"Ah! Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Susunduin ka. Manliligaw ako." sabi niya at ngumiting muli sa akin.

Tumakbo ako papuntang C.R. at nagmadaling maligo. Monday pala ngayon! At sa Prizia na ako papasok.

Pagkatapos kong maligo ay halos mapamura ako ng maalalang wala pala akong dinala na isusuot kahit towel wala.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng C.R. at nagsalita kay Rex na nakaupo sa sofa sa kwarto ko.

"Rex, pakitanong naman kay Mama kung nasaan ang uniform ko at sabihin mo na dalhan ako ng undies." Nakita kong pumula ang pisngi at tainga niya. Hwahh. Ang cute ng mukha niya kapag mapula.

"O-okay." sabi niya bago lumabas.

Bumalik siya na dala ang uniform ko at inabot sa akin.

"Nasaan 'yong mga under wear ko?" tanong ko. Ano 'yon? Hindi ako magsusuot ng bra at panty?

"N-nasaan ba? Ako na lang daw ang kumuha rito sa kwarto mo."

What?! Siya ang kukuha?

Hindi ko hahayaan na may makakita ng panty kong lalaki.

"Huwag! Lumabas ka na lang at ako na ang kukuha." wika ko habang nakasilip sa pinto ng banyo at pinandidulatan siya ng mata.

Mabilis naman siyang tumango at lumabas ng kwarto ko.

Nagmabilis din akong magbihis para hindi siya mainip.

Paglabas ko ay ngumiti lang siya sa akin at inakbayan ako.

"Kain ka na. Kanina pa nga ako rito kaya pinagluto ko na kayo." pagmamayabang niyang sagot.

Kahit kailan talaga ay mahangin pa rin ang isang 'to.

"Masarap naman ba? First time ko titikman ang luto mo kaya dapat ay masarap 'yon, dahil kung hindi..." pagbabanta ko.

"Kung hindi, ano?" mapanghamon niyang tanong.

"Bubugbugin kita." ng halik. Hehehe... Okay masiyadong chizy!

"Kaya mo?" siya.

"Naman! Baka nakalilimutan mo na natalo kita at napatumba." pagmamayabang ko.

"Yumayabang ka na ngayon, ha. Kung hindi lang kita baby." aniya at hinila na ako pababa.

Ang bagal ko raw kasing maglakad.

Aba, edi umuna siya.

Nakita kong nandoon na rin sina Mama, Dad at Kuya.

Mmm... Nasarapan kaya sila?

Pinaghila pa niya ako ng upuan. Nakatingin naman sila sa amin.

Nakakahiya pero masaya.

Umupo na siya sa kalapit ko.

Kukuha na sana ako ng mga niluto niya ng siya na ang kumuha para sa akin.

Medyo awkward para sa akin kasi si Nika ang girlfriend niya kahapon lang tapos ako na ang gusto niya.

"Naku, hija alam mo ba 'yang si Rex, 5:00 pa lang ay nandito na? Hindi na yata kumain sa kanila. Sinabi niya rin na siya na raw ang magluluto." natawa nalang ako sa sinabi ni Mama.

Five? Ang aga naman niya. Excited much?

Tinikman ko na lang ang niluto niyang pancake. Sarap ha.

"Baka naman mabilaukan ang kapatid ko sa mga titig mo." ani kuya Zein kaya napabaling ang tingin ko sa kalapit ko na ngayon ay nakatitig pa rin sa akin.

Pagkatapos namin kumain ay sumakay na kami sa kotse ni Rex. Dala niya kasi 'yong sasakyan niya.

Nakarinig ako ng tilian sa labas ng pumarada ang sinasakyan namin sa labas ng gate. Talagang sikat ang mokong na'to sa Prizia, pati nga sa Shamberg University.

Bumaba si Rex at pinagbuksan niya ako ng pinto.

Suminghap ang mga tao ng makitang may babae siyang kasama.

Nagulat ang iba ng makita ako. Ako kasi ang kaisa-isang nag-utos kay Rex na maglinis ng C.R.

Maya-maya pa ay may boses kaming narinig mula sa speaker.

"To all the students, teachers, janitors, guards, lahat ng nagtratrabaho at nag-aaral sa Prizia. Please procede to the gym and we will introduce you to a very important person." ani ng isang babaeng tinig.

Inakbayan na ako ni Rex at marami ang nagbulungan ng dahil sa ginawa niya.

"Hanggang akbay lang siya bukas wala na 'yan. " bulong ng iba.

I don't care!

Sa school na ito ay maraming nangbully sa akin dati at sa tingin ko mas dadami pa 'yon ngayon.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon