Kabanata 19

17.2K 499 20
                                    


Ilang beses kong tinawagan si Alison pero hindi siya sumasagot which was unusual dahil lahat ng tawag ko ay sinasagot niya, humugot ako ng malalim na hininga habang tuloy pa rin ang pagputok ng mga fireworks, akmang tatawagan ko ulit siya nang may isang unregistered number na tumawag, mabilis ko itong sinagot expecting it to be Alison.

"Alison?" Bungad ko.

"Si Aliza 'to, Cloud." Halata ang pag-aalala sa boses niya, kumuyom ang hawak ko sa telepono ko dahil sa isang masamang senaryo na biglang tumatak sa isipan ko, maybe this is just me and my paranoia. "Na-kidnap si Ate saktong paglabas niya kanina sa bahay..." Tuloy nito, halatang umiiyak si Aliza at nagkakaroon ng panik sa background niya.

Parang gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi ni Aliza, Alison was kidnapped? Bigla kong naalala ang mga sinabi niya sa akin noon, dapat naniwala ako sa kanya at sa kanyang mga hinala, mas lalong humigpit ang hawak ko sa telepono ko. This is all my fault.

Walang mangyayari Cloud kung sisisihin mo lang ang sarili mo. You need to think and do things calmly.

Huminga ako ng malalim nang may pumasok na ideya sa isip ko, "I'll track her phone's GPS." Binaba ko na ang tawag at agad na tinrace ang GPS ni Alison, binulsa ko ang singsing at saka tumakbo palabas ng mall, nang nakuha ko na ang eksaktong lokasyon niya ay kumunot noo ako, "Algaya Cemetary?"

Mabilis akong tumawag kay Aliza para sabihin sa kanya na nakuha ko na ang lugar kung saan dinala si Alison, sinabi naman ni Aliza na papunta na ang mga police doon, nauna na lang ako sa kanila dahil hindi ko kayang manatili lamang sa pwesto ko na alam kong nasa pahamak si Alison.

Mabilis kong minaneho ang kotse ko sa gitna ng kalsada, mabuti at wala masyadong mga sasakyan dito sa probinsya, nang nasa sementeryo na ako ay agad akong bumaba, mukhang wala pa ang mga police, tahimik at madilim ang paligid at tanging mga puntod lang ang makikita.

Nilibot ko ang buong sementeryo habang nakabase sa GPS nang may nakita akong ilaw mula sa malayo, "Alison?" Sigaw ko at mabilis na lumapit sa ilaw.

Nang malapit na ako ay natanaw ko si Alison na nakatali sa krus ng isang puntod at may takip sa kanyang labi, sa tabi niya ay ang telepono niyang nakasindi ang ilaw na nakita ko, biglang nanlambot ang mga tuhod ko nang nakita ko si Alison sa kanyang kalagayan, umiiyak siya pero nang nakita ako ay tumigil siya at nanlaki ang kanyang mga mata.

Tumingin ako sa paligid at mukhang walang tao, mukhang iniwan nila si Alison dito which is strange, why would they leave her tied here just like that after their efforts of taking her?

"Hmpt! Mffft!" Ungol ni Alison na tila ba may gustong sabihin pero hindi masabi dahil sa takip sa kanyang bunganga, lumapit ako sa kanya at agad siyang umiling na tila pinipigilan ako, nang malapit na ako ay parang may naapakan akong kung anong bagay dahilan upang magkaroon ng ingay ng sirena.

"Shit." Mura ko, napatingin ako sa paligid at may nakita akong mga armadong lalake mula sa malayo, mabilis akong lumapit kay Alison saka tinanggal ang takip sa bunganga niya.

"Leave me alone, Cloud! They want you dead! I am just a bait to pull you closer to them. Gusto nilang ipakita na papatayin ka nila sa mismong mga mata ko. Run, please..." Pag-iyak ni Alison.

Natataranta kong tinanggal ang tali sa kanyang kamay, damn bakit ang komplikado ng pagkakatali?

"Listen to me, Cloud..."

"Hindi kita iiwan, hinding hindi na ulit kita iiwan." Sagot ko sa kanya, nang matanggal na ang tali sa kanyang kamay ay sunod naman sa kanyang paa, matapos ang ilang sandali ay hindi na siya nakatali, "run, okay?"

Umiyak si Alison, "no, sabay tayong tatakas, paano ka?"

"I promise susunod ako, just run..."

"Pero-"

"Damn it, Alison! Malapit na sila!" Sigaw ko habang nakatingin sa mga lalakeng may dalang mga armas.

Hinawakan ni Alison ng mahigpit ang kamay ko, "mahal kita, Cloud."

"I love you too baby, I want you to run and never look back, okay?" Umiyak siya at tumango, I kissed her lips like it will be the last time, matapos iyon ay binitawan na niya ang kamay ko, pinagmasdan ko ang pagtakbo niya paalis na tila ba labag sa loob, ako naman ay muling tumingin sa mga lalake na palapit na, lima silang lahat at may mga baril habang ako mag-isa at walang armas.

Nagtago ako sa puno ng acasia sa gitna ng sementeryo habang naghahanap ng tamang tiyempo, I just need to take one man down and steal the gun.

I was about to move when I felt a cold object pressed against the back of my head. "Isang galaw mo lang at papasabugin ko ang bungo mo."

Bigla akong napako na parang estatwa sa aking kinakatayuan nang may lalakeng nagtutok ng baril sa aking likod, "what do you want?" Nanginginig na tanong ko.

"You. Dead."

Nang pakiramdam ko ay binaba na niya ang pagkatutok ng baril sa akin ay agad akong humarap sa lalake at saka tinuhod sa kanyang pagkalalake, napaimpit naman siya sa sakit at bitaw sa baril na agad kong pinulot, gamit ang likod ng baril ay hinampas ko ito sa batok niya dahilan upang mawalan siya ng malay.

Biglang nagkaroon ng palakas na palakas na ingay ng mga sirena ng police, mukhang malapit na sila. Alison will be safe. I just need to buy time for her.

Kinasa ko ang baril at saka tumingin sa natirang apat na mga lalake, pinutok ko ang baril sa kanila at saka tumakbo na, mabilis ang pagtakbo ko dala ng adrenaline rush at will to survive.

Hinabol naman nila ako at pinaputukan rin, nakipagpalitan ako ng bala sa kanila kahit alam kong wala man lang ako ni isang natamaan hanggang sa naubos ang bala ng baril na hawak ko.

Mabilis akong tumakbo habang hinahabol nila, pinaputukan ako ng isang lalake at natamaan ang paa ko kaya naman natumba ako, naramdaman ko ang mainit na sensasyon na dumaloy sa natamaang parte at pagtulo ng dugo.

I cannot stop here.

Pinilit ko ang sarili kong tumayo at paika ikang naglakad, they were gaining on me as I run and they chase, muli akong pinaputukan ng baril ng isa sa kanila at nadaplisan ang braso ko, muli silang nagpaputok at naramdaman kong tumama ito sa likod ko.

Tuluyan na akong napahiga sa damuhan, pain was coming all over the three parts of my body na natamaan ng bala.

As long as Alison is safe, this is worth it.

Naramdaman kong tumakbo paalis ang mga lalake nang dumating na ang mga police, hinawakan ng isang police ang pulsuhan ko to check my vitals, "somebody was shot, call an ambulance!"

Matapos ang ilang sandali ay ramdam kong binuhat ako papuntang stretcher, pinasok ako sa ambulansya at si Alison naman ay sumabay, hinawakan niya ang nanlalamig na kamay ko.

"Cloud, stay with me, okay?" She cried.

"My pocket." I whispered.

"B-Bakit?"

"There's a box..." Saad ko, agad naman niyang kinapa ang bulsa ko at nilabas ang itim na box, kunting galaw lang ay sumasakit ang tama ng bala sa katawan ko lalo na yong sa likod.

I took three bullets for this woman I love, this is how extreme my love for Alison is.

"Open it..." Para akong naparaliso na nakahiga sa aking stretcher, ramdam ko ang panghihina sa aking katawan at alam ko anytime soon ay mawawalan na ako ng malay, kailangan kong iabot bago iyon mangyari.

Binuksan niya ang box at bumungad ang isang singsing, "will you marry me?"

"This is not the right time to propose, nasa loob na nga tayo ng ambulansya iyon pa inuna mo." Umiyak si Alison.

"Yes... or yes?"

Tumawa si Alison habang may nangingilid ang luha sa mata, "yes, Cloud."

I smiled, "I love you..." mahinang sagot ko bago ako tuluyang dinalaw ng kadiliman.

***

Chasing the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon