko at hindi talaga siya nag-suicide, pinahirapan nila muna ang kapatid ko bago pinatay, they cut her wrists para magmukhang suicide and all that... sobra ang galit ko Cloud, gusto kong patayin ang mga pumatay sa kapatid ko pero hindi pwede, si God na ang bahalang manghusga sa kanila at magparusa, masaya akong nabigyan rin ng hustisya sa wakas ang pagkamatay ni Alisa."

Tumango ako sa kanya saka ko hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa akin. Pinisil ko ito para palakasin siya ng loob. She did the best decision to let God take the rest.

"Umamin na rin ang isa na siya ang driver ng truck na bumangga kay Adam, sinabi rin niya na sila rin ang nagpaluwag ng turnilyo ng kotse mo noon dahilan upang natanggal ang gulong nito. Nahuli na sila sa wakas." Ngumiti si Alison, "mga tauhan sila ni Kimsonie, bago pa man mahuli ng mga police ay nakatakas na siya, si Kimsonie ay dating kalaban ni Papa sa pwesto ng Mayor pero natalo."

"Alam mo bang mahigit isang linggo kang tulog? Mahigit isang linggong hindi naliligo." Pagbiro ni Alison sa akin, napatawa naman ako dahilan upang sumakit ang likod ko kaya natigil ako, "bantot bantot mo na Cloud..." She giggled.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

"Are you still in pain?"

Umiling ako. I am not in pain anymore after seeing your beautiful face.

"Huwag ka pa dapat masyadong gumalaw your wounds are still fresh, kakatanggal lang din ng bala sa katawan mo last week."

Tumango ako sa kanyang bilin.

"Please next time don't ever pull that stunt again, akala ko talaga mawawala ka sa akin. I thought I'd lose you, I thought Chase would lose you."

Bigla niya akong niyakap, I winced in pain at mukhang nahalata ni Alison ito, "masakit ba? Sorry!" Pagpanik nito.

Ngumisi ako saka tinuro ang labi ko, "it... w-wont hurt... here..."

Tinignan ako ng Alison saka tumawa, "may oxygen mask."

"Take... it... off..."

Tumango siya at saka tinanggal ito, nakahinga naman agad ako ng maluwag nang matanggal na, pagkatapos non ay siniilan niya ako ng malalim na halik sa labi, pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang labi ni Alison sa labi ko, I tasted strawberry mints on her and I felt the craving sensation wanting for more.

Sa gitna ng paghahalikan namin ay bumukas ang pinto, "jusmiyo por santos que horror!" Sigaw ni Mama, "live porn!" Dagdag nito. Natigil kami ni Alison at sabay na namula.

Pumasok na siya kasama si Papa, mukhang hindi nakasama si Ice dahil abala siya sa kanyang kambal at negosyo.

Tumingin sa akin si Papa, "kailan ko puputulin?"

Suminghap ako.

Tumawa lang siya, "nagbibiro lang, saka na lang puputulin kapag marami ka nang anak."

Napatingin si Alison sa akin saka tinaasan ako ng kilay na tila nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ni Papa, ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot.

"Kumusta naman ang lagay mo anak?"

"Ayos lang m-"

Nagulat ako nang bigla akong sinampal ni Mama dahilan upang nabuhayan ang buong katawan ko. "What the fuck, Ma?"

"Ano sabi mo? Fuck? Sino nagturo sa iyo non sasampalin ko!" Pinaypayan ni Mama ang sarili niya, "jusmiyo por santos que horror doble! Wala na ang perfecto mong kutis! Wala na!" Nagsimula siyang umiyak. Si Papa naman ay umiling saka mabilis na pinatahan si Mama.

Napatingin silang dalawa kay Alison nang napansin siya, "may naligaw na babae." Sabi ni Mama.

Natawa na lang ako pero agad na tumigil nang sumakit ang likod, "Mom, Dad, maybe this is not the right to tell you this-"

"Anong sasabihin mo? Na baog ka?" Suminghap si Mama, "sabihin mo lang magpapagawa tayo kay Ice tapos ikaw ang magsisilbing tata-"

"Mom, let me finish." I scowled.

Nagbuntong hininga siya saka tumango. She zipped her mouth and nodded at me as if letting me talk now.

"She is Alison Kimorra."

"Kimorra! Oh, siya pala ang anak ni Alastor saka Flordeliza!" Saad ni Mama, tumango lang si Dad.

"I'm sorry kung ngayon ko lang ito sinabi sa inyo pero si Alison, she's going to be my wife soon and... and... uh... matagal na kayong Lolo at Lola."

"Malamang may anak na si Ice." Sagot ni Papa.

"I mean... sa side ko..." Ngumiti ako.

"Ang gulo mo anak." Sabi ni Mama, "natamaan ba ulo mo kaya kung ano ano ang pinagsasabi mo?"

"Ang gusto pong sabihin ni Cloud ay may anak kaming dalawa."

Agad na tinignan ni Mama ang tyan ni Alison saka hinaplos ito. Nailang naman si Alison at urong. "Wala namang baby bump!"

"I already gave birth to him..." Ngumiti si Alison kay Mama na halatang nagulat, nagkatinginan sila ni Papa. "Chase po ang pangalan." Dagdag nito.

"Oh my golly, Cassandro! Kailangan atang mabaril lagi si Cloud para lumago ang angkan natin!" Histerikal ni Mama.

"Oo nga." Sang-ayon ni Papa.

Crazy parents.

Tumingin sa akin si Mama at kay Alison, "o'sya, pupunta na kami sa Villanueva, welcome to the family Alison."

"Thank you po, Tita."

"Nah dear, don't call me Tita! Call me... Mama and my husband Papa. Oki?"

Ngumiti si Alison saka tumango, niyakap ni Mama si Alison ng mahigpit, tumingin siya sa akin, "gusto kong makita ang apo ko soon!"

***

Chasing the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon