Kabanata 7

24.3K 554 59
                                    

She killed herself?

Napatingin ako kay Alison na tila natigilan, I wanted to ask her what Ethan meant but I know that I'm not in the place to ask her, naguguluhan ako sa mga nalalaman ko, Alison said Alisa was murdered while Ethan said she committed suicide?

Tumingin ako kay Ethan na nakangiti pa rin, hinawakan ko ang kamay ni Alison at hinila siya palayo, maraming tao ang lumapit sa amin ni Alison pati na rin kay Ethan para kumuha ng litrato kasama namin dahil kami ang nanalo, nang matapos iyon ay tumingin ako kay Alison, "wala ako sa pwesto para tanungin ka pero... gusto kong malaman ang katotohanan. Please don't lie to me, Alison. Did Alisa really kill herself? Hindi ako magagalit, just tell me the truth."

Kinagat niya ang babang labi niya, "let's talk somewhere more private. Sundan mo ang kotse ko." Saad niya saka siya sumakay, nagbuntong hininga ako at sinundan si Alison sa kalsada, natanaw ko ang arko sa kalsada na may tatak na Dios kuma ti Kumuyog, Algaya. Mukhang nasa isang kalapit na bayan na kami at ang alam ko ay sunod sa Algaya ay ang Villanueva kung saan nandoon sina Tornado at Thunder.

Pumasok ang kotse ni Alison sa isang daanan na napapalibutan ng bukid, sinundan ko lang siya hanggang sa naging mapuno ang paligid, matapos ang ilang sandali ay tumigil kami sa tapat ng sementeryo.

Lumabas siya at sumunod naman ako, "bakit mo ako dinala dito?"

She sighed, "we'll visit my sister's grave."

Tumango na lang ako, naglakad kami papasok ng sementeryo, matapos ang ilang sandali ay tumigil kami sa ibaba ng acasia kung saan may isang puntod, tumigil dito si Alison at saka niya nilinis ang nameplate ng puntod na tinatakpan ng mga patay na dahon.

Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang nakasulat sa nameplate ng puntod.

Alisa Kimorra
Born July 9, 1994 & Died July 10, 2014
You will forever be missed.

"Akala ko four years ago ang death niya?" Bumilis ang tibok ng puso ko, "today is May 2016, that's almost two years ago." I gasped. "And... Alisa and I met three years ago. What are you not telling me, Alison?"

"Maaaring ang kapatid ko ang nakilala mo." Lumunok siya at umiwas ng tingin, "this is the real grave of Alisa, her other grave is in Alta Rio's cemetary, magkaiba ang year ng death doon, four years ago sa Alta Rio at dito naman two years ago ang year ng death."

"Why?"

"Five years ago, Alisa went missing with Ethan, a year after that they were declared dead and her first grave was in Alta Rio, without her body of course, another year later bumalik si Ethan pero hindi kasama si Alisa, he said na nagtanan silang dalawa ni Alisa pero bigla siyang nawala, agad na tumungo sa mental health institution si Ethan hindi dahil sa nabaliw siya kundi dahil tinuloy niya ang trabaho niya bilang isang psychiatrist, another year later Alisa's rotting body was found, sa mga autopsies na nakalap it says a year ago ang death niya and it was possible she was raped and murdered, sino pa ba ang maaaring makagawa non sa kanya? Ethan."

"Wait... so does it mean hindi 2014 ang year of death niya kundi 2013?"

She nodded.

"Ibig sabihin kung siya si Alisa na hinahanap ko and we met three years ago, then ilang months lang ang nakalipas bago siya mamatay. Then it's not Ethan's fault at all." Yumuko ako at pinagmasdan ang puntod, "what else did the autopsy say?"

"It's also possible she killed herself dahil sa mga cuts sa tapat ng pulso niya, pero bakit niya iyon gagawin? Alisa is the happy type, she will never think of committing suicide." Alison wiped a tear on her eye.

Chasing the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon