Kabanata 1

36.9K 757 107
                                    

"You're afraid of needles, right?" Ngumisi si Tornado sa akin, "I'm going to have a lot of fun watching you hurt."

Sinimangutan ko ang pinsan kong sadista habang hinuhubad ko ang shirt ko, ang tattoo artist naman ay abala sa paghahanda ng mga materyales na magagamit habang pinagbabasehan ang binigay ko sa kanyang mapa. "Shut up, Tornado. Sana kay Thunder na lang pala ako nagpasama."

Ngumisi siya at prenteng umupo sa may tabi ko, "it will really hurt, having a thousand needles pushed into your skin for your tattoo? Alam mo ba na marurumihan rin ang dugo mo? When that happens hindi ka na makaka-donate pa ng dugo." He shrugged.

"Wala akong pake." I scowled, "seriously Tornado? Pwede ka nang umalis. Hindi ka nakakatulong, at least palakasin mo ang loob ko hindi yong binibigyan mo pa ako ng rason para manghinayang."

Tumawa siya, "that's what I'm best at."

Pumwesto na ang tattoo artist na si Kuya Aldrox sa harap ko, "left or right hand?" Tanong niya.

"Right hand." Sagot ko naman, tumango siya at saka kinuha ang kanang kamay ko, may ginawa siya na para bang kinukuha niya ang measurements at tinatantsa ang mapa sa mismong kamay ko, matapos iyon ay may kinuha siya na needle pusher, basta yong pang-tattoo na.

"This will really hurt." Saad ng tattoo artist, ''may takot ka sa karayom, right?" Lumunok ako at saka tumango, "are you really sure about this, Cloud?" Tanong ni Kuya Aldrox, "once I start there's no turning back, mahahaluhan ang dugo mo ng tinta, at hindi mo na matatanggal pa ang tattoo not unless you laser it."

Tumango ako, "I can do it. No regrets."

He nodded, "then don't move a single inch, huwag magalaw, kung magalaw ka baka magkamali pa ako." Paalala niya, muli naman akong tumango at saka lumunok, mahigpit niyang hinawakan ang wrist ko at saka tumingin sa akin, "ang buong right hand mo ang malalagyan ng map tattoo. Ready, in three I'll push the needle, one... two..."

"Wait!" I shouted, ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Tumaas ang isang kilay ni Kuya Aldrox, "bakit?"

Tumingin ako kay Tornado na nakangisi sa akin, "back out ka na? Wala kang balls." Pagbiro nito.

Kumunot noo ako, "masyadong mabilis ang countdown."

Umiling na lang si Kuya Aldrox, "okay, babagalan ko, in one... two... three..."

"Fuck!" I cried when I felt the needle piercing through my skin, tila ba sinusugatan ang aking kamay ng maraming karayom, hindi ko maipaliwanag ang sakit, basta mahapdi, ugh it fucking hurts! Si Tornado naman ay tila tuwang tuwa pa na nakikita akong nasasaktan na, "goddamn it ang sakit!" I groaned.

"Huwag magalaw." Utos ni Kuya Aldrox at hinigpitan ang hawak sa kamay ko, I nodded and tried to calm my fucking soul, sa ibang gawi ako tumingin at hindi sa kamay ko. Pakiramdam ko mahihimatay ako kapag titignan ko ang kamay kong nilalagyan ng tattoo.

Muli kong naramdaman ang rumaragasang tusok ng karayom sa kutis ko, mariin kong kinagat ang babang labi ko para tigilan ang pagsigaw at paggalaw ng kamay kong nilalagyan ng tattoo, pinikit ko ang aking mga mata at inisip si Alisa, kinalimutan ko ang sakit na kasalukuyang dumadaloy sa kamay ko and it worked, all I thought of was Alisa, the beautiful Alisa I met a month ago. She was still clear and vivid to me. I felt my soul calm as a needle-like object pierced through my skin, one by one, every fucking second.

Hindi ko na namalayan pa ang oras nang tumigil si Kuya Aldrox sa paglagay ng tattoo sa buong kanang kamay ko, basta nong tumigil siya ay pawisan ako, tumingin ako sa kamay ko kung saan nalagyan na ng mapa, the map that she left behind together with the words Chase me, Cloud.

Chasing the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon