=Encounter=5-8-16

3.8K 133 3
                                    

Nina POV

Narito kami ngayon sa may entrada ng mansion ni Lucas. At mula dito nakikita ko ang labas ng malawak na bahay na ito, may mga poste ng ilaw na nakapalibot sa malawak na entrada mula sa may bakal na gate na halos hindi kona matanaw dahil sa layo nito mula sa mansyon, sa fountain sa may bandang gitna, na napakagandang tignan dahil sa mga liwanag na nagmumula dito, marahil dahil sa mga ilaw na nakakabit sa palibot nito.

Napabaling ang tingin ko kay Lucas na nakatalikod habang nagbibigay ng instruction kay Calvin, malayo sila ng kaunti sa kinatatayuan ko kayat hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila bukod pa at pang pribado lang ang tono ng boses nila.

Hindi ko alam kung bakit nahahalina akong pagmasdan ang bawat galaw ng katawan at pagkumpas ng kamay ni Lucas. Ang pagsukbit ng mga kamay nya sa bulsa ng slacks, pati na ang hindi maiwasang pagbakat ng muscle nito sa kabila ng suot na suit.

Ilang sigundo habang pinagmamasdan ko si Lucas ay nanlaki ang mata ko ng pumihit ito paharap sa akin at magtama ang mga paningin namin, nahuli nya akong timititigan sya ng mataman! at huli na para iiwas ang mukha ko, hindi ko tuloy maiwasang mamula at panigurado na kulay kamatis na ako.

Hindi ko makita ng maigi kung ano ba talaga ang reaksyon nya. Otomatikong naitakip ko na lamang sa mukha ko ang 2 palad sa sobrang hiya sabay nagbaba ako ng tingin.

Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko....

Sinilip ko kung nakatingin parin ito sa direksyon ko at nakahinga ako ng maluwang ng nakatalikod na ito ulit at kausap si Calvin. Wala sa loob na dinama ang tibok ng puso ko.

Kanina nagtaka ako ng makita kong isa isang dumating ang mga 4x4 na itim na sasakyan. Bali lima silang lahat, at lahat ay magkakamukha ang hitsura at desenyo,mukhang sa plaka lang magkakaiba, at mula sa mga yon ay lumabas ang mga lalaking malalaki ang katawan, nasa 5 katao ang laman ng bawat sasakyan pwera ang nasa gitna kung saan lumabas si Calvin at ang isa sa mga lalaking naalala kong kasama ni Lucas ng gabing nakita ko sila.

Hindi naman siguro sila lahat kasama sa paghahatid sakin ni Lucas hindi ba?

"Everything settled now, we can go"Hindi ko man namalayan ang paglapit nya saakin.
"Is everything ok to you? All Your belongings are there?"
Itinaas baba ko nalamang ang ulo ko bilang pagsang ayon, parang may bikig kasi sa lalamunan ko ng malanghap ko nanaman ang mabangong amoy nya pati na ang lapit nya saakin.

"Okay then lets go" inalalayan ako nito hanggang sa pag pasok ng sasakyan. bali sa pinakagitnang sasakyan ang pinasukan namin kasama sina Calvin at yung isa pang nabanggit ko kanina.

Bago ako nakapasok sa sasakyan ay nakita kong isa isa ring punasok sa mga sasakyan ang mga lalaking nakita ko kaninang sakay din ng mga ito.

" Choose the fastest route Calvin"

Mga ilang minuto muna ang lumipas ng huminto kami at magradyo si Calvin na buksan na ang gate hanggang sa tuluyan na ngang umandar ang mga sasakyan, hindi man ako ganun kaalam sa mga sasakyan alam kong heavily tinted ito kung kayat hindi ko narin gaanong matanaw ang daan, hindi rin kasi familiar ang daan saakin.

"C-can I know where are we?"mejo ilang kong tanong, kanina pa kasi walang nagsasalita at nakakabasag ang katahimikan.

Napabalong ang tingin saakin ni Lucas at nakita ko rin sa pheripiral vision ko ang pag sulyap ni calvin saamin mula sa rearview mirror.

Akala ko nung una ay tititigan lamang ako ng malayelo at hindi sasagutin, pero nakalipas ang ilang segundo huminga ito ng malalim.

" we're in forbes subdivision, only 40min. Travel to your home" pormal parin nitong sabi.

Lucas Anthon Moretti (MAFIA BOSS)Where stories live. Discover now