Kabanata 4

21.6K 647 73
                                    

"It's fine, sa likod ng kotse ko na lang ako matutulog, sanay naman na akong doon natutulog kasi kapag nagbibiyahe ako naaabutan ako ng gabi sa daan at walang malapit na hotel." I said to Alison, mabilis siyang umiling sa akin.

"Ano ka ba, pumayag na si Dad. You can stay for as long as you want, right Dad?" Ngumiti si Alison kay Mayor Alastor na mabilis namang tumango.

"Of course, tinawagan ko na rin si Cassandro para sabihin na kasama ka namin, he seems to be pleased by the coincidence." Saad ni Mayor, "I hope you find Alisa who is definitely not my daughter. Definitely not." Dugtong nito saka tumayo na, "let's go home." Tumayo na silang lahat, tumayo na rin ako at sumunod.

"Sundan mo na lang ang kotse ko, okay?" Nakangiting saad ni Alison sa akin, tumango naman ako at sumakay na sa baby ko, don't mistaken me, I call my car as my babies, naunang umalis ang kotseng sinakyan ng magulang ni Alison at ng kanyang mga kapatid, sumunod naman siya at saka ko siya bununtutan sa likod. Gabi na rin at madilim sa daan, hindi gaanong maraming kotse kung ikokompara sa Manila, tahimik rin ang buong Alta Rio.

Halos kalahating oras lang ay tumigil ang dalawang kotse na sinusundan ko sa isang gate na entrada ng matayog na mga pader, lumabas ang isang guwardya at sinuri ang mga kotse saka nagbigay ng senyales dahilan upang bumukas ang gate, mukhang mahigpit ang sekuridad ng compound nina Alison, siguro dahil mayor ang kanyang Papa.

Sumunod na rin ako at saka minaneho papasok ang baby ko, bumungad sa akin ang garden tiles na daanan ng kotse, may mga nakahilerang lampposts sa magkabilang dulo ng daanan kaya maliwanag at pinapalibutan ng maraming puno ang malaking compound, sobrang yaman ata ng pamilyang ito?

Matapos ang ilang sandali ay natanaw ko na ang malamansyon na bahay. Mataas ito at malawak, tila ba unang napatayo ito sa renaissance period dahil sa makalumang disenyo nito, halatang kakatapos lang ma-renovate ng mansion. Whoa.

Mula sa isang shaded area ay doon nag-park ang dalawang kotse, sumunod naman ako at tinabi ko ang baby car ko sa berdeng kotse ni Alison, lumabas na ako gayon rin sila, hindi ko maiwasang mamangha, napapalibutan ng mga puno ang mansyon at matayog na pader, para tuloy akong nasa gitna ng kagubatan...

May dalawang nakauniporme na parang maid ang lumapit, "Ate, pakibuhat naman ang mga gamit ni Cloud," utos ni Alison sabay turo sa akin, "he is going to be our guest, pakihanda na rin po yong guestroom."

Tumango ang dalawang maid, "nah, I can carry my baggage by myself." Sagot ko saka ko binuksan ang compartment ng baby car ko at nilabas ang isang maleta, "isa lang naman."

"You are our guest here, Cloud." Suway ni Alison, "ate, kunin mo na ang maleta ng bisita natin."

Tumango ang kasambahay at mabilis na kinuha ang maleta mula sa hawak ko, bago iyon ay tinignan muna niya ang tattoo sa kamay ko na parang nagtataka, "parang pamilyar..." Saad nito, tumaas naman ang isang kilay ko, "ay sir! Sorry." Mabilis na umiwas ng tingin ang babae saka hinila ang maleta ko, nakita kong nauna nang pumasok sa loob sina Mayor at mga kapatid ni Alison.

Sumunod naman ako kay Alison at sa dalawang kasambahay, nang nasa loob na kami ng mansion ay bumungad sa akin ang marmol na sahig, mataas rin ang kisame na may mga chandelier, may malalaking vases rin sa paligid na halatang galing sa ibang bansa, the house itself spoke elegance, wealth, and power.

Halata ring laging nalilinis ang mansion, ni isang alikabok wala akong makita. Umiling na lang ako at sumunod kay Alison na nakasunod sa dalawang maid, "magkatabi lang pala ang guestroom at room ko." Saad ni Alison, "so if you need something, just knock on my door, I'm just next to you." Dagdag niya, naglakad na kami sa hagdan patungong ikalawang palapag.

Chasing the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon